A Good Start Again

64 7 3
                                    

(Josh POV)

"What!!!!???? Aalis ka? Why? Bakit?" Pasigaw na pashock na reaction ni Mich ng sabihin ko sa kanilang dalawa ni Luke na aalis na ako sa Sabado.

"I will be transferring in a greener pasture." Pabiro kong sabi na kinais naman ni Mich.

"Greener Pasture ka dyan! Sabihin mo na kasi kung saan ka pupunta!" Pagpupumilit ni Mich

"Ayoko nga baka sabihin mo sa mga pinagkakautangan ko kung saan ako pupunta eh sundan pa nila ako dun!" Hindi ko nanaman seryosong sagot. Sa totoo lang ayoko muna nilang malaman kung saan ako pupunta pero hindi ko naman ito habang buhay ililihim. Pag sa tingin ko naka move on na ako hindi lang kay Megan kundi pati na rin sa buhay ko at buhay naming lahat saka ko na sasabihin sa kanila kung nasaan ako.

I really need sometime alone. Hindi rin madali ang pinagdaanan namin ni Megan tapos hindi ko pa alam na nasasaktan ko pala si Mich at ngayon nalaman ko pa na may gusto si Luke kay Megan.

"Sasali ka sa isang Sindikato noh kaya ayaw mong sabihin kung saan ka pupunta!" Pangungulit nanaman ni Mich hay naku ang kulit talaga ni Mich.

"Wag mo na syang pilitin Mich baka may sarili syang dahilan kung bakit ayaw nyang sabihin. Wag kang mag alala hindi rin magtatagal at sasabihin nya sa atin kung nasaan sya at iimbitahin nya tayong bumisita sa kanya diba Josh?" Hay salamat nagsalita rin itong si Luke akala ko wala na itong ibang gagawin kundi ang kumain ng pizza.

"Aba syempre! Pag marami na akong pera pagbabakasyunin ko kayo dun! Libre pa!" Ngiti kong sabi pero nakasimangot pa rin si Mich.

Humarap ako kay Josh at sinabing "Pasensya ka na kung kelan kararating mo lang saka naman ang agad kong pag alis."

"Ok lang yun pero hindi ka ba magpapaalam kay Megan?" Bigla akong natigilan sa kanyang tanong

"Hindi nah! Hindi naman kami close.." sabi ko na hindi makatingin ng diritsu kay Luke.

"Nabanggit sa akin ni Megan na may relasyon kayo noon. I think she has to know about this and deserve a goodbye." Hindi agad ako nakasagot sa sinabi sa akin ni Luke for what reason hindi ako sigurado.

"Hmm.. kung ano man meron kami ni Megan noon it is all in the past. Wala nang kahit ano pa sa aming dalawa ngayon kahit pagkakaibigan kaya hindi talaga necessary na malaman nya pa. Take care of her" sagot ko. Biglang binalot kami ng katahimikan dahil va napaka emo ng sagot ko o awkward lang talaga?

"Ah order tayo ng pinakamaanghang nila na buffalo wings. Paramihan tayo ng makain na walang iniinom na tubig! Game?" Pagbabasag ni Mich sa katahimikan.

"Game!"

"Sige ba!"

---------------------------------------
(Megan POV)

Sabado ngayon at wala akong ibang ginagawa kundi ang humiga sa kama na dapat sana ay gumagala ako ngayon kasama ng mga classmate ko. Ewan ko ba after nung play namin naging matamlay ako. Walang gana walang energy pero wala naman akong sakit.

Biglang nagflash sa akin ang scene na pinakilala sa akin ni Luke sila Josh at Mich tapos mukhang excited pa silang umalis para magdate. Masaya na si Josh sa piling ni Mich. Nakalimutan nya na talaga ako. Naninikip ang dibdib ko sa lungkot at panghihinayang tuwing naiisip ko ito. Bakit kasi hindi ko sya pinanindigan? Bakit hinayaan ko nalang mawala ang lahat sa amin? Totoo nga ang saying na sa panahon ngayon yoyo nalang ang bumabalik pag binitawan mo.

Napansin ko na may libro na nakapatong sa table sa tabi ng bed ko. Kinuha ko ito at nagulat ako na libro pala ito ni Asad Iqbal. Papaano ito napunta dito? Akala ko naiwala ko na ito. Binuksan ko ang libro and I scan it. Hindi talaga ako nagbabasa ngayon bale Tinitingnan ko lang ang bawat pahina ng libro hanggang sa nakarating ako sa huling pahina ng libro kung saan isa itong blank page pero may nag iwan ng sulat. Siguro ang dating may-ari ng librong ito ang nagsulat.

Cool Off !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon