Break up

322 29 9
                                    

(Josh POV)

Naalimpungatan ako dahil tumunog ag cellphone ko. Badtrip naman! Sino ba tong tumatawag sa akin 6:00 am pa may nang iistorbo na! Haayysss

Hindi ko pinansin ang cellphone ko at natulog ako ulit.. pero pang limang beses na tumutunog ang phone ko grabeh na ito! Sino ba itong tumatawag hindi ba nya alam may pinagdadaanan ako kaya gusto kong matulog??

Kinuha ko ang aking phone at tiningnan kung sino ang tumatawag sa akin.. Number lang? Tumawag sya ulit..

Josh: Hello? Sino to?

Megan: Josh. Si Megan ito pwede ba tayong magkita ngayon?

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Habang kumakain kami wala kaming kibo sa isa't isa. nang matapos ko na ang kinakain ko I decided to break the silence.

Josh: Nagpalit ka na pala ng number. (Walang ganang makipag usap look)

Megan: ah oo

Josh: Tapos na akong kumain aalis na ako,

Tatayo na sana ako para umalis.. Ayaw ko syang makita naalala ko lang nung tinanggap nya ang proposal ni Chris. Nakakainis!

Megan: (Hinawakan ang kamay ko para pigilan akong umalis) Sandali lang..  Hindi pa tayo nag uusap.

Umupo ako ulit..

Josh: Ano ba ang gusto mong sabihin? Sabihin mo na nagmamadali ako.

Megan: Josh I want you to know how sorry I am na iniwan kita sa ere noon na nakipag cool off ako pero gusto ko bumalik kung ano man tayo noon.

Whaatt?? Is this some kind of a prank? Pagkatapos syang makipag cool off sa akin at tinanggap ang proposal ng Chris ngayon gusto nyang makipagbalikan? Wala ata to sa tamang pag iisip si Megan!

Josh: Pinagloloko mo ba ako Megan? may ideya ka ba kung ano ang pinagdaanan ko ng mga panahon nakipag cool off ka at hindi ka man lang nagparamdam na as if ba I dont exist in your life tapos ngayon ang dali lang sayo hingin na bumalik ang lahat sa dati?

Medyo nagulat at natahimik si Megan sa mga sinabi ko. Napalakas ang boses ko kaya napatingin ang mga tao sa paligid namin mabuti nalang hindi masyadong maraming tao kasi kabubukas lang ng restaurant.

Megan: Ang hinihingi ko lang naman noon ay enough time...

Josh: Enough time for what? Hindi ko talaga alam kong ano ang ibig sabihin ng cool off ayoko ko na.. To make everything clear Break na tayo. Ayaw na kitang makita.

May sasabihin pa sana sya pero hindi ko na sya pinakinggan at iniwan ko na sya.

Bumalik ako sa bahay at nahiga sa sofa pilit kong pinikit ang aking mga mata pero sa tuwing ginawa ko yun mukha ni Megan ang nakikita ko.

Napatingin ako sa maliit na mesa sa gitna ng sala namin at nakita ko ang libro na binili ko noon

"Bakit nag Cool Off kayo ng Syota mo" by Asad Iqbal

Cool Off !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon