Moment of Truth

263 25 11
                                    

(Josh POV)

Buti pa ang COC ko tumitibay ang defense pero ang puso ko wasak parin.

Pupunta ako sa mall ngayon para makipagkita sa isang kliente na bumili sa akin online. Ganun talaga pag single lumalaki ang kita. Madami nga akong pera ngayon wala namang love life.

-------------------------------Mall--------------------------------------------

Ito po ay legit na Go pro camera 3, HD camera po na pwedeng pang under water very convenient maganda pang selfie at bagay po sa mga adventure moments po. (Ang hirap talagang mag sale talk para maka benta.)

Buyer: Kuya, may tawad pa po ba ito?

Josh: Ma'am factory price na po yan. 17k php. Wala na po kayong  makikita na ka presyo po niyan at brand new po with warranty kaya. Wala po kayong dapat e worry.

Buyer: Okay kukunin ko na po. 

Naka tatlong benta ako ngayong araw. Sana laging ganito. Dati rati para mas madaling maka benta lalo na sa mga lalaki dinadala ko si Megan. Kahit na alam kung gusto siyang hiritan nang ibang buyer. Ngayon ang hirap bumenta sa mga lalaki at ang babarat parang may mas alam pa sa nagbebenta. Kung si Mich naman ang dindadala ko ang bilis uminit nang ulo.

*Flash Back*

Buyer: Nako baka defective tong laptop niyo sa model na to dapat decline na ang price tapos 2nd hand pa.

Josh: Pwede niyo po subukan ang unit try lang po up to sawa. Test nyo lang kung hindi niyo type okay lang tumangi.

Habang tini-test nang buyer ang laptop madami pa siyang tanong at feedback sa product ko at dun na uminit ang ulo ni Mich.

Mich: Kung may balak kang bilhin ang unit, bilhin muna wag mo na kaming baratin at wag mo nang ubusin ang oras namin. Madami pa ang titingin nang laptop na yan. Pati sila pinag hihintay mo. Kung gusto mo nang qualtiy na pang brand new dun ka sa computer shop mag hanap. Kasi 2nd hand lang ang unit namin. Hindi rin namin kailangan nang lecture tungkol sa computer kasi kami nag bebenta kami hindi kami nag seseminar sayo. 

At nag walk out nga ang potential buyer ko at nag gumawa talaga sila ng scene dun sa meeting place. Uminit ang ulo ni Mich kasi may movie pa kami na dapat panonoorin at gusto na niya talagang umalis. Mga babae nga talaga may mga swerte sa negosyo at yung iba panira sa diskarte. Pero nagpapasalamat din ako sa ginawa niya at naturuan niya nang leksyon ang mga ibang buyer na low baller talaga.

Habang nagpapahinga ako sa isang fast food may nakita akong lalaking parang familiar sa'kin. Matangkad, moreno, malaki ang katawang at siguro gwapo. Nang tinignan ko nang mabuti nakita ko na si Chris pala yun.

Baka kasama niya si Megan. Masaya kaya siya? Masilip nga.

Gulat na gulat ako sa aking nakita. Hindi si Megan yun. Ibang babae ang kasama niya... Mula sa fast food sindundan ko sila kahit saan sila mag punta para ma kumpirma ko na may something sa kanila. Nang pumunta sila sa roof garden nang mall doon ko na kumpirma na may relasyon nga  silang dalawa. 

Ito ba ang pinag palit mo sa aking Megan? Isang lalaking hindi marunong makuntento sa isa. Handa akong magparaya para sa kaligayahan mo pero kung makikita kita na kasama ang gaya nang lalaking to di bale nalang. Humanda sa akin ang Chris na to.

bago ako pumunta kay Chris ang kinunan ko muna siya nang stolen shot kasama ang Girlfriend niya para may ebidensya ako na mapapakita kay Megan.

Cool Off !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon