"And maybe the old songs
Will bring back the old times
Maybe the old lines will sound new
Maybe she'll lay her head on my shoulder
And maybe old feelings will come through
Maybe we'll start to cry
And wonder why we ever walked away
Maybe the old songs
Will bring back the old times
And make her wanna stay"
Isang buwan na rin ang nakalipas mula noong huli ko siyang nakasama at wala akong ibang theme song kundi ang kanta ni David Pomeraz na "THE OLD SONG". Relate na relate talaga ako sa kantang to.
Habang nag eemote ako bigla nalang tumunog ang cellphone ko... Agad-agad kong kinuha baka kasi si Megan na...
Josh: Hello Megan?
Mich: Haha Megan ko yang mukha mo diyan eh. Bigti na friend!
Si Mich lang pala ang tumawag... Si mich ang highschool friend ko na halos kasundo ko na sa lahat ng bagay. Para ko na rin siyang kapatid at minsan naman Frenemy.
Mich: Samahan mo naman ako sa bookstore may kailangan akong libro na dapat bilhin.
Josh: Ayoko nakakatamad, wala din ako sa mood lumabas ngayon.
Mich: Hanggang kailan mo naman balak mag tago diyan sa kwarto mo, sa tingin mo babalik si Megan kung alam niya na wala kang ginagawa kundi makinig ng music pang broken hearted? Ew ka friend!
Josh: Sige na samahan na kita, kakapagod din makinig sa panglalait mo palibhasa wala kang alam sa pag-ibig. Basta dapat may libre ako dahil sasamahan kita.
Habang nasa book store kami nag ikot ikot muna ako habang namimili si Mich nang libro na bibilhin niya. Habang naglilibot ako sa book store may biglang naka agaw nang aking pansin.
"Bakit nag Cool off kayo ng Syota mo" by: Asad Iqbal
Josh: Anong libro to? at bakit ang pangit ng pangalan ng Author. Pero di bale, baka ito na ang sagot sa aking problema. Baka makakakita na ako nang solusyon sa librong ito. Mabili nga to.
"Humingi ba nang space ang girlfriend / boyfriend mo? Baka kasi dikit ka ng dikit at kahit saan siya pumunta buntot ka ng buntot. Di naman kaya halos lahat nang ginagawa niya gusto mong i text niya sayo.
Ex.
Ano na ginagawa mo ngayon? Nasan ka? Sino kasama mo? Anong oras ka uuwi? San ka pagkatapos sa School?
Kulang nalang tanungin mo nag toothbrush kanaba? Nag suklay kanaba?
Baka ang space na hinihingi niya ay ang malayo siya sayo, di dahil hindi ka na niya mahal kundi dahil hindi niya hahayaan na ikaw mismo ang mag dedekta nag buhay niya. Tandaan ang pagmamahal at possessive ay magkaiba. Hindi purket kayo na e sayo na talaga ang buhay niya. Bigay bigay din ng space kung may time."
Solution:
Dapat ibigay mo ang space na hiningi nang siyuta mo pero hindi rin dapat umabot nang 48 years. Baka kasi mawala na siya sa outer space. Dapat kailangan mong ibigay ang tiwala mo sa kanya at simulang baguhin ang sarili mo. Qualtiy time is better than Quantity time. Hindi sa dami nang araw na magkasama kayo kundi sa mga araw na napapadama mo na mahal na mahal mo siya kahit hindi kayo magkasama araw-araw! One of this day kung sa tingin mo na tama na ang space na nabigay mo simulan mong bumalik sa mga simpleng bagay. Gaya nang susunduin mo siya galing work o school. Wag mo din asahan na babalik agad kayo sa dati one step at the time."
Josh: Despite sa pangit ang pangalan nang author napaka genius naman niya. Asad Iqbal you're my Hero!
********************
Author: Until next update
Thanks for Reading!
BINABASA MO ANG
Cool Off !
RomanceIto ay kwento ni Josh at Megan... Ang isang magandand relasyon ay nauwi sa cool off. Ano nga ba ang dahilan at nawala na ang spark? Mababalik pa kaya ang dati nilang pag-iibigan? Ano nga ba ang dahilan bakit may cool off? Author's note:This story or...