Chapter Five

91 4 4
  • Dedicated to Paolo Vivas Feliciano
                                    

"Okay class. That's all for today. Thank you for your cooperation. Congratulations pala dun sa team ni Paolo, exempted sa activity natin ngayon. Punta na kayo sa shower rooms and after pwede na kayong umuwi." Sabi ng Teacher namin. 

"Thank you, Sir!" 

Hindi pa man ako nakakalabas ng Gym, Nilapitan ako ng Teacher namin sa P.E.

"Kim Paolo."

"Bakit po sir?"  

Alam mo yung kaba ko? Ah grabe! Iba kasi yung tono ni Sir. Para akong sesermonan or what. HAHA! Tamang hinala no? Pero, grabe talaga yung tono nya. Kinabahan ako bigla. 

"Ah, wala naman. Gusto lang kitang i-congratulate. At, na-impress ako. Kahit bago ka palang eh, may ibubuga ka na sa mga iba mong kaklase. So, keep up the good work! Goodluck!" 

"Wow! Salamat po, Sir! Opo, asahan nyo po yan. Thank you po ulit!" 

Akala ko naman kakatayin na ako ni Sir. Pero hindi pala. HAHAHA! Ang sarap sa feeling kapag may taong nakaka-appreciate sayo kahit sa mga maliliit na bagay na ginagawa mo. Nakaka-inspire tuloy. Alam kong may naniniwala sa kakayahan ko kaya pagbubutihan ko pa. :-)

Nakarating ako sa may Shower room. Medyo madaming tao kasi dalawang klase pala ang umuukopa sa Gym. Ang klase namin pati ang klase nila Denice, Joselle, Jessica, Tiffany, Maryty at Aira. Pagkapasok ko sa shower room ng boys, naandun pala si Marco kasama yung mga kaibigan nya na kapwa nya Varsity Players.

"Hoy, Feliciano!" Sabi ni Marco.

"Ah, pare. Siya ba yung tinutukoy mo?" Sabi ni Karl na kaibigan ni Marco.

"Siya nga pare. Sya yung tumalo sakin kanina kaya exempted yung grupo nila sa Activity sa PE." Paliwanag ni Marco.

"Eh, teka. Alam mo bang wala pang nakakatalo kay Marco sa mga quiz o activity nila sa PE sa buong klase nila? At ikaw? Isang tulad mo na, maitim? di pantay mga ngipin? Hahaha! Ingat ka brad! Bago ka palang dito sa HSAM. Di mo pa alam kung pano pag-uugali ng mga tao dito." Sabi ni Peter, kaibigan din ni Marco.

Eto nanaman tayo. Di naman ako nakikipag-kumpitensya kay Marco ah? Bakit kailangan ganyan pa sabihin nila? Mali ba yung desisyon ng mga magulang ko na dito ako pag-aralin? O sadyang grabe lang yung inis sakin ni Marco?

Biglang lumapit sakin si Marco. Nakita ko nanaman yung tingin nyang maala-gangster!

"Saka eto pakakatandaan mo. Wag na wag mong papatulan si Princess. Ako lang may karapatan para sakanya. Saka oo nga naman. Bakit ba ako mag-aalala? Eh baka patulan ka nya. DIBA? Kaya ikaw, ingat sa mga kilos...

BANTAY SARADO KA SAMIN!" Sabi ni Marco. Sabay tulak nya sakin at saka umalis sa Shower room.

Kim Paolo, hindi pwede to! kailangan mong tumayo dyan. Papayag ka bang inaapi ka nila? :O

.....

Princess's POV

"Cess, hihintayin pa ba natin si Kimpoy?" Sabi ni Angela.

"Oo sana, Angela. Gusto ko kasing mag-sorry sakanya. Natarayan ko kasi sya kanina eh. Nakakahiya. Kabago-bago nya dito eh na-samplean agad sya ng katarayan ko kahit hindi naman dapat." Sabi ko kay Angela. 

Sakto at dumating na sila  Denice, Joselle, Jessica, Tiffany, Maryty at Aira. Mga kasabay din naming umuwi. 

"Cess, sino pang hinihintay natin?" Tanong ni Tiffany.

"Si Kimpoy, natarayan nya kasi kanina eh. Ayan tuloy, nakonsensya." Sagot ni Angela.

"Akalain mong may konsensya ka pala? Hahaha! Joke lang!" Sabi ni Aira.

"Ayan na pala si Kimpoy oh!" Sabi ni Denice.

Nilapitan ko si Kimpoy. kailangan kong humingi ng sorry sa kanya dahil natarayan ko sya. Pero bakit ganun? parang nahihirapan akong umisip ng paraan kung pano ako magsasabi ng sorry sakanya? Iniisip ko kung ano kaya magiging reaction nya? Matutuwa kaya sya? Magagalit? Maiinis? Maiirita? HAY! Princess, wag ka ng tamang hinala. 

Kalma, Princess. kaya mo yan.

INHALE..

EXHALE..

UHMM..

"Kimpoy?"

"Uy, Princess. Pauwi ka na ba?"

YES! Mukhang good vibes tong si Kimpoy. At mukhang di sya galit. Asdfghjkl! SANAAAAA!

"Ah, oo eh. Kaso, bago tayo umuwi may gusto sana akong sabihin sayo."

ETO NA TALAGA YUN EH! O.O

"Oo ba. ano yun?"

Sabay ngumiti si Kimpoy. :-)  

"Gusto ko lang kasi mag-sorry sa mga nagawa ko kanina. Natarayan kasi kita eh. Alam kong first day mo dito kaso napakitaan agad kita ng katarayan ko. Sorry talaga ha? Ganun talaga ako pag naiinis eh. Pasensya ka na, Kimpoy." 

OMOOO! Nasabi ko rin sa wakas. 

Kaso, bakit... parang... ang.. tagal... nyang... sumagot?

Nakatingin lang sya sakin at ningitian ako?

HAHAHA. Well! Aminado ako. Cute syang ngumiti ha. :-)

ETO NA..

Kikibo na sya!

Baka mamaya batuhin ako nito. Baka kasi galit sya or what!

JUSME! Sana po hindi sya galit talaga!

"Princess, wala yun. naiintindihan naman kita eh. Saka wala yun no. Lahat naman tayo nakikitaan ng ganyang side ng pagkatao natin pag galit. Okay na yun sakin." Sabay ngiti ulit ni Kimpoy.

Oops! Kimpoy, please wag kang ngingiti? HAHAHA!

Ugh! ang cute nya ngumiti talaga! :-)

He's the reason behind my Sweetest Smiles ❤Where stories live. Discover now