Chapter Fifteen

67 1 0
  • Dedicated kay Paolo Vivas Feliciano
                                    

READ. VOTE. SHARE! :-) 

------------------------------------

Nakarating na sila sa Park para nga daw makapag-celebrate dahil sa pagkakatanggap ni Kimpoy sa 4G. Mapapansin na sa kabuuan ng paglalakad nila papunta doon, hindi kinikibo ni Kimpoy si Princess. Napansin na ni Princess yun kaya kinausap niya si Kimpoy.

"Kimpoy, pwede ba kitang makausap?

"Oo naman! tungkol saan ba?"

"Ah, di na 'ko magpapaligoy-ligoy pa. May galit ka ba sakin?

Napatahimik nalang bigla si Kimpoy. 

Sa loob nya, hindi nya alam kung ano ang sasabihin kay Princess.

Sasabihin nya na ba agad yung totoo? O, magpapanggap nalang muna sya? 

"Naku, Princess! Bakit naman ako magagalit sa'yo? Wala namang dahilan para magalit ako eh."

Ayun na nga. Nagpanggap nalang si Kimpoy na tipong parang wala syang nalaman tungkol kaila Marco at Princess. 

"Sigurado ka? Pero, bakit parang iniiwasan mo ko? Napansin ko kasi eh." 

"Hindi ako galit sayo, Princess. Sorry kung sa tingin mo na iniiwasan kita ha? Pero hindi talaga."

Sabay, nag-ngitian sila sa bawat isa.

Pero, lagi nalang ba magpapanggap si Kimpoy?

Iiwasan nya pa rin kaya si Princess?

.......

 September 19. FUN RUN DAY!

"Heyooo, guys! Wake up! 5am ang calltime para sa Fun Run! I'm sure mag-eenjoy tayo dun! Kitakits  sa hintayan natin ah? Walang indyanan!" Group Message ni Princess para sa mga kaibigan nya. Syempre, kasama na dun si Kimpoy.

4:07 am.

Naalimpungatan si Kimpoy dahil sa pag-vibrate ng phone nya.

"Ang agang text neto ah." Sabi ni Kimpoy. 

Nagulat si Kimpoy sa text na nabasa nya. Yun na nga, ang group message ni Princess. Nagising si Kimpoy at dali-daling pumunta sa banyo para maligo. Sakto naman at gising na lahat ng mga kasama niya sa bahay nila. Mga papasok na rin kasi. 

Bilang parte ng selebrasyon ng Fiesta. Open para sa lahat ng Bulakenyo ang Fun Run na yon. Kaya makakasamang tumakbo ni Kimpoy si Andrea Ruth Saflor. Kapitbahay nila Kimpoy. At isa sa mga matalik nyang kaibigan mula pa man nung bata pa sila. Kahit taga ibang school si Andrea, sumama pa rin sya sa Fun Run.

4:36 am.

Kinatok na ni Andrea ang bahay nila Kimpoy.

Mejo malayo pa kasi yung lalakarin nila papunta sa Labasan kung san sila magkikita nung mga kaklase niya sa HSAM. Sinalubong ni Ate Justine si Andrea. 

"Andrea, ang aga mo naman yata?

"Ate Justine, sakto lang po. 5am po kasi magsstart yung Fun Run eh.

"Talaga? Nakuu! Ayan na si Kimpoy, nagsusuot nalang ng sapatos nya. Mukhang pursigido yata kayo na manguna sa Finish Line ha?

Narinig ni Kimpoy ang sinabi ng Ate Justine nya. 

"Hindi naman, Ate Justine! Mabuti ng maaga kesa ma-late diba? Hehe! Sige alis na po kami!"

Sabay na nag-lakad sila Andrea at Kimpoy papunta sa labasan kung saan sila magkikita nila Princess, Angela, Denice, Tiffany, Maryty at Aira. Habang naglalakad sila, hindi maiwasan ni Kimpoy ang mag-kwento tungkol sa pagkatanggap niya sa grupong 4G.

"Andrea! Oo nga pala. natanggap ako sa isang dance group sa HSAM!"

"Oh? Ansabeeh! teka, ano palang meron? Saka, anong pangalan ng Grupo?

"4G yung pangalan ng Grupo. Magkakaroon kasi ng Dance Contest kasi nga diba Fiesta dito satin."

"Hanep! Dapat galingan mo, Kimpoy ha? Pakitaan mo sila ng da-moves mo!

4:45 ng makarating na sila sa labasan.

Sakto naman at kumpleto na silang lahat kaya nakaalis na agad.

Para naman di ma-OP si Andrea sa mga kaibigan ni Kimpoy sa HSAM.

Pinakilala niya ito sakanila. 

[A/N: OP = Out of Place] 

Habang nasa jeep, nagkwe-kwentuhan sila tungkol sa mga paghahanda nila para sa Fun Run.

Kung anong oras daw ba sila nagising. Nakayanan daw ba nila yung sobrang lamig na tubig pampaligo. Kung nagising daw ba sila sa Group Message ni Princess at kung anu-ano pa! Buti nalang at mabilis ang byahe, at nakarating agad sila sa may starting line. Sa tapat ng Municipal Hall.

"Tara na, pa-register na tayo! baka mamaya maubusan pa tayo ng number eh!" Sabi ni Angela. 

"Oo nga! sobrang daming tao! may pag-asa pa kaya tayong mauna sa Finish Line? Hahaha!" Sabi ni Maryty. 

"Malay natin diba? Wala namang imposible eh." Sabi n iKimpoy. 

Pagkatapos magbigay ng Registration Form, at nakuha ang mga BIB nila. Pumwesto na silang magkakaibigan sa may malapit sa starting line. 5K ang tatakbuhin nila. Medyo malayo layo yun! Kaso sa sobrang daming tatakbo, mukhang malabong mauna sila sa Finish Line.

"Anong BIB Number mo, Kimpoy?" Tanong ni Princess.

"Uhmmm, 598188! Ikaw ba?" Sagot ni Kimpoy. 

"Magkasunod lang tayo! 598189!

Nag-apir sila Kimpoy at Princess. 

Magiging masaya kaya ang FUN RUN? 

He's the reason behind my Sweetest Smiles ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon