Chapter Ten

100 3 0
                                    

"Nice meeting you, Princess." Sabi ni Aidane.

Nakakatuwa isipin na may isang Student Council officer na katulad ko ang nandito sa school namin ngayon. In fact, galing sya sa Bulacan Science High School. Pero, ano nga kayang purpose ni Aidane dito sa HSAM? 

Iniwan kami muna kami ni School Principal kasi may emergency call daw na naghihintay sakanya sa Office nya. Kaya nag-usap kami ni Aidane. 

"Ah, Princess. Kamusta naman ang pagiging President sa council nyo? Nahihirapan ka panigurado." Sabi ni Aidane sa akin.

Uy ah, kahit ganun yung unang tanong nya sakin hindi naman nakakairita. Alam nyo yun? May mga tao kasi na kung magtanong eh akala mo sobrang tagal na kayong magkakilala. Pero, si Aidaine, hindi eh. Siguro dahil pareho kaming officer sa Student Council, magkaibang school nga lang. 

"Yun ba, oo aminado akong nahihirapan ako eh. 1,320 na Highschool students dito sa HSAM ang umaasa sakin na pamumunuan ko sila ng maayos. Kaya, binibigay ko lahat ng makakaya ko para mapatunayan ko sakanila na karapat-dapat ako sa posisyon ko ngayon." Sagot ko kay Aidane. 

Habang tumatagal, gumagaan loob ko kay Aidane. 

Ewan ko kung bakit. Dala na rin siguro nga dahil nasa parehong field kami.

Pero, I know and I can feel na magiging mabuti kaming magkaibigan nito ni Aidane. 

"Pero, 3rdyear ka palang diba? Ay, tayo pala. pero, bakit ganun? President ka na agad? Sorry kung Feeling Close ako ah. At kung matanong na din. Nagulat kasi ako sa sinabi ng Principal nyo eh." Sabi ni Aidane. 

Since, na-open na ni Aidane yung topic na yan. Magkukwento nalang din ako.

"Yun ba? Hehe. Ah ganito kasi yun. May nangyari kasi dito sa HSAM nung 2nd year palang kami. Ay, tayo nga pala. At, assistant secretary palang ako nun sa Council namin dito sa HSAM. Alam naman na 'to ng lahat kaya sasabihin ko na rin sayo. Si Marco, yung Ex-president ng council namin noon, yung sinundan ko, Sobrang bait nun. walang bisyo. Masipag mag-aral. Kaya lang..." Pambibitin ko kay Aidane. 

"Kaya lang? Haha! Naloka ako dun. Nakaka-excite kwento mo, Princess!" Sabay nagtawanan kaming dalawa ni Aidane. 

Sasabihin ko na sana nung biglang sumulpot si Aira. Mukhang kakatakbo nya lang at hingal na hingal sya. Kaloka 'tong babaeng to! Sumusulpot nalang basta basta. Ano kaya sasabihin nito? 

"Excuse me ah? Princess, eto na yung slip mo oh. Excuse slip pala. Inexcuse ko na tayong lahat sa first subject natin para samahan si Kimpoy. Sige pasok na ko sa clinic ha." Sabi ni Aira habang hinahabol hininga nya. 

"Salamat Aira!" Sabi ko kay Aira. Kumaway nalang sya habang papasok sa Clinic.

Tinignan ko si Aidane, nakatingin sya sa daan na pinuntahan ni Aira. Saka ulit sya lumingon sa akin. Ayun, handa na ulit akong mag-kwento. Wag lang sana may susulpot ulit na parang kabute dito sa kinatatayuan namin. Parang si Aira lang!

"Aidane, pwede na akong magkwento ulit? Pasensya ka na sa kaibigan ko ha. Ganun talaga yun eh." Banggit ko kay Aidane.

"Ano ka ba, okay lang yun. Hehe! Sige, kwento ka na ulit. Wala pa naman yung Principal nyo eh." Ngumiti sakin si Aidane. 

"Asan na nga ba ako ulit? Ayun, si Marco nga. Sobrang bait nun. walang bisyo. Masipag mag-aral. Kaya lang... mula nung namatay yung parents nya dahil sa isang aksidente sa Baguio noon. Ayun, naguho yung mundo nya. Nagbago sya. Bulakbol na. Laging umuuwi ng lasing. Tapos, hindi masyadong nagpapapasok sa klase. Ang mahirap pa nun, only child yung si Marco. Kaya lahat ng yaman nila, namana nya. kaya pa-petiks petiks lang yun eh. Sarap buhay." Kwento ko kay Aidane. 

Wala naman sigurong masama kung ikwinento ko kay Aidane yun diba? Alam naman na ng buong HSAM yun eh. Nasaksihan ng lahat ang bawat pagbabago ni Marco. Tulad ko, isa ding EARLY ELECTED PRESIDENT si Marco. Meaning, Simula nung nag-thrid year kami, presidente na sya ng Council namin. Kaso, ayun nga. May nangyari. Nawalan sya ng focus sa council. Kaya parang nagkaroon ng Snap-election.. yung parang kela Cory Aquino noon? Ganun. At, pinalad naman akong manalo. 

"Yun pala ang kwento. Kumbaga, ikaw na ang sumalo sa lahat ng mga responsibilidad nya? Eh, pwede ko rin bang malaman kung ano pang nangyari kay Marco? Yung sa parents nya? Saka, paano na si Marco ngayon? Ay! Grabe sobrang matanong na ako! Pasensya ka na ah." Sabi ni Aidane. 

"Hindi, okay lang yun. Okay lang naman eh. Yung parents ni Marco, nabangga yung sinasakyan nilang kotse ng isang truck habang paakyat sila ng Baguio. May business sila dun sa Baguio eh, isang hotel yata yun. Kaya every month andun sila para i-check yun. Dito sa manila, may chain of restaurants sila. Kaya after ng activities namin sa Council, didiretso agad kami sa restaurant nila Marco. Nung simula ng pagiging third year namin, medyo umayos na sya. Kasi, umuwi yung Tita nya from USA para alagaan sya. Ayun, tumino naman." Kwento ko ulit kay Aidane. 

"Grabe pala talaga yung nangyari sa parents nya no. Saka buti naman at may kasama na sya ngayon. Tingin ko mahirap yung buhay ng mag-isa eh. Buti hindi nagalit sayo si Marco nung nalaman nyang hindi na sya yung president ng council at ikaw na yung pumalit sa kanya?" Sabi ni Aidane. 

Teka, napaisip ako dun ah. After kong manalo, hindi na kami nag-uusap ni Marco ng maayos eh. Di tulad dati, sobrang close kami nun. Kasi nga dahil sa Council. Pero, ewan ko din talaga. 

"Nagalit? Hmm, di ko rin alam Aidane eh. pero, sa pagkakaalam ko, hindi siya galit sa akin." Paliwanag ko. 

Habang nag-uusap kami ni Aidane, lumabas na yung School Principal namin galing sa Office nya. At niyaya nya kaming pumunta sa may Conference room malapit sa School clinic. Kaya habang naglalakad ako sa may hallway, tinext ko si Angela. 

"Gela, kayo muna bahala kay Kimpoy ha? Kakausapin kasi kami ni Principal. Pakisabi nalang sa iba pati na rin kay Kimpoy. Pupuntahan ko agad kayo pagkatapos. Thank you!"

Wala pang 5mins, nagreply na agad si Angela. Wow, para syang si Kimpoy. SPEED TEXTER.

[A/N: Speed texter = Mabilis mag-text]

"Oo, cess. may malay na ulit si Kimpoy, Kaso kailangan nya munang mag-stay dito sa clinic, pag dating ng 10am at di pa sya pinayagang umakyat, mauuna na kami sa room para sa pangalawa nating klase. total okay lang naman daw sakanya."

Naku. Science pa naman sunod naming klase. 

Strikto teacher namin dun. Kaya kailangan walang malelate. Sana bago mag-10am matapos na 'tong paguusapan namin nila School Principal at Aidane. Para masamahan ko sila at si Kimpoy. 

"Ganito kasi yun, mag-cocollaborate ang HSAM at BSHS para sa Fiesta ng Bulacan. Yung school kasi natin at ni Aidane yung napili para manguna sa lahat ng High School's sa buong Bulacan. Tayo gagawa ng program para sa mga kapwa nyo High school students. Inaasahan namin ng Principal ng School nila Aidane na, magtutulungan tayong lahat lalo na kayong mga officers ng student council para sa ikakaganda ng program natin sa Fiesta. Okay ba yun, Princess at Aidane?" Paliwanag ng Principal namin. 

Wow! may task ulit kami. Ngayon naman, nakipag-collaborate pa yung school namin sa School nila Aidane. Kaya naman pala andito sya. Pero, bakit sya? Eh Vice president sya diba? Anyway, atleast ngayon aware na kami sa mga gagawin namin. 

Nagkasa kami ni Aidane ng date kung kelan kami pwedeng magkita ng Council nila at Council namin dito sa HSAM, Kasama yung mga Principals ng both schools. After 15 minutes, natapos na din yung meeting. Hiningi ko yung number ni Aidane, saka sya umalis pati si Principal.

Buti nalang, 9:30 palang. Masasamahan ko na sila.

Okay na kaya si Kimpoy? Sana hindi na nagdudugo yung sugat nya.

Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa School Clinic, nakasalubong ko si Marco.

Ang sama ng tingin nya sakin, parang kakainin nya ako ng buhay eh? Pero, di dapat ako sakanya.

Kalma lang, Princess. Wag kang magpahalata. 

"Ngayon, masaya ka na nasayo na yung posisyon ko? Anong nararamdaman mo kasi inagawan mo ko? Ha, princess?" Sabi ni Marco sa akin. 

He's the reason behind my Sweetest Smiles ❤Where stories live. Discover now