Chapter Sixteen

65 2 2
  • Dedicated kay Paolo Vivas Feliciano
                                    

5am na. at pinapila na lahat ng mga tatakbo sa Fun Run.

Excited ang lahat! Malamig pa ang panahon, tamang tama para sa takbuhan.

5K ba naman eh. Pawisan na kung pawisan! 

Magkakatabi sila Kimpoy, Andrea, Princess, Angela, Tiffany, Aira, Denice at Maryty.

Bago pa man mag-takbuhan, nag-yaya si Kimpoy na magdasal silang magkakaibigan. 

"Uy, bago sana tayo tumakbo.. magdasal muna tayo para may guidance tayo galing kay Lord." Sabi ni Kimpoy.

"Tama si Kimpoy, na sana walang mangyari sating masama lalo na ngayong tatakbo tayo." Sagot naman ni Angela.

Si Kimpoy ang nanguna sa pagdadasal..

"Lord, salamat po sa bagong araw. ngayon po, magkakaroon kami ng Fun Run. Sana po, gabayan nyo po kami sa daan na tatahakin o tatakbuhin namin. Sana po walang mangyaring masama samin. Sana rin po samahan nyo kami sa journey namin na 'to. Salamat po, Lord! Amen!" Dasal ni Kimpoy.

"Yes! Handa na ba kayong tumakbo?" Tanong ni Aira. 

"Ready na ready na!" Sagot nilang lahat. 

"...And the Fun Run will start in 5.. 4.. 3.. 2.. GO!"

Ayun na nga at nagsimula na ang Fun Run. Sama-sama pa rin tumakbo ang magkakaibigan. 

Hindi sila naghihiwalay, dahil sa yun ang napagka-sunduan nila. Dibale na ang hindi mauna sa Finish Line, basta magkakasama sila habang natakbo. 

Napahinto si Kimpoy sa pagtakbo.

Medyo hinihingal na. napansin ito ni Princess at inabutan ito ng isang bote ng tubig. 

"Upo ka muna, Kimpoy. Baka di ka makatakbo lalo pag tumakbo ka agad. Hihintayin ka namin dun sa lilikuan." Sabi ni Princess.

Sinamahan ni Andrea si Kimpoy habang nagpapahinga ito. 

"Kimpoy, kaya mo pa ba? kung hindi na, sasamahan na kita dun sa may Rescue Team." Sabi ni Andrea.

"Okay lang ako, Andrea. Nakakapag-taka nga eh, ang bilis kong hingalin." Sagot ni Kimpoy. 

"Pansin ko nga rin eh. saka di ka yata mapakali kanina pa. Ano bang meron?" Tanong ni Andrea. 

"Hindi naman. siguro dahil sa practice sa sayaw. bukas na kasi yung dance contest diba? Pagka-galing sa school, diretso sa practice. Minsan aabutin pa kami ng madaling araw bago makauwi. Kaya siguro ganito ako ngayon." Paliwanag ni Kimpoy. 

"Sure ka, Kimpoy? Edi parang napa-sama pa nyan yung pag-sali mo sa 4G na yun.

"Hmmm, Ginusto ko rin naman kasi 'to eh. Kaya, parte to ng paghihirap ko. Saka, sinimulan ko na rin kasi diba? Sana nga lang, worth it lahat ng pagod at puyat ko o namin dito.

"Sabi mo yan ha? Dibale, ichi-cheer naman kita bukas dyan sa Dance contest na yan.

"Salamat, Andrea! Maasahan talaga kita! Ano tara? takbo na ulit tayo!

Hanggang sa nakapunta na sila sa lilikuan, at dun na nga sila nagkita nila Princess at iba pa nilang mga kaibigan. Nakapag-pahinga na si Kimpoy at handa na ulit sumabak sa takbuhan. Pabalik na sila sa may Finish Line, kaya go lang ng go! 

Sa kalagitnaan ng pag-takbo nila pabalik sa Finish line.

Di inaasahan na nadapa si Princess. Hindi nya napansin ang bato at tumama ang tuhod nya doon.

Napa-tingin lahat ng tao sa kanya. Kaso kailangan tapusin yung race kaya yung iba eh tumuloy sa

pagtakbo. 

"Princess, grabe na yung pagdudugo ng tuhod mo!" Sabi ni Angela. 

Nag-alala lahat ng mga kaibigan ni Princess. 

Sa sobrang kaba, nag-aligaga sila. Di nila malaman kung anong pwedeng gawin.

Nilapitan ni Kimpoy si Princess.. At sinabing...

"Princess, okay lang ba  sayo na buhatin na kita? Dadalhin na kita sa rescue team.

"Uy, Kimpoy.. Ayos lang ako. sugat lang yan. Naalala mo yung sabi ng nurse sayo? Malayo sa bituka yan.

"Malayo sa bituka? eh grabe na yung pagdudugo ng sugat mo oh. Hindi na sugat lang yan. Halika na, dadalhin na kita dun para magamot agad yan.

"Sige na, Cess! Sige ka. di ka naman namin kayang buhatin eh. Tanging si Kimpoy lang. Para naman magamot na yang tuhod mo." Sabi ni Denice.

"Ayos lang ba sayo, Kimpoy?" Sabi ni Princess kay Kimpoy.

Walang ano-ano ay biglang binuhat ni Kimpoy si Princess at dali-daling dinala sa may Rescue team malapit sa Finish line. Sumama naman lahat ng kaibigan nila. Pero si Angela? Binagalan ang lakad. At napansin ito nila Aira. 

"Okay ka lang ba, Angela?" Sabi ni Aira. 

"Ah, eh. oo okay lang ako. Iniisip ko kasi si Princess." Sabi ni Angela. 

"Oh bakit naman? Kasama nya na si Kimpoy oh. Nauna na sila dun sa RT at susunod na tayo.

"Oo nga.. Pero ano kase..." 

"Pero ano?

"May rason kung bakit ayaw basta basta magpa-dala ni Princess sa Rescue Team o kaya makakita ng  Doctor."

"Ha? yun ba? Eh bakit naman?

Ano kaya ang dahilan? 

He's the reason behind my Sweetest Smiles ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon