Chapter Twenty

68 2 2
  • Dedicated to Paolo Vivas Feliciano
                                    

READ. VOTE. SHARE! :-) 

-------------------------------------

"Princess, ayos ka lang ba?" Tanong ni Maryty. 

"Oo, Maryty. Bigla lang akong napa-isip dahil dun sa tanong mo." Banggit ni Princess. 

"Ano ka ba, wag mo na isipin masyado yon. Baka mamaya kung ano pa mangyari sayo eh." Sabi ni Maryty. 

"Oo nga eh. gusto ko nalang ngayon suportahan ang 4G. Pati si Kimpoy.

"Tama yan. Wag mo na isipin yang si Marco. Masisiraan ka lang ng bait dun.

Habang naghihintay na tawagin ang grupo nila...

"Hindi ako dapat matalo sa competition na 'to. Hindi ako dapat magpatalo sa Kim Paolo na yon. Porket bagong lipat sa HSAM at kaibigan nya na sila Princess, pasok agad sa 4G? Nagsayaw lang ng ganon, kasali na din agad? Nakaka-badtrip!" Sabi ni Marco sa sarili nya.

Hindi alam ni Marco na may nakarinig pala sa mga sinasabi nya.

Walang iba kundi si Danica Ademe Manansala. Ang kanyang EX-Bestfriend.

"Alam mo, Marco. wala namang patutunguhan yang galit mo eh. Saka, let go na. Past is past. Madami namang babae dyan eh. Bakit si Princess pa rin nasa isipan mo?" Sumbat ni  Danica.

"Kanina ka pa ba dyan, Danica?" Gulat na tanong ni Marco. 

"Oo, kanina pa ako andito. Narinig ko lahat ng sinabi mo. Na hindi ka magpapatalo? Hindi ka magpapatalo dun kay  Kimpoy? At kung anu-ano pa? Alam mo bang mali yan, Marco? Ano pang silbi ng pagiging Presidente mo sa Student Council kung nagtatanim ka ng sama ng loob sa kapwa mong HSAian? At, tingin mo mabuting ehemplo ka sa iba dahil sa mga ginagawa mo?" Sabi ni Danica.

"Unang una sa lahat, Danica. Hindi na ako ang presidente ng Council. Saka, si Princess na diba? Inagawan nya ako ng posisyon. Kaya pala kinaibigan nya ako dati para sa mga oras ng kahinaan ko eh makukuha nya lahat lahat ng pinag-hirapan ko? Kaya mabuti lang na maging ganito ako. Hindi nyo kasi alam yung nararamdaman ko eh. Mahirap ang mag-isa. Alam mo ba yon? Malamang hindi. Kasi, hindi ka naman nawalan eh." Sagot ni Marco.

"Umayos ka nga, Marco! Bakit? Sa tingin mo ikinatuwa namin yung pagka-wala ng mga magulang mo at yung pag-iisa mo ngayon? Ha? Marco, sa totoo lang. Mula ng nangyari lahat ng 'to, naging makitid na yang isipan mo. Hindi ka naman ganyan dati nung buhay pa yung mga magulang mo ah? Nagbago ka na. Sana, maibalik na yung Marco na nakilala ko. Yung masipag, maalalahanin. at higit sa lahat, may takot sa Diyos. Kaso, malabo. mukhang malabo." Sabi ni Danica. 

"Wag ka na umasa pa, Danica. dahil sa sitwasyon na 'to, malabo ng makita mo pa ulit yung Marco na naging Bestfriend mo. Ngayon pang may kumakalaban sakin? Aba, kilala mo ko. Hinding hindi uubra sakin yang Kimpoy na yan." Banta ni Marco. 

"Grabe ka! Ano bang ginawa sayo ng tao para pakitaan mo ng ganyan? Mabait naman si Kimpoy ah. Bakit kailangan mong maging malupit sa kanya? Marco, wag kang ganyan. Pinag-aaral tayo sa isang magandang paaralan, tapos ganyan ka?" Sagot ni Danica. 

"Ikaw ba manhid o ano? Di mo ba naalala yung sinabi ko sayo noon? Gusto ko si Princess. Oo, inaamin ko gusto ko sya. Sa totoo lang, ang nakapag-pagalit lang sakin sakanya eh, yung tuluyan nyang sinalo lahat ng responsibilidad ko. Anong pinapalabas nya? Na kahit nawalan ako ng mga Magulang, pwede nya ng akuin lahat? Mali yun, Danica. Maling-mali yon!!" Galit na sinabi ni Marco.

"Marco, palagay ko naman na hindi ginusto yun ni Princess. Kaming lahat naman ang desisyon at pumili sakanya na pumalit sayo eh. Diba? Kasi nga, napabayaan mo kami. Naiintindihan ko naman yung pinag-daanan mo eh. Kaso, paano naman yung mga responsibilidad mo diba?" Banggit ni Danica. 

Natahamik lang si Marco.

Tila natauhan sya sa mga nasabi ni Danica.

Tunay nga naman na napabayaan ni Marco lahat ng mga responsibilidad nya sa Paaralan nila.

Kaya naman, inako lahat iyon ni Princess.

"Naiintindihan ko naman, Danica eh." Sagot ni Marco. 

"Yun naman pala eh. Edi palalagpasin mo na lahat ng 'to?" Sabi ni Danica. 

"Yung pagiging presidente ni Princess, Oo. pero yang si Kimpoy? Malabo pa, Danica." Sabi ni Marco. 

"Utang na loob, Marco. Wag mo ng ituloy yang balak mo!" Sabi ni Danica. 

"Hindi ko kaya. Pinakawalan ko na yung pagiging Presidente ko. Ngayon? Pati pa ba yung kaisa-isahang babae na nagustuhan ko? Hindi na pwede yon. May the best man win nalang." Sagot ni Marco.

...........

Eksaktong 6pm ng nagsimula ang Dance Contest.

Pang-apat na sasayaw ang grupo nila Kimpoy.

Samantala ang grupo nila Marco ay huling sasayaw.

"Ready ka na ba, Kimpoy?" Sabi ni Princess.

"Oo, Princess. Salamat ah? Akala ko, iiwan nyo na ako eh." Sabi ni Kimpoy. 

"Ano ka ba, pwede ba naman yun? Mag-kaibigan tayo diba? Dapat walang iwanan!" Ngiting sinabi ni Princess. 

Hinawakan ni Kimpoy ang mga kamay ni Princess. At sinabing...

"Naku, di ko yata alam gagawin ko kapag wala kayo dito. Salamat ah." Sabi ni Kimpoy. 

"Wala yun, Kimpoy. What friends are for diba?" Sagot ni Princess. 

"Oh, Kimpoy. Ready na! Susunod na tayong sasayaw!" Sabi ni Hero. 

"Kimpoy, sige na. Mag-asikaso ka na. Galingan mo ha? Saka, sisigaw kami mamaya. Sana, magustuhan mo yung surpresa namin para sayo. Good luck, Kimpoy!" Bati ni Princess. 

"Nag-abala pa talaga kayo? Pero, salamat ha. Salamat talaga!" Sabi ni Kimpoy.

----------------------------

Pero sa mangyayari sa gabi na yon.

Sino ba talaga ang masusurpresa? 

Si Kimpoy ba, o si Princess?

ABANGAN! :) 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 26, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

He's the reason behind my Sweetest Smiles ❤Where stories live. Discover now