Chapter Fourteen

73 4 0
  • Dedicated kay Paolo Vivas Feliciano
                                    

READ. VOTE. SHARE! :-) 

---------------------------------------------

Nagtaka lahat ng tao na nakakita ng pag-walkout ni Marco.

Syempre, ngayon lang nila nakita si Marco na nag-amok ng ganun. 

Nakakagulat kasi di sila sanay mula nung nangyari nga yung insidente sa mga magulang nya.

Dati kasi, sobrang mabait si Marco.

Malalapitan mo kapag may kailangan ka. 

At higit sa lahat, magiging tunay mong kaibigan. 

"Princess, ano kayang problema nun ni Marco kay Kimpoy?" Tanong ni Tiffany kay Princess.

"Oo nga? bakit ganun nalang sya kung makapag-amok? Sa harap pa ng madaming tao ha." Sabi ni Aira.

"Hindi ko rin alam eh. Dati naman hindi sya ganyan satin diba? O kahit sakin mismo kasi lagi kong nakakasama yan dati nung sya pa yung..." 

Hindi na naituloy ni Princess yung dapat sasabihin nya.

Bigla silang nilapitan nila Maureen, Lady Lois, Lady Diane at Ellen para i-Congratulate. Dahil nga sa pagkakatanggap ni Kimpoy na kaibigan nila sa Grupong 4G.

"Uy, Princess! Congratulations pala ha? Natanggap si Kimpoy sa 4G." Sabi ni Ellen. 

"Oo nga eh. Buti nalang at natanggap sya sa grupo nyo." Banggit ni Princess.

Habang nag-uusap sila, may isang babae na biglang lumapit kay Kimpoy. At kinausap sya nito.

"Ikaw si Kimpoy, diba?"

"Oo, ako nga. Bakit po?" Sagot ni Kimpoy.

"Ako pala si Danica Ademe Manansala. Kaklase nyo ako ni Marco. May gusto kasi akong sabihin sayo eh." Sabi nung Danica kay Kimpoy.

"Ah, ganun ba? Sige po. Ano yun?" Tanong ni Kimpoy.

"Pwede bang dun nalang tayo sa labas mag-usap? Masyadong maraming tao dito eh." Sabi ni Danica. 

Lumabas si Danica sa Studio Theatre na sya namang sinundan ni Kimpoy. At, pumunta sila sa Open Field. On going na rin kasi yung mga klase nun kaya sila lang yung tao dun sa may Open Field. 

"Alam mo, Kimpoy. Matagal na kitang gustong kausapin eh. Di na ako magpapaligoy-ligoy pa. Alam ko yung dahilan kung bakit nagkaka-ganun sayo si Marco. Alam ko rin yung dahilan kung bakit sya galit o naiinis sayo." Sabi ni Danica.

"Teka, pwedeng mag-tanong? Kaano ano mo si Marco? At oo nga, bakit ba sya nagkakaganun sakin?" Tanong ni Kimpoy kay Danica.

"Dati akong Bestfriend ni Marco. Kaya lang nung naaksidente yung mga magulang nya, halos pati pangalan ko nakalimutan nya na yata dahil sa sobrang galit at lungkot na naramdaman nya mula nung pumanaw mga magulang nya. At yung dahilan kung bakit ganun sayo si Marco? Eto lang yun. Dati kasi, lagi silang magkasama ni Princess. Inamin nya sakin na, gustong-gusto nya si Princess. At dumating pa sa punto na, gusto nya ng ligawan si Princess. Kaso, bago nya nagawa yon, ayun na nga, namatay yung mga magulang ni Marco." Sabi ni Danica.

 Biglang natahimik si Kimpoy.

Hindi nya yata alam kung ano yung pwede nyang maging reaksyon.

Syempre, nagulat sya na kaya pala ganung si Marco sakanya dahil nagkagusto pala si Marco kay Princess. Kaya, wala ng duda kung ganun nalang ang galit ni Marco kay Kimpoy. SELOS kumbaga.

"Kimpoy? Ayos ka lang?" Tanong ni Danica.

"Oo, Danica. Pero, gusto ko sanang malaman, kung di mo mamasamain ha? Kahit kelan ba, nalaman ni Princess na nagka-gusto sakanya si Marco?" Sabi ni Kimpoy.

"Hindi diretsahang inamin ni Marco kay Princess na may gusto sya sakanya. Pero, alam ng buong HSAM yung mga pakana noon ni Marco para kay Princess. Sa tuwing galing sa ibang bansa yung mga magulang ni Marco, laging may pasalubong para kay Princess. Tapos, lagi din silang sabay pumasok at umuwi. Yung parang tipikal na magka-relasyon lang? Pero, dahil nga sa aksidente na yun. Ayun, hindi na rin naamin ni Marco kay Princess." Paliwanag ni Danica. 

"Salamat, Danica. Ngayon, naliwanagan na ako. Alam ko na rin siguro kung saan ako dapat lumugar. Salamat ha?" Saka umalis si Kimpoy at bumalik sa Studio Theatre. 

Pero, alam nya nga ba kung san ba talaga sya lulugar?

Kung ano ang dapat nyang gawin?

Kung ang lalayuan nya eh, yung mga una nyang kaibigan sa HSAM? 

Bago pa man makapasok sa Studio Theatre si Kimpoy, nakasalubong niya sila Princess. 

"Kimpoy! Dapat mag-celebrate tayo. Total, natanggap ka naman sa 4G eh." Sabi ni Angela.

"Oo nga, Kimpoy! Sabi ko naman sayo eh. Matatanggap ka sa 4G." Sabi ni Maryty. 

"Tara, Kimpoy! Punta tayo dun sa Park malapit dito sa School. Para naman makapag-celebrate tayo." Pagyayaya ni Princess.

"Sasama ba ako sakanila? 

Ang hirap mag-decide. 

Hindi naman dapat ako apektado doon eh.

Saka, wala naman akong masamang intensyon.

Gagawin ko nalang ang lahat para di magkagulo.

TAMA! Eto yung tama." Sa isipan ni Kimpoy

"Oo ba! salamat pala sa pag-punta nyo dito sa Audition ha?" Sabi ni Kimpoy.

At sabay-sabay silang naglakad papunta sa Park na malapit sa HSAM.

Sa buong paglakad nila, tanging kasabay ni Kimpoy sa paglalakad ay si Angela. 

Mahahalatang umiiwas siya kay Princess.

Ano kayang mangyayari kay Kimpoy?

Maapektuhan ba nito ang pag-sayaw niya para sa Fiesta?

Ang pag-aaral nya?

Eh, ang pagkakaibigan nila ni Princess? :O

He's the reason behind my Sweetest Smiles ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon