Chapter Four

63 5 0
  • Dedicated to Paolo Vivas Feliciano
                                    

"Kimpoy, sorry ah. Pasensya ka na talaga.

Puro ganyan ang naririnig ko mula sa mga kaklase ko. Hindi naman ako bato at wala akong karapatan para di magpatawad. Si God nga, nagpapatawad kahit ano pang kasalanan nating mga tao eh. Ako pa kaya na ganito lang kababaw ang naranasan? Bawat magsasabi sa akin ng ganun, ningingitian ko lang at sinasabihan ko na, okay lang yun. :-)

"Okay class, anong kaguluhan ang meron dito?" 

Tanong ng Teacher namin sa Algebra. Si Ma'am... Ay teka, di ko pa pala sya kilala. Kaya kinausap ko si Angela para malaman ko pangalan niya. Hindi ko kasi makausap si Princess. Masama kasi pakiramdam nya eh. 

"Angela, anong pangalan ng teacher natin ngayon?" Tanong ko kay Angela.

"Sya si Ma'am Bernardino. Kahit mahigpit yan, mabait naman." Sabi ni Angela. 

Bigla nalang akong tinawag ni Ma'am Bernardino. Dahil nga siguro sa bago ako dito. 

"Are you Mr. Feliciano? yung transferee?" Tanong ni Ma'am Bernardino.

"Ako nga po." Sagot ko.

"Nice to finally see you here. Sana maka-catch up ka agad sa lessons natin." 

"I will give my best, Ma'am." Sabi ko kay Ma'am Bernardino.

Hanggang sa matapos yung klase namin sa Algebra. Next subject? P.E na! Gusto ko talaga 'to. Balita ko pa, Basketball daw ang nilalaro ng mga kaklase ko ngayon sa P.E. Sana naman maging maganda 'tong klase namin sa P.E.

.....

"Princess! Angela! Kimpoy!" Tawag ni Denice sa amin.

"Oh, ikaw pala yan Denice. Bakit andito din kayo sa Gym?" Sagot ni Angela.

"Ano ka ba, sabay kaya yung P.E class natin, diba?" Sabi ni Jessica kay Angela.

"Tara na. punta na tayo sa Gym." Sabi ni Princess.

Napatingin nalang kami sa bawat isa. Mukhang badtrip 'tong si Princess. Simula nung nagsimula yung klase namin sa Algebra. Kanina pa rin sya di nakibo. Bakit kaya? Di kaya dahil sa akin 'to?  Baka kasi iniisip nya sinapawan ko yung pagsasalita nya sa klase kanina. Hay! Sana naman hindi ako yung dahilan kung bakit sya ganyan.

Hindi pa naman nagsisimula yung klase. Kaya nilapitan ko si Angela. Mukha naman kasing  close sila sa bawat isa eh. Kaya sinulit ko na ang magtanong tungkol kay Princess. 

"Angela? Busy ka ba?" Tanong ko kay Angela. Busy kasi si Princess sa paglalaro doon sa court.

"Oh, Kimpoy. Hindi naman. Bakit pala?" Sagot ni Angela.

"Pwede ba kitang maka-usap? Saglit lang naman." 

"Oo naman no. tungkol saan ba?"

"May itatanong lang sana ako. kung okay lang sayo. tungkol sana kay Princess?"

"Sa bestfriend ko pala eh. Sure oo naman! Ano ba yang mga tanong mo? Nakaka-tense ha! Hehe!" 

Wow! Bestfriend nya pala si Princess. Kaya pala grabe sila kung magbiruan kanina habang vacant time namin. Yung parang magkapatid sila? Saya siguro kapag may Bestfriend ka no? 

"Ah, kaya naman pala ganun kayo ka-close. Hehe! Yung tanong ko kasi eh, bakit parang kayang  kaya ni Princess na pa-tahimikin ang buong klase kanina? Saka, napapasunod nya yung mga kaklase natin. Nagulat kasi ako eh. Babae sya, pero alam mo yun? Nakakagulat." Sabi ko kay Angela.

"Oo nga pala, transferee ka at first day mo ngayon. Si Princess kasi, president sa klase natin. At, siya din yung president ng School Council. kaya ganun nalang kung mapasunod nya di lang yung mga kaklase natin kundi halos lahat ng estudyante dito. Lalo na yang si Marco." Paliwanag ni Angela.

"Teka, nasabi mo halos lang eh. Bakit halos lang? Sorry, kung matanong ako ah."

"Ano ka ba, okay lang yun no. May mga iba kasing estudyante dito na may ayaw kay Princess bilang School council president. Masyado daw mapang-dikta? Ewan ko ba. Ang dami kong naririnig na ganun. Pero buti na nga lang di nadi-discourage yang si Princess eh. Boto din kasi lahat ng Teachers natin pati yung principal natin sakanya para mamuno dito sa school natin." 

"Kaya naman pala ganun nalang sya makapag-salita sa klase natin kanina. Nagulat kasi talaga  ako. usually kasi diba, lalaki lang nakakagawa nun. Si Princess yung una kong nakilala na  ganyang tipo. Sobrang bait pa." Sagot ko kay Angela.

"Oo, sobrang mabait yang si Cess. Yaan mo, makilala mo pa sya ng mas mabuti, Kimpoy." 

Biglang may pumito. Yun na pala yung teacher namin sa P.E. 

Gusto ko 'to kasi Basketball eh. Kaya pagkatapos kong magpakilala sa teacher namin. Tinanong 

nya kung sino samin ang mahilig maglaro ng Basketball. Tumahimik ang lahat. At ang tanging 

nag-taas lang ng kamay? Kami ni Marco, at yung tatlo nya pang mga kaibigan. 

"Sila Marco pala at yung bago nyong classmate na si Paolo yung mahilig maglaro ng basketball  dito eh." Sabi ng Teacher namin.

Mamaya pa, hinati nya ang buong klase sa dalawang grupo. Napunta ako sa Group 1. Si Marco, sa  Group 2. Kasama ko sa grupo sila Princess at Angela. Buti nalang at may kakilala ako sa grupo  namin. Tapos, kailangan sa bawat grupo may dalawang representative. Paunahang makasagot sa mga tanong ng teacher namin na related sa Basketball. Ang unang maka-dalawampung puntos, exempted na sa first activity. 

"Kailan at saan unang nilaro ang larong basketball?" Tanong ng Teacher namin.

"Una pong nilaro ang Basketball noong January 20, 1982 sa Springfield, Massachusetts." 

Nasagot ko yung unang tanong. 

Sa mga sumunod na tanong, nakakasagot din si Marco. 

Pero, sa huling tanong...

"Sino ang nag-imbento ng Basketball para sa YMCA?" Tanong ng teacher namin.

HALA! O.O Wait lang! Nakalimutan ko yata yan.

Kimpoy, alalahanin mo yung sagot. Isang puntos nalang!

Pero nagulat ako nung sumagot si Marco.

"Dr. William J. Morgan, Sir!" Sabi ni Marco.

"Sorry Marco, pero mali ka dun." Sabi ng Teacher ko kay Marco.

"Kimpoy, baka may sagot ka?" Tanong ng teacher ko sa akin.

May pag-asa pa ako! Sa wakas! :-)

"Dr. James Naismith po, sir." Sagot ko sa teacher namin.

"CORRECT! May panalo na tayo! Ang team nila Kimpoy!" Sabi ng teacher namin.

Natuwa naman ako at ang mga kagrupo ko kasi exempted kami sa activity ngayon. Makikipag-kamay na sana ako kay Marco. Syempre, respeto na rin. Kaso, bigla syang nag-walk out. 

Ang sama pa ng tingin sa akin.

HAYYY! O.O

He's the reason behind my Sweetest Smiles ❤Where stories live. Discover now