Chapter 19

733K 26.4K 28.2K
                                    

Chapter 19

Rouge really did start courting me. Araw-araw ay hatid-sundo niya ako kahit may sasakyan naman si Rapsly. Lagi rin siyang may dalang lunch at dessert para sa akin. Tuwing gabi, tatawag siya para magkuwentuhan kami na akala mo ay hindi kami nagkasama maghapon.

"Debs, paabot ng medida," utos ni Cliff.

Inabot ko iyon sa kanya bago bumalik sa pagkakahiga sa couch. Busy sila sa pagfi-finalize ng gowns nila kaya ang kalat na naman dito sa sala. Natapos na kasi ako at ang kulang ko na lang ay ang final pictures na puwede naman anytime.

Nag-submit na rin kami ng portfolio sa Dolce & Gabbana sa Milan, Italy. Confident ako sa designs naming apat, pero dahil maraming magagaling na designers, hindi pa rin dapat kami makampante. Marami naman kaming option kapag hindi kami natanggap, pero syempre, iba pa rin kapag ang pangarap mong company ang tumanggap sa 'yo.

Dahil abala ang mga kaibigan, napagpasyahan kong magluto na lang ng tanghalian namin. Kaya lang, pagpasok ko palang sa kusina ay na-realize ko nang kailangan na pala naming mag-grocery dahil wala na kaming stocks. Puro instant ramen at frozen goods na lang kasi ang nasa cabinet.

"Cali!" sigaw ko mula sa kusina. "Samahan mo akong mamili! Wala na tayong pagkain!"

Sinubukan kong maghanap ng puwedeng iluto pero bigo lang ako. Wala na talaga!

"Ikaw na lang! Hindi pa ako tapos!"

Napanguso ako sa isinigaw ng kaibigan bago ko napagdesisyunang lumabas nalang ng kusina. Nakasubsob silang tatlo sa sahig at kanya-kanya ng pananahi, pagbuburda at pagche-check ng patterns. Bumalik ako sa pagkakaupo sa couch at tamad na humiga.

Ang boring.

"Hoy, gaga, mag-grocery ka na. Akala ko ba strong independent woman ka?" untag sa akin ni Rapsly. "Or umorder ka na lang. Tapos bukas, after church, saka na lang tayo mamili."

Umayos ako ng higa at nag-browse sa phone ko ng mga resto malapit sa amin para magpa-deliver, ngunit sa kalagitnaan ng paghahanap ko ay nag-ring ito at halos mapatirik ang mata ko nang makita kung sino ang tumatawag.

I waited for a few more rings so he wouldn't think I was excited about his call.

"Ano?" masungit kong bungad kay Rouge.

I heard him chuckle. "Sungit ah."

Mula sa kabilang linya ay rinig ko ang tugtog mula sa stereo at mahihinang busina ng mga sasakyan.

Hmm... Was he driving?

"Ano ba kasi 'yon?" Pinilit ko ang sarili na magtunog galit kahit wala namang kagalit-galit sa ginagawa niya.

"I'll pick you up," he blurted out, para bang hindi ako ginulat sa bigla niyang plano. "My parents want to meet you."

Mula sa pagkakahiga ay mabilis akong napabangon. Agad namang napatingin sa akin ang tatlo, ang mga mukha ay mababasahan ng pagtataka.

"Bakit?" tanong ni Cali.

Hindi ako nakasagot. Pakiramdam ko ay naubos ang hangin sa baga ko at alam ko ring nanlalaki na ang mga mata ko. Hindi pa ako nakababawi ay narinig ko na ang pamilyar na tunog ng isang sasakyan sa labas ng villa.

Oh, dear me.

"I'm here. Labas ka," malambing na saad ni Rouge mula sa telepono. "Mamaya pa namang dinner. Date muna tayo?"

"Rouge naman!" reklamo ko nang tuluyang mag-sink in sa akin ang nangyayari. "'Wag mo akong bibiglain nang gano'n! Hindi pa nga ako naliligo, eh! I-date mo ang sarili mo! Bwisit!"

Loving the Sky (College Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon