Chapter 14

627K 26.9K 23.2K
                                    

Chapter 14

Kumuha ako ng face towel at basin. Nilagyan ko rin ng malamig na tubig ang basin bago pumunta ulit sa kwarto niya.

His eyes were droopy, but he was not closing them. Nang makita akong pumasok sa kwarto ay bahagya pang nanlaki iyon. Palihim na lang akong umiling sa reaksyon niya.

"Aalisin ko muna ang comforter mo para mapunasan kita nang ayos, ha?"

Tumango siya na parang bata. Dahan-dahan kong inalis ang puting comforter at bumungad sa akin ang magandang hubog ng katawan niya kahit na naka-shirt naman siya at sweatpants.

Lumunok muna ako bago kunin ang towel na nakababad sa tubig. Piniga ko 'yon at kinuha ang braso niya. I didn't glance at him. Pinasadahan ko ng towel ang matipuno niyang braso. I was not sure if my hands were shaking.

"Ayos lang bang... itaas mo ang damit mo?" nag-iinit ang mukhang tanong ko. "Pupunasan ko lang."

He nodded before lifting the hem of his shirt slightly. I gasped when I noticed how his body had matured. Hindi lang kamay ko ang nanginginig habang pinupunasan siya. Kahit ang labi ko ay kinailangan ko pang kagatin para alalahanin na ginagawa ko ito para maging maayos ang lagay niya.

He had a broad chest and a lean abdomen. Hindi ko alam kung may sinusunod ba siyang diet o talagang babad siya sa gym.

Nang matapos sa katawan ay iniangat ko na ang pamunas sa leeg patungo sa mukha niya. Hindi ko na kayang punasan ang mga hita at binti niya. Sisiguruhin ko na lang na makainom siya ng gamot on time.

Titig na titig siya sa akin habang pinasasadahan ko ng tuwalya ang pisngi at panga niya. I did it gently because I didn't want to damage his flawless skin. I also folded a small towel, wet it a little, and put it on his forehead.

Napansin ko ang panonood niya sa ginagawa ko kaya naglakas loob na akong ngitian siya.

I put the comforter back on his body. "You should rest."

With a soft but husky voice, he asked, "Aalis ka na?"

Napatingin ako sa relo ko at napansing isang oras na lang ay may klase na ulit ako sa major subject namin. I gulped and looked at his state before letting my heart win again.

I shook my head.

"I will watch over you... para paggising mo ay may pagkain ulit at iinom ka ulit ng gamot. Ayos lang ba?"

He swallowed before slightly nodding. For the last time, inayos ko ang comforter sa balikat niya bago siya hinayaang matulog.

It wasn't long before I heard his silent breathing. Tumayo ako at kinuha ang sketch pad ko. I finalized my drafts. Idinesign ko na rin ang headdress niya. Nang lumipas ang tatlumpong minuto ay binasa ko ulit ang towel bago ibinalik sa noo niya.

I did it for hours. Itinext ko rin ang mga kabarkada ko na hindi ako makakapasok. Natapos ako sa pangungutinting ng gamit ko at kapapalit ko lang din ng towel niya kaya tumayo ako para maghanap na lang ng puwedeng lutuin sa ref.

I cooked mushroom soup and beef broccoli for his dinner. Nagsaing din ako nang kaunti just in case maisipan niyang kumain na.

Habang hinihintay na maluto ang soup ay napailing na lang ako sa sarili. Bakit ba ang lambot-lambot ko pagdating kay Rouge? Bakit ba hindi ko siya lagi matiis? Loving him was exhausting. Hanggang kailan kaya ako magiging ganito sa kanya?

He was sending me mixed signals. Minsan, pakiramdam ko ay mahal niya pa rin ako pero madalas ay iba ang lumalabas sa bibig niya. I don't know anymore.

Napatigil ako sa pag mumuni-muni nang makarinig ako ng malakas na kalampag sa kwarto niya. Pinatay ko ang stove at mabilis na tumakbo papunta sa kanya.

Loving the Sky (College Series #3)Where stories live. Discover now