Chapter 9

525K 22.5K 20.3K
                                    

Chapter 9

The party went on for hours. Marami na akong nainom at kahit isang beses ay hindi ako nilubayan ni Hezron. Kaunti na nga lang at magmumukha na kaming nagma-make-out sa sobrang lapit ng katawan namin sa isa't isa.

"Nagwagi na si Hezron! Napansin na ni Debs!" pang-aasar ni Melanie habang nasa bar counter kami. Sumali pa ang mga kabarkada namin, dahilan para tuluyan akong matawa.

The guy's face was on my neck. Ramdam ko ang paghinga niya roon. Hindi ko siya tinulak o pinagbawalan manlang lalo at alam kong may nanonood sa galaw namin.

Umangat ang labi ng lalaki at pinatakan ng halik ang panga ko. Doon ako bahagyang lumayo dahil hindi ako komportable. Naramdaman niya iyon kaya ibinalik na lang niya ang mukha sa leeg ko.

"Hez, are you drunk?" tanong ko sa lalaki ngunit umiling lang siya.

Nang mag-angat siya ng tingin ay sinapo ng kamay niya ang mukha ko at tinitigan ako nang matagal.

"I like you so much, Reese Deborah. I like you so much..." he whispered.

I faked a cough and grabbed his hands off my face. Ibinaba ko iyon ay inilagay sa gilid niya.

"Uh... you're drunk. Sa ibang araw na lang tayo mag-usap, okay?"

Umiling siya bago muling ibinagsak ang mukha sa leeg ko. I sighed when I realized that I was actually giving him false hope! Nice, Debs! Kasasayaw mo ay may napapaasa ka! I let him rest on my neck because I couldn't just push him away like that. May tumutusok na tingin sa gilid ko pero hindi ko na siya binalingan ng tingin.

"Okay, guys, we'll have a game!" maligayang saad ni Rapsly sa mic. "Bawal ang KJ dito, ha?!"

I smirked. "Pass ako! I'm dizzy!"

"Manahimik ka, Deborah!"

Nagtawanan ang mga tao kaya napanguso ako. Kahit ang lalaki na parang sawang nakapulupot sa akin ay naramdaman ko ang pagtawa kaya hinampas ko siya.

"Ever heard of the game, Blackout?"

Narinig ko agad ang singhapan ng mga bisita kaya kumunot ang noo ko. Miski sina Cali at Cliff ay malakas na tumili, mukhang na-excite sa narinig.

"Okay, mga pokpok, kumalma kayo!" natatawang saad ni Rapsly. "The mechanics of the game were simple. Since we're all consenting adults and we all want to have fun, let's do this!"

"Huy, ano 'yan?!" sabat ko.

"Shh... We'll turn the lights off completely for 15 minutes, and you know what happens when the lights are off, right?" he spoke, his voice sensual.

Kumunot ang noo ko. "What?!"

"Wala 'yon, Debs, titingnan mo lang 'yong relo ko kung umiilaw!" walangyang sigaw ni Nime.

I rolled my eyes when my friends laughed.

"Yep, it's like a massive make-out session, my dear!"

Nagtilian sila na parang mga uhaw na hayop. Naramdaman ko rin ang paghinga nang malalim ni Hezron kaya tumayo ako para bahagyang lumayo sa kanya. Baka mamaya ay halikan pa ako noon!

"Ang swerte ni Hez, mahahalikan na ang long-time crush niya!" pang-aasar ulit ng mga kaibigan namin.

He let out a low laugh before pulling my arms, making me sit on his lap. Lalong nagtilian ang mga tao sa ginawa niya kaya nag-init ang mukha ko sa hiya.

"Hezron, tumigil ka nga," I whispered when he started showering my nape with kisses. Lumayo ako sa kanya ngunit mahigpit ang kapit niya sa baywang ko.

"Hoy! Hindi pa blackout! Mamaya na 'yan!" sigaw ni Rapsly.

Loving the Sky (College Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon