Epilogue

1.2M 39.6K 52.7K
                                    

Epilogue


TW: Violence

‍‍I don't like her.

Masyado siyang maarte. She thought too highly of herself. Kahit ang mga kaklase ko ay ilag sa kanya dahil sa tabil ng bibig niya. Lahat din ng gamit niya ay branded. Hatid-sundo pa ng mamahaling sasakyan.

"Debs, pasakay na, please! Ang lakas ng ulan. Kahit hanggang kanto lang. Hindi kasi ako masusundo ni Daddy," pagmamakaawa ng isa kong kaklase sa kanya.

She was clad in our uniform, except her skirt was a bit shorter. Her hair was done in a French braid, and her posture exuded class. Halatang may sinasabi sa buhay.

"No. Kapapalinis lang ng car namin. Hindi kami nagpapasakay ng marumi," she replied with utmost disgust.

My lips parted a little. Ang sama ng ugali niya!

Sinigawan siya ng kaklase ko ngunit umirap lang siya at nagsuot ng earphones. Nasa tapat kami ng classroom, naghihintay ng pagtila ng ulan. Sigurado akong narinig ng lahat ang sinabi ng babae.

"Prime, sa akin ka na sumabay. Susunduin ako ni Abuelo," saad ko sa kaklase nang makitang paiyak na siya.

"Talaga? Thank you, Harvin! Buti ka pa! Kahit mayaman kayo, hindi ka matapobre!" pagpaparinig niya.

Nakita ko ang palihim na pag-irap ni Reese sa akin at sa hindi malamang dahilan ay napangiti ako. Hindi kasi kami madalas mag-usap kahit na magkatabi lang naman kami ng upuan.

Araw-araw ay ganoon ang nangyayari. Lagi siyang nagtataray. Wala tuloy siyang kaibigan sa school namin. Hindi ko alam kung bakit lagi ko siyang pinapanood at inaabangan. Kapag dismissal namin, hihintayin ko munang makaalis siya bago ako umuwi.

"Crush mo ba 'yon?" tanong ni Abuelo habang sabay naming tinatanaw ang babae sa waiting shed.

"Maldita po 'yon." I pursed my lips.

Ngumisi siya. "You didn't answer my question, Harv."

Inis na inis ako sa sarili ko. Hindi ko dapat siya nagugustuhan! Pero tuwing tumitingin siya sa akin ay napapatigil talaga ako! Tuwing maririnig ko ang sarkastiko niyang tawa ay parang nahuhulog ako! Naiinis din ako kapag may mapapalapit na lalaki sa kanya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko!

"I don't like her guts, Abuelo. She's self-centered and egoistic. Masyado pang prangka. Ayoko sa ganoon." Ni hindi ko na sigurado kung sino pa ang kinukumbinsi ko.

"Bakit lagi kitang nahuhuling nakatingin sa kanya? Pinaghihintay mo pa ako para lang panoorin siyang makaalis." Tumawa si Abuelo. "Oh, dear. I was your age when I fell in love with your Abuela."

Itinanggi ko nang husto sa sarili ko na hindi ko siya gusto. Iniwasan ko siya. Sinusungitan ko pa siya. Pinigilan ko ang sarili ko.

Pero hindi pala kaya.

"Manliligaw ako, Reese," saad ko sa kanya. Inilagay ko pa ang bulaklak sa mesa niya. Kabadong-kabado ako.

Her brow shot up.

I swallowed hard at that. Fuck, I had never been this terrified in my whole life!

"Are you out of your mind? Hindi kita type!" pagsusungit niya.

I straightened my back. "I like you. Kung papayagan mo, papatunayan ko ang sarili ko sa 'yo."

She hissed. "Bahala ka sa buhay mo!"

That was enough for me. Sinimulan ko siyang ligawan. Ni wala na akong pakialam kung inaasar ako ng mga kaklase ko. They didn't expect that. Kahit naman ako. Eh, ano ang magagawa ko? Hindi na ako makatulog kaiisip sa mataray na 'yon.

Loving the Sky (College Series #3)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt