Chapter 42 - THE TRUTH

67.2K 1.1K 43
                                    

Chapter 42 - THE TRUTH

SUAREZ' POV

"Gabriel!" sigaw bigla ni Ate na papalapit sa akin. Worried ang itsura niya.

Tumayo naman ako para makalapit kay Ate.

"Anung nangyari?"

"Si Camille kasi."

"Napano si Camille? Ate sabihin mo nasaan daw siya?"

"Nasa airport." sagot naman nitong babae na Chelsea ang pangalan

"Ano?! Anung ginagawa niya dun? Saan siya pupunta?" sunod sunod kong tanong kay Chelsea

"Pupunta siyang New York. She's leaving, and this time it's for good."

Aalis siya? At this time it's for good? Ano raw? Hindi ko maintindihan. Bakit siya aalis? Bakit niya ako iiwan?

Gusto kong itanong lahat yan pero walang salitang lumalabas sa bibig ko.

"Ayaw niyang malaman mo yung tungkol dito. Pero itong bestfriend ko nakikialam pa. Kaya sige na puntahan mo na siya sa airport. Ilang minuto nalang aalis na yun." pagkasabi nung lalaki agad na akong lumabas para sumakay sa kotse ko.

Sa mga oras na to, wala akong gustong gawin kung hindi mahabol siya.

Kailangan ko siyang mahabol. Kailangan niya pang malaman na mahal ko siya.

***

 

JAKE's POV

Nandito ako ngayon sa airport para ihatid si Camille.

Nagulat ako ng tawagan niya ako kagabi na aalis na raw siya ngayon. Ito ang napagdesisyunan niya, ang umalis at kalimutan nalang ang lahat ng nangyari dito sa Pilipinas.

Masaya akong malaman na hindi na niya itutuloy ang naunang plano niya pero ayoko namang umalis siya.

"Kanina ka pa tahimik dyan Jake."

"Iniisip lang kasi kita. Kailangan ba talagang umalis ka pa?"

"Hmmm, oo. Ikaw naman pwede mo naman akong dalawin dun kahit anong oras pa."

Oo nga naman, lagi ko talaga siyang pupuntahan dun dahil siguradong mamimiss ko siya.

At sa mga oras na makalimutan niya na ang nararamdaman niya para kay Gab, sisiguraduhin kong nandun ako sa tabi niya para ako naman ang mahalin niya at mamahalin ko rin siya ng higit pa sa pagmamahal niya para sa kanya.

Spying My Future Fiance ** COMPLETED ** (Soon to be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon