Chapter 52 - SOLUTION?

52.9K 735 18
                                    

Chapter 52 - SOLUTION?

SUAREZ' POV

Umalis na nga ako at agad agad sumakay sa kotse ko. Kailangan ko siyang mahanap, mamaya kung ano pa mangyari sa kanya, clumsy pa naman din yun.

I tried to call her pero hindi niya sinasagot yung cellphone niya.

Matawagan nga ulit. Baka kung napano na yun.

*ring ring ring* sagutin mo na Mhie

["Hello?"] sa wakas sinagot na niya

"Hey, nasaan ka?"

["Nasa puso mo."] tss, nakuha pang mag biro, pero it's a good sign na kahit paano she's okay

"Alam kong nasa puso kita, pero nasaan ka nga kasi ngayon?"

["Alam mo naman pala, nagtatanong ka pa."] nakuha pang mamilosopo

"Nasaan ka nga?"

["Dito nga."]

"Mhie, pag di ka sumagot ng maayos wala kang halik sa akin for one week."

["Hehe as if naman gustong gusto ko ng halik mo."] she actually laughed? Good thing.

"Isa, seryoso ako."

["Nandito lang ako sa park kung saan tayo nagdate nung valentines."]

"Okay okay papunta na ako dyan, wag kang aalis dyan."

["Yes boss."]

"Sige bye, oh teka, wag kang kakausap ng kahit sino dyan, baka kung anung mangyari sayo gabing gabi na."

["Okay po. Yes handsome? Oo, pwede akong kadate."]

"Hey anu yan? May kausap kang iba dyan? *toot toot*" tss, binabaan pa ako. Handsome daw? Pwede siyang ka date? Aba humanda siya sa akin.

Nagdrive na ako ng mabilis papunta sa park na yun. Bumaba na ako para hanapin siya, then I saw her, I saw her talking to someone, lalaki pa talaga kausap niya. Tss.

"Hey Mhie!" lumapit ako agad sa kanya at hinawakan ang kamay niya

"Saglit lang Dhie baka mahulog tong balot na hawak ko." pagtingin ko naman may hawak nga siyang balot sa kabilang kamay at yung manong na pinagbilhan niya yata ng balot e medyo nagulat sa pagdating ko

"Ahhhh."

"Ahh ka dyan, teka lang at babayaran ko muna to. Gusto mo ba?"

Spying My Future Fiance ** COMPLETED ** (Soon to be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon