Chapter 23.2

71.2K 1.3K 48
                                    

Chapter 23.2



Lumabas na ako ng bahay nina Suarez at nakita kong nakatayo si Suarez sa tapat ng kotse niya. Mukhang nakahanda na siya para umalis at puntahan si Andrea? :( Kasalanan mo yan Anna :(


Agad agad ko siyang nilapitan at hinawakan sa braso.


"Hahatid mo ko diba? ^____^" sige Anna, smile!


"At bakit naman kita ihahatid?=___=" awts! basag ka dyan Anna! :|


"Bakit nakahanda na yan kotse mo? Tapos di mo ko ihahatid? wag mo sabihing pupuntahan mo nanaman si Andrea gaya nung ginawa mo nung last time na nagwalkout ka?!!!" at binitawan ko na siya sa pagkakapit ko sa braso niya


"Tama ka dyan. Miss ko na si Andrea kaya pupuntahan ko siya. Umuwi kang mag-isa. ^___+" sabay smirk niya pa. tss. Ikaw ng masayang pupuntang sa bruhang yun. Edi uuwing mag-isa. tss. :|


"FINE!!!!" sabi ko sabay alis na at naglakad na ako palayo sa kanya. Nakakainis yung lalaking yun, kanina sabi niya kami pa rin, nakikipagbreak na nga ko para malaya na siyang makipagflirt dun sa bruha na yun, pahug hug pa siya kanina tapos ganyan lang naman pala


"Wait!" sabi niya at hinawakan ako sa kamay. Tumingin lang ako sa kanya =_____=


"Kanina pa kita tinatawag, di mo nanaman ako narinig? Wag mo sabihing nag day daydreaming ka nanaman." sabi niya. Kanina pa ako tinatawag? Wala naman kaya akong narinig. Siguro dahil vadtrep ako sa kanya. =___=


"Bitawan mo nga ko. Uuwi na akong MAG-ISA! *diniinan ko talaga pagkakasabi ng mag-isa*"


"Tss. Let's go." sabay hila niya sa akin papunta sa kotse niya


"Bitawan mo ko sabi. Anu ba Suarez."


"No!"


"Ihhh anu ba!"


"Aish!" at binitawan niya na ang kamay ko. YESSSS!!!!! pero teka! Humarap siya sa akin at binuhat ako bigla.


"Anu ba yan!! Suarez naman!" ang bilis naman nito, agad agad nadala niya ko dito sa kotse niya at sinakay na ako.


"Wag kang lalabas." tss. Oo na :|


Heto nasa tabi ko na siya at pinaandar na niya ang kotse niya. Pareho kaming nananahimik ngayon. Ang awkwaaaaaaaaaaarrrrrd!


Nakarating na kami dito sa tapat ng bahay ko ng walang nagsasalita sa amin.


Makalabas na nga.


Lalabas na sana ako ng biglang hinawakan ni Suarez ang kamay ko


Napatingin nalang ako sa kanya


Siya naman nakatingin ng diretsyo sa labas at ganito pa rin ang itsura =____=


Ano bang problema nito? Isa siyang malaking BIPOLAR! tss. :|


"Hmm yung kamay ko?"


"Mamaya na."


"Huh?"


"Hmmm, Anna."


"Ano yun?"


"Yung tungkol sa sinabi ko kanina, seryoso ako dun." seryoso? alin ba dun?


"Alin dun?"


"Four-eyed monster na nga. Engot pa =___="


"Tss. Pwede bang sumagot ka nalang ng maayos?"


"Yung tungkol sa atin."


"Atin?"


"Ikaw, Ako, Tayo."


"Tayo?"


"Aish! Girlfriend kita, boyfriend mo ako! Okay? Malinaw?" humarap na rin siya sa wakas sa akin at isinigaw yan


"Ahh yun pala. Oo naman ^____^"  ngitian mo nalang siya Anna. Gusto mo rin naman to diba? Umamin ka! HAHA


Napansin kong umiwas siya ng tingin sa akin at medyo napangiti. HALA! :)


"Smile ba yun?"


"Hindi. =___="


"Ihhh smile yun eh, nagsmile ka diba? hihi ^____^ cute mo naman pala eh, dapat lagi kang nagssmile ^___^" sabi ko yan sa kanya ng nakaharap sa kanya ta todo ngiti


"^_^ yan okay na ba?" tanong niya at ngumiti nga siya. HAHA


"Hindi pa eh. :|"


"^___^ ganito?"


"No."


"E paano?" asar na tanong niya


"^______________________^ ganyan dapat"


"^______________^ oh yan na"


"HAHAHAHA uto uto!"


"Tss =____="


"HAHA biro lang naman ^____^"


Hinigpitan niya na ang hawak sa kamay ko at binitawan niya ito at lumabas na ng kotse niya at pumunta na siya sa side ko para pagbuksan ako. GENTLEMAN!!! :)


"Salamat po ^___^" sabi ko sa kanya


"You're welcome" sagot naman niya


"Oh papasok na ako. Umuwi ka na. Ingat ka sa pagdrive. :)"


"Sige pasok na."


"Umuwi ka na."


"Pasok na."


"Lagi ka nalang panalo. Daya naman." tumalikod na ako at papasok na sana


"Sandali!"


"Ano?"


"Cellphone mo?" bakit naman niya hinihingi


"Ito oh." at parang may dinial siya tapos nagring ang cellphone niya, malamang tinawagan niya yun. Pasalamat ka may load ako. HAHA


"Pasok na. Goodnight." at binalik niya na ang cellphone ko


"Ah okay. Goodnight din. :) See you on monday."




Pumasok na nga ako sa bahay at OO readers! Kinikilig ako! ^__________^






***

(A/N: Kinilig din ba kayo gaya ni ANNA? Ano naman masasabi niyo kay FAFA SUAREZ? :)


COMMENT VOTE BE A FAN

-->
missfacile)

Spying My Future Fiance ** COMPLETED ** (Soon to be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon