Chapter 2

121K 1.8K 78
                                    

CHAPTER 2

2nd day ko ngayon bilang Anna Alcantara.

Nagbubulungan nanaman ang mga estudyanteng nadadaanan ko.

Marami talagang mapagmatang mayayaman. Buti nalang at hindi ako gaya nila. :)

"Anna!!!!" tumatakbo palapit sa akin si Jessica

"Oh, napano ka? ayos ka lang ba?"

"Ikaw dapat tanungin ko. Ayos ka lang ba?"

"Huh?" pagtataka ko

"Halika dali!" dinala niya ko sa tapat ng bulletin board na nasa may hallway

"WHAT?! ANO TO? SINONG MAY GAWA NITO?!" napasigaw ako dahil sa nakita ko. Sino ba naman ang di mapapasigaw e nakita ko lang naman ang id picture ko sa bulletin board at may nakasulat na [Huwag lalapitan. May nakakahawang sakit sa balat] Grabe naman! Ganito ba kalala tong nilagay ni Chelsea sa mukha ko para mapagkamalang sakit sa balat?

"Tingin ko si Prince may gawa niyan." sabi ni Aliss na bigla nalang sumulpot

"Prince? sinong prince?"

"Si Gabriel." sagot naman ni Cherry. bakit ba biglang sumusulpot tong dalawang to? *weird*

"Si Suarez? *sigh*" kinuha ko ang poster na nasa bulletin board

"Anna, saan ka pupunta" - Jessica

"Susugod sa gera. Ciao!" - cool kong sagot

"Sigurado ba siya sa gagawin niya?" - Aliss

"Mukhang hindi." - Cherry

"I-pray over nalang natin siya." - Jessica

Ang weird ng tatlong yun. Naku!

Teka, saan ba ko pumupunta? e hindi ko naman alam nasaan yung Suarez na yun.

"Aiiiii! Ang gwapo talaga ni Prince!"

"Sinabi mo pa. Sa akin siya!"

Nagsisisigaw mga babae dun, malamang nandun siya. 

Naglakad ako papunta sa kumpol ng mga babaeng nagtititili. Aba ano to, nag give way. Wow naman.

"Layo tayo."

"Oo nga, baka mahawa pa tayo"

"Ayoko ngang maging kamukha niyan. ewww"

Hayy sabi na nga ba. Kaya pala nag give way mga to. >:@

"HOY!!!" sabay hampas ko sa mukha niya nung poster

"Sh*t! Anong problema mo?" >:@

"Problema ko? Tignan mo yang ginawa mo!"

"Ano ba to?" tinignan niya at "HAHAHAHAHA four eyed monster. You look horrible!"

Nakuha niya pang tawanan yang ginawa niya. tsss.

"Bakit mo ginawa yan?! Akala mo ba cool ang mag post ng maling informations sa bulletin board?! HA!"

"Ano bang sinasabi mo? kararating ko lang"

"Wag ka ng mag sinungaling!"

"ARAY!" sinipa ko siya sa legs niya

"Gawin mo pa yan ulit, di lang yan aabutin mo!" pagbabanta ko at taas noo akong umakyat na papunta sa room namin. pinagtitinginan ako ng mga estudyante. yung mga babae halos gusto na kong pataying sa pamamagitan ng mga tingin nila. bahala sila. tss.

***

JAKE's POV

Ngayon lang may gumawa ng ganun kay Gabriel. Hanep ah!

"That four eyed monster!!!!" inis na sabi ni Gab

"Bro, ayos ka lang?"

"Tingin mo ba ayos lang ang masipa? Para palang lalaki makasipa yun"

"HAHAHA nakahanap ka ng katapat mo. Bakit ba naman kasi ginawa mo yan? HAHAHA"

"Hindi ako ang may gawa nito."

"Hindi ikaw? edi sino?" sabagay hindi naman magaaksaya ng panahon tong si Gab na gumawa ng ganyan at isa pa hari ng late to.

"Malamang isa sa mga babaeng loka loka" yan tawag niya sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya

"HAHA siguro nga"

***

"Anna, naku! bakit mo ginawa yun?" - Jessica

"E sira kasi ang ulo nung lalaking yun" bagsak ko ng librong hawak ko sa desk

"Chill ka lang." - Aliss

Okay, chill daw ako. Bagsak ulit ng isa ko pang libro sa desk at isa pa at isa pa. Yan ang chill.

"Tssss. Gera nga to. Tara girls i-pray over na natin siya" - Cherry

"Tigilan niyo nga ko. Umupo na kayo."

Dumating na yung teacher namin, si Mrs. de Leon, siya ang chemistry teacher namin

"Okay class magkakaroon kayo ng groupings para sa experiment na gagawin natin. Two persons per group."

"Ay Anna sana tayo magka group noh" - Jessica

"Hey Mr. Suarez and Mr. Guevarra. Bakit late nanaman kayo?"

"Sorry ma'am. nahihirapan ho kasi maglakad si Gab kaya inalalayan ko. may sumipa kasi sa kanya kanina." sabi ni Jake at tumingin sa akin at umiling hang naka ngiti. Si Suarez naman halatang bad mood, umuusok ang ilong sa galit. tss.

"Oh ganun ba. sige umupo na kayo"

"Mukhang napuruhan mo yata" - Aliss

"Hindi ah, mahina lang sipa ko dun" sagot ko

"Okay, Ms. Alcantara, you partner is....."

"Ako na yan!" - sabi ni Jessica

"Mr. Suarez" dugtong ni Mrs. de Leon

HUWAAAAAAAAAAAAATTTTTTTTTT! Suarez? bakit siya pa? malas ko naman talaga!

"Mr. Suarez, pls cooperate with Ms. Alcantara."

Okay, walang pakealam tong Suarez na to.

***

"Ang swerte naman niya noh?"

"Oo nga dapat ako partner ni Prince"

Narinig kong paguusap ng mga kaklase kong babae. Sana nga sila nalang ang partner nung Frog Prince nila. :| 

Dapat kong makausap si Suarez tungkol sa experiment na yun.

Nakita ko siyang tumayo at doon naisipan ko siyang tawagin

"Hoy Suarez! Magkita tayo bukas, 2pm sa chem lab"

Parang di niya ako narinig at diretsyo sa paglakad palabas ng room. Okay, sabi ko na nga ba wala akong maaasahan sa kanya. hayyyy. (_ _)

***

(A/N: Kawawa naman tong si Cam- ay este Anna. Mukhang siya lang gagawa ng chem experiment nila. HAHA. poor girl! :D

Comment, vote or be my fan :)

-----> 

missfacile)

Spying My Future Fiance ** COMPLETED ** (Soon to be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon