Chapter 39 - QUESTION LEFT

76.6K 996 32
                                    

Chapter 39 - QUESTION LEFT

SUAREZ' POV

Sabado ngayon, maghapon nanaman akong tatambay sa bahay.  

Nagugutom na ako at kailangan ko na talagang makakain.

Bumaba na ako para makapagluto ng almusal.

Teka, bakit parang amoy ng nasusunog na pagkain?

Agad agad ako nagpunta sa kusina at nakita ang isang babaeng nagpapanic dahil nasusunog na ang niluluto niya.

"Anu ba naman to?! Hayy nako! Nasusunog na!"

Agad ako lumapit para buhusan ng tubig ang niluluto niyang nasusunog.

"Ano ba naman kasi yang pinagagagawa mo dito Camille?"

"Hehehe. Good morning babe ^___^V"

"Oh ano tatawa ka nalang?" madalas yan si Camille sa bahay, at ngayon kahit sabado nandito siya para sunugin ang bahay ko.

"Dapat kasi talaga masarap na almusal yan kaso ayan nasunog, di ko naman yan sadya."

"Wag mo na kasi pilitin dahil di ka naman marunong niyan."

"Tss. Matututo din ako niyan." at kinuha nanaman niya ang isa pang itlog para basagin yun, at ayun palpak ang pagkakabasag

"Tignan mo nga pati yan di mo magawa ng tama." kumuha ako ng itlog gamit lang ang isang kamay at binasag ko yun

"Wow! Ang galing naman. ^____^" namangha pa talaga

"Tss. Ganyan ka ba talaga kabilib sa akin?"

"E ang galing mo kaya. Dali turuan mo nga ako."

"Huh?! Ayoko nga."

"Wag ka na pakipot. Dali na turuan mo ko."

"Tss. Pasalamat ka--" dapat may sasabihin pa ako pero di ko nalang itinuloy, magluluto nalang ako

"Pasalamat ako at ano? Dahil ba maganda ako? o dahil sa crush mo ko? Hahaha" nakuha pa talagang mang asar

"Manahimik ka nalang dyan at manood."

"Okay babe ^____^"

Tutok na tutok naman siya sa panonood habang nagluluto ako. Ewan ko ba dito, ka babaeng tao pero hindi marunong magluto.

"Hindi mo ba alam na a way to man's heart is through his stomach?"

Spying My Future Fiance ** COMPLETED ** (Soon to be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon