Chapter 37 - HER SMILE

78.1K 1.2K 66
                                    

** Dedicated to Joanne, isa sa mga forever Suarez, hehe. Salamat sa pagsuporta :) Patuloy ka lang sanang magcomment, magbasa, at magvote dito :)



Chapter 37 - HER SMILE

SUAREZ' POV

 

Kakaiba talaga yung babaeng yun. Tama ba naman gawin niya yun? Ako naman tong sira nagpadala sa nangyari, naisahan tuloy ako ng babaeng yun.

Sinundo na siya kagabi dito. Ihahatid ko sana kaso naman nainis ako sa ginawa niya kagabi. Dapat kasi natuloy yun eh. Tss. Anu ba tong pinagsasabi ko? :|

*beeeeeep* Message tone

From: 0915******* (Unknown Number)

"Good morning to my future fiance ^____^"

Future fiance? Malamang si Camille to, paano naman niya nalaman ang number ko?

To: 0915*******

"Who the hell are you? I don't even have a fiancee."

Tss. Alam kong siya yan at siguradong maaasar yun sa reply ko sa kanya.

Kanina ko pa naririnig ang cellphone ko, kanina pa may tumatawag. Hindi ako nasagot dahil naliligo ako. Istorbo talaga yung babaeng yun.

Pagcheck ko ng phone ko, siya nga ang tumatawag.

Pagsagot ko.

[Hey my future fiance!!!!! Bakit ngayon mo lang sinagot? Alam mo bang kanina pa ako---] dirediretsyo siya sa pagsalita kaya naman hindi ko na siya pinatapos at sumingit ako

"Problema mo?"

[Tss. Ano ba yan? Wala man lang good morning my beautiful future fiancee.] nung narinig ko yan halos napangiti ako, ewan ko ba, ang kulit kasi ng boses niya.

"Asa ka naman."

[Ganyan naman to. Galit ka pa ba sa akin dahil hindi kita hinalikan kagabi? Hehe] tss. talagang binanggit pa. >_<

"Asa ka naman na gusto kitang halikan."

[Asus! Bitin na bitin ka nga kagabi eh. Nakita ko kaya yung facial expression mo.] aish, di na dapat pinaguusapan yan eh.

"Kung wala ka naman matinong sasabihin wag ka na tumawag o magtext sa akin."

[Sungit mo naman talaga! Pasalamat ka at gwapo ka. Hehe] ano raw? gwapo raw ako? Aba! mukhang nagkakagusto na sa akin to.

"Alam ko na yan."

[Confidence naman umaapaw. Hehe O siya, see you later. Ingat ka sa pagpasok sa school. Mwuah!] bakit ba ang sweet niya ngayon?

Spying My Future Fiance ** COMPLETED ** (Soon to be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon