Chapter 14 - a way to a man's heart is through his stomach

85.5K 1.3K 66
                                    

CHAPTER 14 - a way to a man's heart is through his stomach

Nandito kami ngayon sa tambayan area ng school. Iniwan kami dito ni Suarez. Buti nalang at solo ko tong si Jake my labs :)

"Totoo?"

"Oo. Gusto ko sa mga babaeng magaling magluto. :)" - sabi ni Jake

"Ah ganun -__-" patay ako dyan!

"Haha nakakatuwa naman yang reaction mo. So, ibig sabihin ba niyan di ka marunong magluto?" - Jake

"Hindi ah. Marunong kaya ako." hala! anu ba yang sinabi ko :|

"Kung ganun, kailan ko kaya matitikman ang luto mo? :)" - Jake

Naku naman eh! Paano na nito? -___-

"Ah eh.."

"Mukhang ayaw mo yata ako ipagluto? *pout*" - Jake

"Ah hindi naman sa ganun. Sige sige ipagluluto kita."

"Talaga? ^_____^" - Jake

Naku naman Jake! Wag ka nga ngumiti ng ganyan baka matunaw ako dito. x.x

"Oo ipagluluto kita :)" pilit smile nalang, tsaka ko nalang iisipin kung paano ko to gagawin

"Alam mo bang si Gab marunong magluto?"

"Ano? Yung yabang na yun marunong magluto?"

"Oo. Natikman ko na once ang luto niya. Di na naulit. Haha" - Jake

"Bakit di na naulit?" pagtataka kong tanong

"Kasi ayaw niya talagang may ipinaglulutong iba, gusto niya yung niluluto niya para sa kanya lang. E ayun nakita ko sa mesa niya yung niluto niya kaya kinain ko. Galit na galit nga siya sa akin nun. Haha" - Jake

"Baka hindi masarap kaya ayaw niyang matikman ng iba. Haha"

"Masarap nga eh. :)"

"Ow? Talaga?"

"Oo, masarap talaga. Parang babae nga ang nagluto. :)" - Jake

"Alam ko na!"

"Alin ang alam mo na?" - Jake

"Ah wala naman. hehe Sige bukas ipagluluto kita :) Alis na pala ako, may kailangan pa akong puntahan :)"

"Ah ganun ba. Sige bye. Ingat :)" - Jake

"Ingat ka rin sa pag uwi :) Bye"

Naiisip niyo na ba ang naiisip ko? HAHA 

Nagka bright idea ako! Tamang tama to! :D

***

"Manong, sigurado po ba kayong dito ang bahay ng mga Suarez?"

"Opo Ma'am. Eto po yung address na ibinigay nung sa school niyo."

"Okay, nice job manong :) Salamat po. Alis na po kayo, tawagan ko nalang po kayo mamaya."

"Sige po Ma'am"

Para naman sigurado akong papayag tong si Suarez sa gusto ko? At nandito ba siya sa bahay nila? Mamaya kung saan saan naman yun gumala.

*Ding. Dong*

Spying My Future Fiance ** COMPLETED ** (Soon to be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon