Chasing Nine

63 2 0
                                    

Enjoy Reading!<3

Pangsiyam

Lumipas ang araw, linggo at buwan.

Maraming nagbago sa paglipas ng panahon.

Mas lalong naging busy ang mga estudyante dahil sa nalalapit na Christmas break, mas maraming requirements ang kailangang habulin. Mas lalo kaming nastress.

Nameet ko na rin ang nanay ni Chrishia na kapatid ng tatay ni Ivan noong last last week pa. She's kinda kind and jolly and I didn't expect her personality, malayong malayo sa anak niya. I also didn't her mother likes me, I thought gusto nya na kagaya rin ako ng anak niya whose a pristine and shy kasi ako, well, kabaligtaran sa ugali niya.

Akala ko rin ay masungit siya katulad ng mga lahi ni Ivan, pero hindi ko iyon nakitaan, bagay na ipinagtaka ko. Kataka-taka naman kasi! Madaldal kasi siya at hindi nauubusan ng kwento. Para siyang teenager.

Baka sa mother side nakuha yung pagkasuplado ni Ivan kaya ganon. Ang ending ay naging magkavibes kami ni Tita Shell hehe. Same vibes, same feelings.

Last month ay nagkalabuan silang dalawa ni Kian at Collette, nakita niyang may kasamang babae si Kian, bagay na ikinagulat ko. He's a player, both of them are player, alright, walang halong plastikan o bias. But that doesn't mean that they are forever player. Nagbago sila. They change with the help of each other.

She was hurt that day, ngayon niya lang kasing makita si Kian na may kasamang babae maliban sakin at sa kanya. I got mad because I saw it too. We saw it too. No one hurts my bestfriend! Kahit si Kian ang una kong naging kaibigan ay mas lamang pa rin para sa akin si Collette. Girl Power.

She cried and rant and sleep in my apartment buong magdamag.

Kinabukasan, she took a revenge that I didn't even know! Bagay na ikinagulat ko rin. Akala ko ay iiwasan niya lang muna si Kian o kaya cool off na muna.

She kissed other boy...infront of him. Infront of me na naman. Natunghayan ko na naman ang kaimmature-an ni Collette. Of course he's mad and hurt.

The boy got sent from the hospital, bugbog sarado. May kasalanan rin kasi yung lalaki. He also accepted the kiss, may gusto rin kasi sa kanya. But Collette were to blame too. Isang linggo rin noon suspendido si Kian. Tanga kasi. Sa school pa nagsuntukan, pwede namang abangan na lang sa gate.

They were hurt but wrong at the same time. Pareho ko silang nasaksihang nagloko, pareho ko rin silang nakitang nasaktan. Naipit ako sa gitna nila, they are my bestfriend. Gusto kong panigan si Collette dahil siya ang unang nasaktan at niloko pero alam kong kahit saang banda tignan ay mali pa rin ang kanyang ginawa. Mali ang kanilang ginawa.

They broke up.

Nagpanic ako dahil doon. They are in relationship for two years and a half! Tapos sasayangin lang nila dahil sa mga kagagawan nila. Ginawan ko ng paraan ang dalawa upang magkaayos, kulang na lang ay bugbugin ko si Kian para balikan si Collette. But he never did. Wala man lang siyang ginawa. Sabi niya pa ay kasalanan niya iyon. She have the right to break up with him, sabi niya pa.

I got furious. Hindi ko alam, kasi if you really love the person. You need to take a risk. You need to work it out at dahil kasalanan mo, you need to freaking work it more! Pagpursigihin mo.

Weeks after that incident. I'm calm. I tried it again. I gave them advise, yung makakapaggising sa kanila. Thank God they heard it and they work on it. They explain their side, they cried and they forgive each other.

Ang O. A kasi nitong si Collette, nagtanong lang naman daw yung babae na kaklase ni Kian kung may sasamahan siya sa club.

Turns out it went well. They got back together. Mas lalo silang lumandi at mapusok at...bumaboy. Nagsisisi na tuloy ako. Sana pala 'di ko na lang sila tinulungan. Joke.

Chasing HurricaneWhere stories live. Discover now