Chasing Three

139 4 0
                                    


Enjoy reading<3

Pangatlo

"Kamusta bakasyon natin Hurrie?" Tanong sakin ni Lilibeth, kaklase ko sa isang subject, pagkaupo ko sa upuan. Ngumisi ako.

"Sulit. Love it." I said. Liar.

You only do your work, sleep, and think about unwanted thoughts the whole vacation. Inilapag ko ang bag sa aking likod ng aking inuupuan.

Let's add those countless night thinking about that guy whose name's Nicollo Ivan Fajardo. Ewan, nakagawian ko na ata iyon na palagi siyang iniisip at palaging mags'stalk sa kanya sa social media, kikiligin sa walang sawang pagtingin sa picture niya until I can't stop my eyes from closing.

Pero nakakainis kasi hanggang ngayon ay hindi niya pa rin inaaccept ang request ko sa kanya.

Huling pagkikita namin ay sa Mall at hindi na iyon nasundan pa, hindi ko na rin siya makikita doon kapag pumupunta ako at bumibili --oo, inaabangan ko talaga siya doon....malay mo sumulpot na lang-- Pero wala talaga. Sayang lang yung paganda ko. Tsh.

I smirk mentally. And now, I have an idea how to meet him. Pinagisipan ko talaga ito gabi-gabi. That I must find him here in campus. All I'm gonna do is to ask Collette where is the room of her beloved boyfriend. Hanggang ngayon kasi 'di ko pa rin alam kung saang building siya nagkaklase. Sa tinagal tagal naming magkaplastikan ay ni hindi ako umaapak doon. Simple lang ang sagot, ayaw kong makita ang pagmumukha ni Kian. Instead of having a good and quiet day, he will only ruin it.

"Kulet pupunta ka sa building ni Kian?" I ask as I placed my tray in our table. We are here in cafeteria, break namin ngayon. And good thing break rin ni Collette, I saw her walking in the hallway together with her classmate so I approach her. 'Di man lang ako inaya, 'nyeta to.

"Alam mo naman ang layo layo ng building nila, tinatanong mo pa ko." She said, her attention is on her phone, siguro ka-chat si Kian.

"What, I'm just asking kung pupunta ka." Umupo ako at kumuha ng fries ko, dumako ang paningin doon ni Collette at kumuha rin siya bago tumingin sa akin. Binulsa na niya ang kanyang phone.

"After class, pupunta ko doon, mas maaga kaming lalabas kaysa kanila tapos maglalunch kami sa labas, why?" I shrugged and smile at her.

"Sasabay ako sa inyo ha." I avoided my eyes and sip on my iced tea. Magtataka 'to, panigurado.

"That's so rare of you, hindi ka sasabay kay Chrishia?" She asked, pertaining to my classmate-who is also my friend and lunch buddy.

"Nah, trip kong sumabay sa inyo."

"So trip mo ring maging third wheel? I believe you hate it." I roll my eyes, she knows that I hate being a third wheeler.  Naiirita ako kapag nakikita ko silang magkasama. I'm not jealous, neither to Kulet nor Kian, I'm just annoyed by how they act to each other. Alam mo yun? Yung para silang tigang na aso. Kulang na lang ay mag-ano sa daan.
Bitter ka na naman, wala kasing tumatagal sa'yo.

I scoffed.

"Yes, kaya ko namang tiisin ang mga kababuyan mo." She glared at me and throw me a piece of fries. Nalaglag iyon sa hita ko kaya kinuha ko iyon at kinain. Sayang naman.

"Baka mas mababoy ka pa sa'min 'pag ikaw nagkajowa."

Umiling ako at tumawa.

"You wish, hindi ako magpapakababoy katulad mo!"

"Ha!talaga lang a!"

Binelatan ko siya.

--

Chasing HurricaneWhere stories live. Discover now