Chasing One

1.1K 12 0
                                    

Enjoy reading!<3

Una

I am mesmerize about how God created all the things perfectly. I am fascinated how God put all the stars in the right places, how He placed the moon when the sun starts to shine and to set. I am amaze how He knew where to put the mountains and trees, the sky and the sea.

And i love Him how He made us.

Pumikit ako. Pinapakiramdaman ang ihip ng hangin na sumasalubong sa aking mukha. Masyadong marahas ang hangin dahilan ng pagkakalas ng pagkakatali sa buhok ko. Yumuko ako upang mahanap ang pantali sa buhanginan at kinuha iyon sa paanan ng aking paa.

Humarap ako at ngumiti nang malapad bago tumakbo papunta sa dagat upang lumusong nang hindi hinuhubad ang damit na suot ko.

"Hurrie! Magdahan dahan, baka madapa ka!" Sigaw sa likod ko. Hinarap ko siya habang tumatakbo patalikod.

"Di 'yan May!" Kinaway ko ang aking kamay at humarap.

Lumusong ako kaagad sa dagat. Parang ito ang ikaunang beses na lumusong ako sa dagat where in fact this is where I I grew up. Kahit ilang beses ata akong lumangoy ngayong araw ay hindi pa rin ako nagsasawa at hindi napapalitan ang nararamdaman kong excitement kapag nakikita ko ang dagat na kinagisnan ko.

Don't blame me. Magiisang taon na rin simula nang makabalik ako dito dahil walang panahon at busy sa school, plus sayang ang pera na pamasahe kaya lulubos-lubosin ko na ang araw na ito dahil ngayon na ang huling araw ng pagbisita ko dito.

Holy week kasi. Isang linggo kaming walang pasok kaya naisipan kong magbakasyon muna dito pansamantala.

Iniahon ko ang aking katawan sa tubig nang maubusan ako ng hininga at hinilamos ang aking mukha pati na din ang buhok kong tumatakip sa mukha ko.

Tumingala ako. Maaliwalas ang kalangitan hindi nababahiran ng dilim, walang senyales na uulan, matirik rin ang sinag ng araw na nagpatakip ng aking mukha gamit ang aking isang kamay.

I saw a group of bird wandering above the sky maybe looking for home or looking for food.

My mind suddenly wonder as I watch them fly away. Hindi ba sila napapagod lumipad? Hindi ba sila nangangalay na paliparin ang kanilang mga pakpak? Bakit kailangan pa nilang ilipad ang kanilang mga pakpak kahit hindi nila alam ang destinasyon na pupuntahan?

Yumuko ako at tinignan ang aking repleksiyon sa tubig. Napapailing sa mga iniisip.

Of course they are trying to survive and striving for something! Place your situation to the birds, parehas lang naman kayong nagsusumikap na mabuhay.

Ilang minuto akong palusong lusong sa dagat hanggang sa magdesisyon akong umahon. Gusto ko pa sanang lumublob sa tubig pero baka mahuli ako sa pagsakay sa bus.

"Ate hurrie, pinapabigay ni Inang sayo." Nakasimangot na mukha ang bumungad saking harapan. Ngumiti ako at kinuha ang tuwalyang inaabot sa akin.

"Salamat Maria." Pagpapasalamat ko sa labing apat na taon na si Maria, anak ni May Sita. Inirapan nya ako. Ngumiwi ako at hindi na lamang inintindi ang ginawa nya, sanay na ako sa ugali niyan. Nagdadalaga na kasi kaya masyadong maattitude ang batang ito para patulan pa.

"Aalis na kayo ngayon Ate?" Nagsimula na kami sa paglalakad papunta sa kanilang bahay. Tinutuyo ko ang aking buhok gamit ang tuwalyang binigay nya sa akin. Tumango ako sa kanya.

"Oo, mamayang ala una."

"Ahh, mabuti naman."

Napanganga ako at napatingin sa kanya nang hindi makapaniwala, bastos na bata! Nakangisi syang nakatingin sa harapan. Piningot ko ang kanyang panging ilong dahil sa panggigigil. Hinampas niya naman ito at sinamaan ako ng tingin.

Chasing HurricaneWhere stories live. Discover now