Chasing Six

57 3 0
                                    

Enjoy reading!!❤

Panganim

Padarag akong umupo sa upuan at pinagkrusa ang aking mga kamay at naiiritang tumingin sa bintana.

Nakakairita! Nakakainis! Nakakaewan!

Malakas kong hinampas ang kamay na sumusundot sa tagiliran ko at naiinis na tinaasan si Collette ng tingin.

Para siyang aso dahil sa lapad ng kanyang ngisi. Mas lalo akong nairita dahil doon. Nakakainis! May nakakatuwa ba?! Ha?! Magsama sila ni Kian! Mga hayop!! Mga panira ng araw!

“Bad mood ka na niyan?” Nangaasar na sabi ni Collette. Suminghap ako at masama siyang binalingan ng tingin.

“Oo, naiinis ako sa pagmumukha mo. Alis.” Masungit kong sabi. Kinuha ko ang tubig sa mesa at ininom iyon. Stay hydrated lalo na kapag nakatabi mo ang nakakapagpataas ng dugo mo.

Ngumuso siya.

“Hala. Ang sungit mo naman. Bakit ba?” Nang-aasar na tanong niya. Alam kong alam niya kung ano ang kinaiinisan ko. Irita ko siyang inirapan at iniwas ang paningin ko sa kanya. Kalma, Hurrie baka masapak mo.

Pinitik niya ang kanyang daliri na parang mayroon siyang naalala. Bumaling ako sa kanya at nakita ko ang nakangisi niyang mukha.

“Aha! Alam ko na! Yung picture ba kahapon?”
Nagtanong pa, alam naman niya.

Inismiran ko siya habang nakatingin pa rin sa bintana ng aming classroo. Hindi ko classmate si Collette pero sadyang makapal ang kanyang mukha dahil pumasok siya nang walang paalam. Nagtinginan tuloy yung mga kaklase ko sa kanya. Buti na lang wala pang teacher kundi baka mapagalitan pa 'to, pahiya 'to.

Ilang segundo ay hindi ko siya narinig na nagsalita. Nagtaka ako. Babaling na sana ako sa kanya nang bigla niya itinutok ang kanyang phone sa akin. Nasilaw pa ako dahil sa lakas ng brightness ng kanyang cellphone.

Inis kong inalis ang kanyang cellphone sa mukha ko at inilayo. Inadjust ko muna ang aking paningin bago tinignan ang screen ng phone niya.

Biglang uminit ang ulo ko. Kumuyom rin ang panga ko at binalingan siya ng masamang tingin.

“Ito ba ang kinaiinisan mo?” Nang-aasar na sabi niya.

Nakalagay sa phone niya ang larawan ni Niccolo. Na may katabing babae. Isa 'yon sa sinend ni Kulet na kaninang umaga ko lang nakita. Umaga. Paggising ko, 'yan yung bubungad sa akin! Classmate daw iyon nila Kian. Nagpapaturo. Kay Niccolo.

Malapit nang may bumugang usok sa aking ilong ng tignan ko ulit ang larawang iyon. 'Yan ba? 'Yan ba ang nagpapaturo?! Yung dibdib nung babae ay nakadantay sa braso ni Niccolo habang tinuturuan siya nito, nakangiti pa! Eto namang lalaking 'to wala man lang reaksiyon! Ang tanga! Di man lang ramdam. Pero sa loob-loob niyan ay kinikilig na 'yan! Ang lapit-lapit ba naman sa isa't-isa! Kulang na lang ay maghalikan.

Tapos si Nicollette, sabi kong bantayan huhu. Ayan tuloy.

Nakakainis talaga! Nakakairita ang araw na 'to.

Ang nakakainis rin ay bakit ganito ang reaksiyon ko?! I mean- I shouldn't feel it! Huhuhu, 'yoko na.

Isinubsob ko na lamang ang aking ulo sa desk. Narinig ko ang hagikhik ni Collette at naramdaman na lumapit siya.

“Bye, bye sunduin kita mamaya hihi. Sabay tayong maglunch. Libre ko.” hinalikan niya ang aking buhok pagkatapos ay narinig ang pagatras ng kanyang upuan. Inirapan ko siya kahit nakasubsob ako. Gaga! Di ako sasabay sa 'yo hmmp!

---

Tamad kong sinuklay ang aking buhok habang nakatulala sa harapan. Ang ilan sa aking kaklase ay nagsilisan na sa kani-kanilang upuan. Kakatapos lang ng huli naming klase.

Chasing HurricaneWhere stories live. Discover now