Chasing Two

240 5 0
                                    

Pangalawa

Pagkauwi ko ng apartment ay diretso tulog ako. I decided to left my things scattered on the floor. Aayusin ko na lang mamaya. For now, I want to recharge my energy, lalo na at gabi ang aking duty.

Madilim ang silid nang idilat ko ang aking mata. Ayoko pang bumangon kaya pinikit ko muna ang mga mata ko but I didn't let myself sleep again so I open my eyes again and roll over to the side of the bed to grab my phone.

Binuksan ko iyon ngunit napapikit ulit dahil sa liwanag na screen. Ilang segundo ay dinilat ko ang mata ko at tinignan ang oras, it's 6:57 pm.

Humikab muna ako bago tumayo nang dahan dahan at pumunta sa banyo. Madalian akong naligo, nagsipilyo at nagbihis. Inaantok pa ako kaya naman ay nagtimpla ako ng kape pampagising. Baka makatulog pa ako habang nagtatrabaho.

Pumunta ako sa pintuan. Umupo ako sa hamba ng pintuan at humilig. Tinignan ko ang tanawin sa harapan. Gone the fresh and cool breeze, gone the sand and the sea, gone the tall trees earlier. Instead, it change with a road full of different cars. Polluted air, mga street lights, tall and massive buildings. Ibang iba sa lugar ko.

I don't really hate this place, but it sickens me. Mas gusto ko ang maaliwalas na paligid kaysa dito. Linibot ko ang paligid, nabibilang na lang sa daliri ko ang mga punong kahoy. Kaya bugbog sarado na ang mundo dahil tayo lang naman ang sumisira.

Humigop ako ng kape at tumayo, nilapag ko sa center table ang baso. Kinuha ko ang denim jacket na nakasabit sa likod ng pinto. Sinuot ko iyon at umalis na.

Malapit lamang ang pinagtatrabahuhan kong coffee shop kaya nilakad ko na lamang ito. Hindi naman talaga ako regular dito, sumasideline lang kapag may free time o kaya kapag kulang sa staff.

Itinulak ko ang glassdoor at tumunog ang chimes dahil doon. Tumingin ang iba sakin, may ibang tumango sakin at ang iba ay iniwas ang paningin. Marami rami pa rin naman ang costumer kahit ngayong gabi.

"Nakauwi ka na pala, ayos." Naglakad papunta sakin si Bob, waiter sya dito. Tumango ako at ngumiti. Tinanong ko siya kung saan si Shaina, tinuro nya ang kitchen. Pumunta ako doon at nakita siya na nagaayos na ng kanyang gamit.

Napatingin sya sa akin at ngumiti. Iniwan niya ang kanyang gamit at pumunta sakin.

"Kamusta biyahe?" Tanong niya.

"Heto kulang pa sa tulog." Saad ko. She smiled guiltily and bow her head. Binalikan ko ang sinabi ko, nainis at sinita ang sarili, wrong choice of words.

"Pasensya na ha, meron kasi akong pupuntahan ngayon. Sana hindi makaabala." umiling ako at ngumiti sa kanya.

"Di, ano ka ba, okay lang naman tsaka mas trip ko ngang magtrabaho 'pag gabi." I said. Well, I didn't lie because I really like to work at night. It's peaceful.

"Maraming salamat talaga, alis na ko ha, hinihintay lang talaga kitang makabalik." Binalikan niya ang kanyang gamit.

Tumango ako at kumaway sa kanya.

"Bye, ingat ka." Ngumiti siya.

Nagpaalam siya at umalis na.

Bumuntong hininga ako at kinuha ang apron at hairnet at isinuot iyon. Okay. Let's do this.

Huminga ako nang malalim at pinakawalan iyon. Wala ng mga costumer ang dumating. Alas onse na rin kasi sa gabi kaya malamang ay tulog na ang mga tao.

Tinagilid ko ang ulo ko nang magsimula na itong mangalay at pinagpatuloy ang pagm'mop sa sahig. Pagkatapos kong magserve sa panghuling costumer ay tumulong ako sa pagliligpit at paglilinis para mas madali, mas maagang makakauwi ang lahat. Ang iba kasing katrabaho ko ay umuwi na dahil sa kapaguran but I don't blame them, they've put their hard work this whole day, mas matagal silang nagtrabaho ngayon kaysa sa'kin. Kaya kami na lamang ni Bob, Meah at Lina ang natira dito.

Chasing HurricaneWhere stories live. Discover now