Chasing Eleven

73 2 0
                                    

Enjoy reading! <3

Kunot ang noo ko habang pinapanood ang paghatak ni Berrie sa kamay ni Ivan, habang umiiling naman si Ivan habang tumatawa at pilit hinahatak pabalik ang kanyang kamay.

Bitch? Ayaw niya kaya bitaw na.

My heart pounded when she forcefully grab him and make him sit at the chair. Muntik ko pa siyan sugudin kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko

Napasinghap ako at pinasidahan ang paligid. Ngayon ay mas rumami ang tao kumpara kanina. Karamihan ay puro babae kaysa kanina na halos lahat ay lalake.Maraming flash na ng camera ang nakatutok sa kanila na sa tingin ko ay vini-video-han ang gagawin nila. Viral 'to bukas.

Binalik ko ang tingin sa kanila. Tatayo na sana si Ivan nang mapigilan siya ni Berrie. My heart throbbed furiously as I saw how she sit at Ivan lap. Kagaya ng ginawa nila Kulet.

I can feel my face crumpled and it worsen when I hear the crowd cheering for them.

Tumiim ang bagang ko at nag-iinit ang mga mata ko. I cross my arm while I watch his hand touching her waist.

I don't know what to feel. I just want to slap that pretty face of her and take Ivan away from her. Wala naman akong magawa sa ngayon dahil maagaw ko ang eksena kung bigla ko na lamang sugurin si Berrie at sabunutan siya. Ang makakaya ko lang gawin sa ngayon ay panuorin sila.

Gusto kong umalis. Gusto kong tumalikod at ihakbang ang mga paa ko paalis dito. Pero ayaw nitong sumunod
sa gusto ko.

“BODY SHOT! BODY SHOT! BODY SHOT!”

Malalakas ang sigaw ng mga tao sa paligid. Gustong gusto talaga nila ah. Mga asong tigang.

Sa harap ay kita ko ang pag-iling ni Ivan kay Berrie at may ibinigkas siya na hindi ko maunawaan, tanaw ko ang kanyang mga kamay sa kanyang bewang na parang pinapatayo niya ang babae. Tumawa naman ito at umalis sa pagkakaupo sa hita ng lalaki.

Tanaw ko ang pagkuha ni Berrie ng vodka at lemon sa emcee. Kita ko pang nagtawanan ang dalawa pagkatapos ay humarap siya kay Ivan para magsimula na.

Bumigat ang pakiramdam ko. Ramdam ko ang pagkahilo sa hindi malamang dahilan. Inalis ko ang pagkaka-krus ng aking mga braso.

Nakakunot na ang noo ni Ivan, ang kanyang mga kamay ay nakakrus sa dibdib niya na parang wala siyang balak sumunod sa agos ng laro.

Itinagilid niya ang kanyang ulo at pinikit ang mga mata. I compress my lips tightly to stop myself from shouting him. Shet ka Niccollo, wrong move 'yang ginawa mong pagtagilid!

I saw how his eyes open widely qhen Berrie was poured the drink slowly in his collarbone.

My lips quivered and I can feel the side of my eyes burning.

Kamay niya pa nga lang nahahawakan ko sa kanya!

Fuck it, I'm done here.

Inilipat ko ang paningin sa mukha niya sa isa pang sandali. Well, he's a man. Hindi niya matatanggihan si Berrie, with her pretty face and slender body I'm sure hindi na niya ito mapipigilan.

He roam his eyes to the sorrounding like he's searching for help. His eyes suddenly stop in my direction. I can see through his glasses how wide his eyes when he saw me standing still. Gaya ko ay gulat rin siya.

What? Ngayon mo lang ako nakita?

Pilit na pinapaharap ang kanyang mukha na nakahain sa harapan. Pilit dung nagpupumiglas si Ivan. Tawang-tawa naman si Berrie na parang tanga eh ayaw nga!

Para hindi makagalaw ay inilagay niya ang mga kamay sa gilid ng mukha ng lalaki at ikinulong ang kanyang palad sa kanyang mukha.

Sa paglapit ng mukha ni Berrie ay doon na ako natauhan at mabilis na tumalikod.

Chasing HurricaneWhere stories live. Discover now