Chasing Seven

63 3 1
                                    

Enjoy Reading!!!<3

Pangpito

"K-kuya Ivan." Pabulong na sabi ni Chrish.

Kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya. What? Magkakilala sila? How?

Salubong ang kanyang kilay ngunit tumango rin bilang pagbati.

"Wow, magkakilala kayo?" Tanong ni Collette sabay tingin sa akin. Ba't na naman tumingin?

"Yes, she's my cousin." Si Ivan ang sumagot.

Napasinghap ako. Laglag ang panga ko habang nakatingin sa mesa. Bigla ay parang binagsakan ako ng langit. Bakit? Why? Huhuhuhu. In my 20 years sa sanlibutan, searching for gwapitong aakitin, bakit ngayon ka pa nagpakita? Nandito na yung mga signs! Maraming kaibigan ang kilala ka. Kung hindi kaklase o kaibigan, pinsan naman! May kasalanan ba akong nagawa at hindi man lang pinakilala sa akin si Ivan?! Masasabi ko talagang napakaunfair ng mundo.

"Luh? Seryoso ka d'yan?" Di makapaniwalang tanong ni Kulet. Napanguso ako. Same Kulet, same. Di rin ako makapaniwalang pinsan niya si Chrishia the prestine.

Bumaling sa kanya si Chrish at tipid lang na tumango bago bumaling sa akin. Nawala ang tipid niyang ngiti nang makita ang reaksiyon kong nakanguso at nakabusangot. Inalis ko agad 'yon at pinalitan ng matamis na ngiti.

"Uyy, may pinagkaitan." Sumipol si Kian habang patingin-tingin sa paligid. Sinamaan ko siya ng tingin pagkatapos ay hinigit si Chrish sa akin. Nagpatianod naman siya.

Binalingan ko ang katabi ko at mataray siyang tinignan.

"Alis. Diyan uupo si Chrishia." masungit kong utos sa kanya. Napataas ang kanyang kilay sa pinapakita kong attitude. Ha! Naninibago ka noh? Taksil ka kasi!

Napa-"ohh" ang dalawang magkasintahan dahil sa sinabi ko. Napasinghap naman siya habang walang imik na umaalis sa inuupuan niya. Pumunta siya sa isang upuan sa tabi ni Kian. Naririnig ko ang hagikhik nila. Hindi ko na lamang sila pinansin pa. Kulang talaga sila sa atensiyon simula pagkabata. Alam mo kasi, mga kulang yan sa aruga at pagmamahal ng magulang nila kaya mga papansin.

Hinigit ko si Chrish at pinaupo sa tabi ko. Syempre dapat katabi ko si Chrish dahil ako ang nagdala sa kanya dito at para naman mahawaan ako ng kabaitan niya. Plus points na sa langit, plus point na rin lalo na nang malaman kong pinsan niya pala itong si Niccolo. Hmmp!

May kaunting tampo akong naramdaman ngunit isinawalang bahala ko na lang. It's not her fault naman kasi. At malay ko bang pinsan niya si Iva. She's not the type of friend na hindi nagkukwento about sa family background niya -kung hindi tatanungin- ang weird naman kung bigla na lang siyang magkwento sa akin.

I never ask her, sabihin na nating personal info na niya iyon and I don't know if she's comfortable to talk about it. Ako nga, hindi ko rin nakukwento sa kanila ang ibang parte sa pagkatao ko. Hindi rin naman sila nagtatanong, so it's fine with me.

Marahan kong inilagay ang pagkain ni Chrish sa kanyang harapan at nginitian siya. Ngumiti rin siya pabalik. Madalas anghel ang palagi kong nakikita sa kanya 'pag ngumingiti siya. Ang cute niya kasi! Para siyang siopao na singkit!

Pag nabasted kay Ivan, ikaw na lang Chrishia ah. Joke.

"Hoy anong ngiti 'yan? Isa ka na bang ganap na protractor?" galing sa atensiyon ni Chrish ay napabaling ito kay Kian na ngayon ay punong-puno na ng pagkain ang kanyang bibig. Si Kulet naman ay todo punas sa kanyang bibig.

Inirapan ko siya at hindi sinagot. Minsan matuto tayong 'wag makipagusap sa hayop, lalo na kung ang pangalan ay Kian.

Linunok niya ang kanyang pagkain at nagsalita ulit, "Di mo na crush si Niccolo? Balita ko pa naman nagseselos ka sa classmate namin."

Chasing HurricaneWhere stories live. Discover now