The Underworld Heiress

1.2K 33 0
                                    

§ Ciara's Point of View §


Napapalibutan ako ng sobrang ga daming tao— mga alipin... Nakahiga ako sa isang malambot na kutson. Nakadilat yung mga mata ko pero nakatingin lamang ako sa itim at pulang kisame. Kumukurap paunti unti, ummiiyak, pahikbi hikbi...


So this is what its like to feel the end... I don't know what the point of doing all of this. I'm only dying in the end...


"It's time." Dahan dahan akong itinayo ng mga babaeng nag aayos sa akin at ihinarap ako sa isang malaking salamin... at nakita ko kung anong itsura ko while I was dying. At least I looked like a legitimate Heiress...


Bumukas ang pintuan at nakita kong nakatayo dun si Hades na pawang may ngiti ang labi, nasa tabi nya si Persephone na walang ka-emoemosyon ang mukha. Nilapitan ako ni Hades at binigyan ako ng isang yakap. Kalakip ng yakap na ito'y naramdaman kong may isinoot sya sa leeg ko.


Ang heirloom na kung saan nagsimula ang lahat lahat. Kung papaano ako nahulog at kung papaano ko minahal si Nathan... ang heirloom na nagging dahilan para makamtan ko ang posisyong ito.


"Only the Best, for the Underworld Heiress" rinig kong sambit nya. At sa pagmulat ko ng aking mga mata, nakatayo na ko sa isang platform ng stadium... punong puno ito ng maraming tao, punong puno ng sigawan at ingay ang loob ng stadium. Tila ba gutom na gutom sila habang tinitignan nila ako...


Hinawakan ni Lucifer ang aking kamay at tinignan ako. Binigyan nya ito ng halik na mas ikinaingay ng madla... dahan dahan... dahan dahan kong nararamdaman ang nalalabing oras ko... bilang isang tao...


Dahan dahan kong nararamdamang nawawala na ang mortalidad ko.


"It's been a while underworld... but now, I bring you... my one and the only heiress of Underworld. Ciara, Fiasco" Nakaramdam ako ng biglaang paghilab sa balat ko, nang tignan ko ang damit ko, unti unti itong nagliliyab sa isang pula't asul na apoy... tila ba unti unti nitong kinakain ang katauhan ko. Ang mortalidad na inalaagan ko sa mahigit ilang taon sa mundo ng mga tao.


Handa na ba ako para dito? Hindi ba't masyado pang mabilis ang mga pangyayari?

"Ciara..." isang boses ang narinig ko sa aking isipan na agad na kadahilanan para tumulo ang mga luha ko... Unti unting naglaho ang paningin ko at mas nag inting ang ingay ng mga tao... unti unting bumilis ang tibok ng puso ko hangang sa kusa na lamang tumigil ito.


Sa pagmulat ko ng aking mga mata... tila ba nagbalik ako sa silid kung saan una kong nakita si—Nathan...


"Nathan? Nathan? Nathan!" tila ba nawawala na ko sa sarili ko, tinatawag ko sya ngunit hindi sya lumilingon, tila ba hindi nya ako naririnig...


Tumakbo ako papalapit sa kanya, ngunit ng mahawakan ko sya, unti unti syang natunaw... at nadala ng hangin. Napaupo ako sa sahig at tila ba nauupos na yung boses ko... And just like that... he was gone like the wind...


The man I love... was gone... and with that. I have died.



Descendants: The Underworld HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon