Ciara and Ria

1.1K 40 1
                                    

§ Third Person's Point of View §


"Welcome to the 75th hunger gameees!" Sabi ng isang babaeng may soot ng itim na kapa. Nakaupo sya sa isang itim na trono na nababalutan ng mga tinik. Pawang naka kulong sa isang hawlang nababalutan ng pulang rosas ang kanyang mga panauhing pandangal na sina Ciara at Dysphoria.


Nabalik na sila sa kani kanilang mga katawan... Ito rin ang unang pagkakataon na nakita ni Ciara si Dsyphoria sa katawan nya.


"Ciara meet dysphoria. Ikaw naman kilala mo na sya diba? Aright? Aright! Ipapaliwanag ko na ang mechanics!!" Isintabi muna ni Ciara si Dysphoria at hinarap ang babaeng naka upo sa trono


"Sino ka? At anong hunger games yung tinutukoy mo? Wag kang feeling! Di ka si president snow!!" Nagulat si Ciara nang biglaang tanggalin ni Nameless ang kapa nya...


"Hindi ko maintindihan... Bakit... Bakit panong-" nangangatal na sinabi ni Ciara. Nakikita nya ang mukha ng Lola nyang nag commit ng suicide nung bata pa sya. Mas bata ang itsura nito...


"Kilala mo sya?" Biglaang tanong ni Dysphoria


"Hindi kita kinakausap." Mariin na saad nya. Bakas ang mga ngiti sa labi ni Nameless...


"Hindi ako ang lola mo Ciara.... Pero naging ex-girlfriend ako ng lolo mo. And besides! Bakit naman ako mag kukwento sa inyo? So moving on. Ang mechanics. You just need to stay alive. Byeee!" Walang anu anoy naglaho na si Nameless. Napuno na ng mga tinik ng rosas ang palibot ng hawla na tila ba unti unting lumiit nang lumiit ang espasyo hangang sa magkadikit na sila ni Dysphoria.


"Kapag hindi pa tayo kumilos... mamamatay tayong dalawa" Ipinikit ni Ciara ang kanyang mga mata 'isip Ciara, magi sip ka!' sabi nito sa isipan nya. Kinuha nya ang cellphone nyang nagiging weapon if destruction at sinimulang putulin ang mga tinik.


"lalo silang dadami!" sigaw ni Dysphoria sa kanya, ngunit hindi ito nakinig. Mas nagputol pa sya ng mga tinik ngunit mas rumami pa ito, hangang sa sobrang magkadikit na silang dalawa.


"ano bang iniisip mo? Gusto mo bang mamatay ditto? Bakit ba hindi ka marunong making Ciara?" niyukom nalang ni ciara ang palad nya at tinignan si Dysphoria sa mata.


"bakit naman ako makikinig sayo? You're the one who started all this mess.. kaya wala kang karapatang sabihin sa akin yan."


"I only want the best for you. And we're sisters for Pete's sake! Ate mo pa ko, and now's not the right time para magtalo tayo." Kinuha nya ang espada sa kamay ni Ciara at hiniwa ng bahagya ang braso nya.


"bilang anak ni Hades... ang dugong nananalaytay sa atin, pwedeng makapatay ng kahit anong buhay... tulad ng mga tinik na to" napangiwi si Dysphoria sa pagpatak ng dugo nya sa mga tinik. Unti unti silang nawala at agad naming napakapit si dysphoria kay Ciara.


Inalalayan nya ito hangang sa malabas na sila ng hawla. Pinunit ni Ciara ang laylayan ng damit nya at itinali ito sa sugat ni dysphoria.


"Why did you do it?" biglaang tanong ni ciara, nanatiling tahimik si dysphoria at nginitian sya.


"Why did I do it? I did that because... I thought I was in love... Nakita ko... puputulin ng fates ang life string nya sa araw nay un... kaya dali dali kong kinuha yung heirloom ni Dad... ayoko syang mawala... but then it was too late when I realized what I did... hindi ako nag isip"


"Pinangunahan ako ng... kung ano man yung naramdaman ko... ni hindi ko naisip yung posisyong pinanghahawakan ko... I deserved to be banned... but I promised dad that I'll bring back the heirloom and take Natomino's life..."


§ Ciara's Point of View §


Nagsimula na uli kaming maglakad ni Dysphoria... there's this odd feeling ticking inside me, na para bang nagsasabing hwag syang pagkatiwalaan. Akay akay ko sya habang naglalakad kami sa kawalan, hindi ko alam kung nasaan kami... pero si Dysphoria, mukhang alam naman na nya kung nasaan kami.


Kasalukuyang nasa disyerto kami ng mga nyebe... kung saan, kakulay ng mga buhangin ang nyebe... kitang kita kong nahihirapan na sya dahil sa sugat na hiniwa nya kanina...


"kailangan nating makakita ng nyebeng tatsulok... na sumasagisag sa nakaraan, kasalukuyan at kinabukasan... yun lang ang tanging paraan para makalabas tayo sa dimensyong ito..."


"ah—" nagulat nalang ako ng bigla nalang akong nakaramdam ng lubid sa paanan ko at agad akong lumutang, or should I say, may natapakan akong trap. Naiwan si Dysphoriang nakahandusay sa nyebe.


Kasalukuyan po akong nakabaliktad.... anong nangyayari? Bakit mas lumalayo si dysphoria?


"Ciara! Ciara! "

Descendants: The Underworld HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon