Jealousy

1.5K 42 9
                                    

§ Third Person's Point of View §


Hindi na uli nakatulog pa si Ciara, pinagmasdan nya nalang yung sunrise. Nasa kaliwang bahagi ng kama si Nathan at hawak hawak yung kamay nya. Hangang sa bigla nalang bumukas ang pintuan, hindi nagising si Nathan ngunit na-alarma kaagad si Ciara.


"Oh.my.god. ciara.fiasco.you.are.so.dead" ipinikit nya lang yung mata nya at nakahinga na sya ng maluwag.


§ Aeon's Point of View §


Mukhang wrong timing yata ang pagdating ko. Pagbukas ko nang pintuan, nakita ko si Ciara at Nathan sa iisang kama.


"Aeon chrysler" iritableng sabi ni Ciara. Agad naman akong ngumiti... mukhang wrong timing nga talaga ang pagpasok ko.


"Uh ano, balik nalang ako, byeee" Isinara ko uli yung pintuan ng dahan dahan at bumaba.


Matagal nang nakutuban ni Nathan na double agent si Wendy, kaya matagal na naming plinano ang mga gagawin kung sakaling traydurin kami nito. Actually, even before we hired Wendy, may gut feeling na ako na posibleng mangyari ito. We still hired her cause we need her services. Isa sya sa mga pinaka talented na anak ni Hermes.


Kasalukuyang nasa siyudad ang mga tauhan ni Nathan. Mas lumakas na ang kampon nito at marami rami na rin kaming na-recruit. Anytime now, kayang kaya na naming kontrahin ang kabilang panig. Andito ako para iinform si Nathan na pwede na syang bumalik.


Hindi ko rin alam kung bakit ko ba talaga to tinutulungan. But when I saw the heirloom, I was so drawn to it— Nagpa forge pa ko ng kopya nito. Yung soot soot ko nung unang beses akong nag punta sa Geyfyra. Pag natapos itong walang kwentang digmaan na ito, I'll make sure that the heirloom stays with me.


Give the girl the right jewellery and she'll conquer the world.


§ Ciara's Point of View §


Hindi pa rin bumabangon si Nathan, kaya napagpasyahan ko nang bumaba nalang muna. Pagkababa ko nakita ko si Aeon na nakaupo sa sofa habang nagsusulat sa red na binder nya... What is it with Hecate's kids, and why do they all have the same matching red binders?


"Aeon" halata namang nagulat sya at itinago uli yung red na binder nya. Ano namang laman nun? Diary entry? Flames ng pangalan nila ni nathan?


"Sup Ciara" then she gave me a meaningful smile, loko talaga.


"Pano ka nga pala nakarating dito? May kasama ka?"


"No, no its just me"


"Nakapunta ka na dito?" Pag aalinlangan tanong ko... Sabi kase sakin ni Nathan na... Ako pa lang daw yung nadadala nya dito.

Descendants: The Underworld HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon