Kabanata 6

34K 1.4K 141
                                    

Kabanata 6


HINDI napigilan ni Teissa ang maawa sa kapatid na si Tammy dahil sa narinig na pagtatalo nito at ng kanilang lolo Lino noong nakaraang linggo. Alam naman niyang naghihigpit ang Lolo nila para rin sa kapakanan ni Tammy ngunit nasasaktan pa rin siya para rito. 

She sighed as she closed the envelope. Bumawas siya ng pera sa ipon niya para ibigay kay Tammy. Alam kasi niyang unang araw ng OJT nito ngayon. Kilala niya si Tammy. Siguradong hindi sasapat ang allowance na ibinigay rito dahil binawasan upang hindi makagala, kaya lang ay gusto rin niyang kahit paano may sapat na pera ang kapatid lalo at medyo malayo sa hacienda ang ospital na papasukan nito. 

Kinakabahan man ay nagtungo siya sa kwarto ng kapatid. Pagsilip pa lang niya sa pinto ay matalim na kaagad ang titig nito sa kanya. Tila makita pa lamang siya ay kumukulo na kaagad ang dugo. 

"What?" asik nito nang maibaba ang uniporme.

"Uhm, ate . . ." Nalunok niya ang sarili niyang laway dahil sa pagtaas ni Tammy ng kilay sa kanya.

Tammy folded her arms in front of her chest when Teissa wasn't able to answer. "Are you here to waste my time? Again?"

Teissa shook her head before she swallowed her fear. Lumapit siya sa kapatid at inilagay sa palad nito ang sobreng naglalaman ng pera pati na ang maliit na sulat. She knows Tammy so well. Kung sasabihin niya nang harapan ang mga salitang isinulat niya kanina sa papel ay siguradong maiirita lamang ito.

"Kasi . . . naghihigpit si lolo sayo. Ang sabi ni Manang ay . . . binawasan ang allowance mo para hindi ka makagala pagkatapos ng OJT mo. Inipon ko, ate baka . . . hindi ka kasi sanay na bawas ang . . . baon mo."

There are still a lot of things that she wanted to say but Teissa just decided to leave Tammy's room as soon as she could. Bumuga siya ng hangin at nagpasya na lamang na lumabas ng mansyon para puntahan si Islaw. Naupo siya sa tumbang puno at inilabas ang kanyang cellphone para tingnan ang bagong mensahe ni Armani sa kanya.

Teissa smiled when she saw the photo Armani just sent her. Kuha iyon ng sandamakmak na law books na kasalukuyang binabasa ng binata. Tila kahit patapos na ito sa susunod na buwan ay todo pa rin ang pagsusunog ng kilay.

She pursed her lips and typed a chat for him, wishing him good luck. Sumagot naman ito kaagad kaya sandali lamang niyang naialis sa screen ng phone ang atensyon niya.

Armani Reino De Alba: I feel ten years older because of law school.

Napangiti siya nang hindi namamalayan habang nagtitipa ng sagot.

Teisa Mercado: Nasa klase ka. Dapat hindi ka nagcha-chat, eh.

Her phone vibrated after a minute.

Armani Reino De Alba: I have priorities.

Her heartbeat doubled. Armani has been giving hints in the past weeks. Kapag wala itong pasok ay sa hacienda dumidiretso. They would visit her parents' grave or take a walk around the hacienda. 

Madalas ay sakay rin sila ng kariton na hila ni Islaw para magtungo sa ilog, ngunit sa kabila ng nagiging takbo ng kanilang samahan ay pinipigilan ni Teissa ang umasa. Sabi nga ni Maia sa kanya, hangga't hindi ito nanliligaw ay hindi siya dapat mag-isip na gusto rin siya nito dahil masasaktan lamang siya. 

They exchanged a few more chats before she decided not to respond anymore so Armani can focus on his class. Bumalik na lamang siya sa mansyon na mabagal ang lakad. Dinarama ang sariwang simoy ng hangin sa kanyang bawat hakbang.

Malapit na siya sa mansyon nang matanaw niya ang kapatid na umiiyak habang patakbong nagtungo sa sasakyan nito. Sinubukan pa itong habulin ng kanilang Tiyo Melchor ngunit sumakay na si Tammy ng kotse at nagmamadaling umalis. 

MONTE COSTA SERIES #1: Shore Of Hearts [Published Under PSICOM Publishing Inc.]Where stories live. Discover now