Kabanata 10

35.1K 1.2K 225
                                    

Kabanata 10


KUMURBA ang mga labi ni Teissa kahit pa namula ang kanyang magkabilang pisngi matapos siyang kawayan ni Armani. 

Her heartbeat went wild again after seeing his mesmerizing smile that seems to bewitch her all the time. Maging ang mga ingay sa paligid ay nawala at tanging ang nakakakuha na lamang ng buong atensyon niya ay ang binatang titig na titig sa kanya ngayon.

"Teissa, come over here and join me," tawag ni Armani.

Parang doon pa lamang bumalik ang konsepto ng oras para kay Teissa. Nahihiya man ay pinili niyang huwag biguin ang binata sa pagtawag nito. Tumikhim siya at naglakad patungo sa mesang inookupa nito habang pigil niya ang pagsilay ng mas malawak na ngiti sa kanyang mga labi.

Her cheeks blushed even more when Armani stood up to pull a seat for her. God, she almost tripped after seeing his overall outfit. Napakagwapo nito habang nakasuot ng suit and tie na tinernuhan pa ng salamin sa mata. He smells expensive, and stands like he's effortlessly declaring that he's someone who deserves respect.

"K-Kumusta ka na? Hindi ko alam na nandito ka," nahihiya niyang sabi pagkaupo.

He gave her a slight smile before he took a seat. Teissa couldn't help but gulp when his biceps flexed effortlessly after he stroked his hair towards the back. He even moistened his lower lip with the tip of his tongue while looking at her. Patago tuloy na napahigop si Teissa ng hininga. 

"My unit is on the twenty seventh floor," tugon ni Armani bago nito dinampot ang baso ng champagne.

Napakurap si Teissa. "Twenty seventh? Doon din ang unit ko."

"Is that so?" Sumilip ang multong ngiti sa mga labi nito kasabay ng pag-iwas sandali ng tingin, ngunit kahit noong sumisimsim na ito ng champagne ay nakikita pa rin ni Teissa ang maliit na kurba sa mga labi nito.

Hindi niya alam kung bakit pero tila ba hindi ikinagulat ni Armani ang sinabi niya. Not that she still thinks that Armani is her husband. She wants to save herself from humiliation so she just assumed that Armani already knows because of her relatives.

Sandaling tumikhim si Teissa. "Akala ko masama ang loob mo sa akin kasi hindi mo nire-reply-an ang huling chat ko."

"Oh, that?" Humugot ito ng hininga bago pilit na ngumiti. "I just . . . I just got really busy. That's all."

"Ah." Nahihiyang ngumiti si Teissa. "Sorry, nag-assume kaagad ako."

Armani straightened his back before he cleared his throat. "What do you want for dinner? Let me order for you, Teissa." Nilapag nito ang baso sa mesa bago bahagyang niluwagan ang necktie kaya aksidente niyang napansin ang bago nitong singsing.

A plain gold ring . . .

Napababa siya ng tingin sa suot niyang singsing. It's . . . almost identical.

"Teissa?" tawag ni Armani nang walang nakuhang tugon mula sa kanya.

Napabalik siya ng tingin sa mga mata nito. "Uhm . . ." Napakamot siya ng kanyang patilya bago niya dinampot ang menu na nasa mesa. "Ngayon pa lang ako kakain dito kaya hindi pa ako pamilyar sa mga pagkain."

"Why don't you try their chicken alfredo?" suhestyon nito.

She flashed a shy smile before she nodded. "That sounds great." Muli siyang napasulyap sa singsing nito. Is it the same? Parang hindi naman. Ayaw naman din niyang mag-assume.

Armani called the waiter and ordered for them. Habang nagsasalita ito ay hindi niya maiwasang mamangha habang pinagmamasdan si Armani. He's very classy from the way he speaks to the way he sits. His aura screams dominance and power that even in a sea of elites, she knows Armani will still stand out.

MONTE COSTA SERIES #1: Shore Of Hearts [Published Under PSICOM Publishing Inc.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon