Kabanata 18

31.3K 1K 189
                                    

Kabanata 18


TEISSA couldn't help but think about what happened in front of her school the other day. Iniisip niyang kung magseselos si Andres sa ibang lalake, malamang sa malamang ay pati na rin kay Armani. 

She doesn't want to cause trouble to anyone. Besides, how will she fully learn to love her husband if she always hangs out with Armani? Kailangan niyang alisin ang nararamdaman niya rito pero hindi naman siya gumagawa ng paraan para makalimutan ang binata.

Bumuntonghininga siya, dahilan upang maagaw niya ang atensyon ni Meg. "Okay ka lang?"

Teissa tilted her head to look at her friend. "Oo, ayos lang. May iniisip lang ako."

"Share mo naman," ani Meg habang nagsusulat ito ng notes.

Teissa thought about it for a second before she breathed in a sharp breath. "May uhm, may kakilala kasi ako na may asawa na tapos . . ." She dodged Meg's gaze. "Parang pinagkasundo lang sila ng asawa niya tapos meron siyang childhood crush na hanggang ngayon nakakasama niya pa rin. Iniisip ko lang kung baka makaapekto 'yon sa marriage niya."

Meg put her pen down as if Teissa got her full interest. "'Yong asawa ba mahal 'tong kakilala mo?"

Nagkibit-balikat siya. "H-Hindi ko alam p-pero sabi no'ng asawa ay h-hindi lang sila sa papel mag-asawa."

"Read between the lines, kamo. Kung hindi mahalaga sa napangasawa 'yong kasal, hindi no'n sasabihing hindi lang sila sa papel mag-asawa."

Lumunok siya. "T-Tingin mo makakaapekto ang f-friendship niya sa crush niya sa marriage niya?"

"Aba'y syempre naman? Naku, Teissa pinalaki ako ng fiction! Marami na akong nabasang ganyan na arranged marriage tapos kunwari may second lead na eeksena sa buhay ng isa sa mga bida tapos magseselos 'tong asawa and then poof!" Meg grinned. "You get what I mean."

Napakurap si Teissa. "A-Actually, I . . . I don't."

Meg heaved a dramatic sigh. "Pagseselosan no'ng asawa 'yong eeksenang second lead. Magkakaroon ng away ang mag-asawa pero sa huli, sila pa rin naman. Maiitsapwera pa rin ang second lead. Masasaktan lang sa huli." She shook her head. "Hay, I'm really a sucker for second leads."

Nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Teissa. Imposibleng magustuhan siya ni Armani, parang hindi rin niya kayang ito ang maging dahilan ng gulo sa pagitan nila ni Andres. 

Mabuting tao si Armani. He's been saving her since she couldn't remember. From the day her heart was about to get shattered when Islaw was about to get butchered, to the day Juvan almost forced her to hang out with him. 

She let out a silent breath. He doesn't deserve to be in the middle of something he's not supposed to be involved with. Isa pa ay may mahal na rin ito. Ayaw niyang siya naman ang maging dahilan kung bakit masisira ang samahan nito at ng babaeng mahal kaya mukhang kahit na gustong-gusto niya itong nakakasama ay kailangan na niyang layuan ang binata.

She made a mental note to finally tell him about her plan. Hinanda na rin niya ang sarili kaya naman nang sunduin siya nito sa university pagkatapos ng klase niya ay mabigat ang mga paa siyang humakbang palapit sa pwesto nito.

Teissa pursed her lips as she stared at Armani. Nakasandal ito sa kotse at nakatiklop ang mga braso sa tapat ng hulmadong dibdib. His lips were on a thin line as he ignored every girl who's trying to get his attention. Ni ang salubungin ang tingin ng mga ito ay hindi ginagawa ni Armani.

Her heart jerked when Armani tilted his head and met her eyes. Kaagad umaliwalas ang mukha nito. Ang mga labi ay unti-unti ring kumurba para sa simpleng ngiti.

Armani breathed in a sharp breath to calm her heart. Humigpit ang hawak niya sa kanyang shoulder bag nang binilisan na niya ang hakbang palapit kay Armani.

"How's your day, hmm?" tila may lambing nitong tanong matapos nilang makapasok sa loob ng sasakyan nito.

Pilit na ngumiti si Teissa. "Ayos lang."

He gently nodded. "There's this Japanese resto that we can visit if you're not busy."

A part of Teissa is getting tempted to accept his offer. Ngunit nang maalala niya ang pinag-usapan nila ni Meg ay tuluyang nanalo ang rasyonal na bahagi ng kanyang isip.

She dodged his gaze and held onto her bag a bit tighter. "Uhm, m-may gagawin pa kasi ako."

"Oh, okay. No problem. We can just see the place when you're no longer busy." Binuhay na nito ang makina ng sasakyan at minaneho. 

Armani tried to engage her in a conversation while they're on their way home but Teissa resisted the urge to give him the same attention. Mukhang nakahalata naman ito na umiiwas na siya kaya pagkarating nila sa harap ng kanyang unit ay tinawag nito ang pangalan niya.

"Teissa . . ."

She took one look at his confused eyes before she looked away. "Y-Yes?"

He sighed. "Did I do something wrong? Parang umiiwas ka."

She pursed her lips then shook her head. "W-Wala. N-Naisip ko lang na h-hindi tama na palagi tayong magkasama o m-magkausap." She looked at him while her heart is banging loudly inside her chest. "H-Huwag sanang sasama ang loob mo, Armani p-pero a-ayaw kong maging kamag-anak ni Emilio Aguinaldo."

His brows furrowed. "I'm sorry but . . ." Nagpigil ito ng tawa at humugot ng hininga. "What?"

Uminit ang pisngi ni Teissa. "I-Ibig kong sabihin ay . . . ayokong maging taksil." Her eyes softened. "Ayokong . . . masaktan si Andres."

Armani's eyes glistened with something as if he's actually happy to hear her say those words. "Trust me, Teissa he doesn't mind--"

"K-Kahit na, Armani." Nilunok niya ang sarili niyang laway. "Kahit na a-ayos lang sa kanya kasi may tiwala siya sa'yo, ayokong dumating ang araw na kainin ako ng kunsensya ko. M-Masyado na rin akong nagiging kumportable sa'yo at . . . hindi ko na 'yon pwedeng hayaan pang l-lumalim."

Narinig niya ang paghugot nito ng hininga. "Are you saying that you're starting to like me in a romantic way, hmm?"

Teisssa lowered her head as she pursed her lips. No. Dahil matagal na siyang may nararamdaman para kay Armani. He let her realize what love is, but that love should go nowhere because she's already committed to someone. 

Nilunok niya ang namumuong bara sa kanyang lalamunan. "Let's just . . . stop seeing each other. Para mapanatag na lang din ang kalooban ko, dahil hangga't nakakasama kita palagi, patuloy ko ring iisiping nagtataksil ako sa asawa ko," lakas-loob niyang sabi.

Armani became silent for a few moments until he finally sighed. "Okay."

Napaangat siya ng tingin nang marinig ang sagot nito. "O-Okay?"

He gently nodded his head as he flashed a small smile. "Kung ano'ng makakapagpapanatag ng kalooban mo, let's do that. I won't mind."

Teissa felt a pinch in her heart. Pero ano nga bang karapatan niyang masaktan? This is what she wanted anyway. Ibinigay lang naman ni Armani ang nais niya.

Humugot siya ng hininga't pilit itong nginitian. "T-Thank you, Armani."

Hindi na niya hinintay ang sagot nito. She unlocked the door of her unit and walked in as fast as she could. Nang maisara ang pinto ay natulala na lamang siya sa kawalan habang pasikip nang pasikip ang kanyang dibdib.

Ganito yata talaga. Kahit na siya ang pumili nito ay masakit pa rin. Siguro dahil mas naging malinaw sa kanya na hindi naman siya gusto ni Armani sa paraang gusto niya ito. Kasi kung may nararamdaman din ito para sa kanya ay hindi naman ito basta lamang papayag, hindi ba?

She wiped her tears and rubbed her chest. "Tama lang 'to, Teissa." She swallowed the lump in her throat. "Tamang desisyon 'to."

She let out a sharp breath as she finally accepted her fate. 

Panahon na para unti-unti niyang kalimutan ang nararamdaman niya para kay Armani . . .

MONTE COSTA SERIES #1: Shore Of Hearts [Published Under PSICOM Publishing Inc.]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin