Kabanata 16

29.9K 1.3K 294
                                    

Kabanata 16


"KAYO na po muna ang bahala kay Islaw, ha?" bilin ni Teissa sa kanyang Tiyo Melchor nang maisakay nito ang travel bag niya sa sasakyan ni Armani.

Inakbayan siya nito at pinatakan ng halik sa tuktok ng kanyang ulo. "You take good care of yourself, sweetheart."

"Opo, Tito. Mag-iingat po ako palagi." She looked at Maia. "Mag-chat na lang tayo o kaya video call."

Maia nodded with a smile. "Ingat ka lagi, friend."

Hinayaan siya ng kanyang tiyuhin na malapitan si Maia. They hugged each other before Teissa finally waved goodbye to everyone. Nagpaalam na rin si Armani sa mga ito bago siya pinagbuksan ng pinto sa shotgun seat.

"Armani, let's talk for a bit," dinig niyang tawag ng kanyang tiyuhin bago pa man naisara ni Armani ang pinto ng kotse.

Teissa rolled the window down and peeked her head out to see Armani and her uncle. Lumayo ang mga ito at nag-usap. She could see Armani nodding while her uncle speaks. Maya-maya ay sumulyap ang dalawa sa kanya bago tinapik ng kanyang tiyuhin ang balikat ni Armani.

"Sige ho, Nong," dinig niyang paalam ni Armani bago naglakad palapit sa kotse. Umayos naman siya ng upo at hinintay itong makapasok ng sasakyan.

"Parang ang seryoso ng usapan ninyo ni Tito," saad ni Teissa habang isinusuot ni Armani ang seatbelt nito.

Armani gave her a small smile. "Nagbibilin lang siya. He was also asking about Tammy."

"Nagmi-message ba si ate sa'yo?" hindi niya napigilang itanong.

Umiling ito. "Kay Argus lang ako nakikibalita."

Marahan na lamang na tumango si Teissa. Hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya kung gaano ba katindi ang galit ni Tammy sa lolo Lino nila para hindi man lamang ito umuwi noong namatay ang Don. She felt bad because she knew their grandpa loved Tammy so much yet Tammy didn't even visit nor joined them in his funeral. 

Napapaisip tuloy siya. Ano kaya ang posibleng pinag-awayan ng mga ito para hindi umuwi si Tammy kahit na namatay na ang kanilang Lolo? 

"Ready to go?" agaw ni Armani sa kanyang atensyon.

Teissa inhaled a sharp breath before she forced a smile. "Yeah."

Tuluyang pinatakbo ni Armani ang kotse. Teissa stuck her hand out of the window and felt the cold breeze touching her palm as the car moved in a slow and steady pace. Bumilis lamang ang patakbo ni Armani nang malampasan nila ang heganteng gate at naging patag na ang daan.

She looked at Armani after rolling the window up. "Maraming salamat pala sa pagsabay mo sa'kin pabalik ng Maynila. Hindi ko na kailangang abalahin pa si Clode."

"My pleasure." Sinulyapan siya nito. "Clode is kind of busy, too."

"May gigs na ba siya? Recordings?"

Umiling ito. "No, but it's his turn now. They're currently planning the design of his own cabin in the clubhouse."

"Clubhouse? 'Yon yata 'yong narinig kong pinag-uusapan nila ni Alta noong huling pyesta." Bahagya niyang inianggulo ang katawan niya paharap kay Armani. "Kasali ka rin doon?"

"Yeah. Kaming magkakaibigan at 'yong isang kapatid ng kaibigan namin." He smiled at her. "It's a place for the brotherhood intended for bachelors. Dapat hindi na ako kasali but considering some circumstances, they still considered me."

Kumunot ang noo ni Teissa. "But . . . you're still a bachelor, right?"

Humugot ito ng hininga. "Let's just say I already have plans to exchange vows with my girl in a church a few years from now so technically, I'm officially out of the market yet the chief still considered me, provided that I'll move up as a senior member of the club after I declare my, well, for the lack of a better term, official resignation as a bachelor."

MONTE COSTA SERIES #1: Shore Of Hearts [Published Under PSICOM Publishing Inc.]Where stories live. Discover now