Kabanata 3

37.9K 1.4K 236
                                    


Kabanata 3

"Teissa!"

Kaagad na nilingon ni Teissa ang kaibigang si Maia nang marinig ang pagtawag nito.

She smiled and stood up. "Wait lang, ha? Magpapaalam lang ako kila Lolo!"

"Sige!" Tumingin-tingin ito sa paligid. Tila may hinahanap.

Napailing na lamang si Teissa. She knows Maia has a big crush on her cousin Clode. Kaso malas nito dahil kanina pa umalis si Clode kasama si Alta.

Teissa went upstairs to tell her grandpa that she's leaving. Pinayagan naman na siyang pumunta ng plaza kasama si Maia at ang mga magulang nito ngunit gusto pa rin niyang magpaalam ulit bago siya umalis.

She walked the length to her grandfather's room. The room was shut and she could hear her aunt inside. Tila nagagalit tungkol sa kung ano. Pinakakalma ito ng kanyang tiyo Melchor ngunit tila galit na galit ang kanyang tiya Mylene.

"This is so unfair! She's too young for this! Why wouldn't you let her decide for herself someday?!" anang kanyang tiyahin.

Teissa could feel the pain and anger in her aunt's voice. Kaya imbes na kakatok sa pinto ay nagpasya na lamang siyang umatras.

"Oh, bakit ganyan ang itsura mo?" salubong ang mga kilay na tanong ni Maia sa kanya nang makalabas siya ng mansyon.

Bumuntonghininga si Teissa. "Wala. Parang nag-aaway kasi sina Tita Mylene at Lolo," tugon niya habang sinasabayan ng lakad si Maia.

Kumapit ito sa kanyang braso. "Payabaan mo na. Gano'n talaga. Kami nga ni Tatay nagtatalo rin."

Hindi na lamang nagkumento si Teissa. Yes, she knows that arguments happen between family members, but something is telling her that her aunt is getting furious about something serious. Her aunt was known for being a daddy's girl. Ni minsan ay hindi niya pa ito nakitang nagalit nang ganoon sa kanyang lolo kaya hindi tuloy niya maiwasang mag-alala ngayon.

"Hindi ko na naman nakita si Clode! Ang dami naman kasing pinagawa ni Nanay kanina sa bahay!" reklamo ni Maia. Tila nais ibahin ang usapan nang gumaan ang pakiramdam niya.

"Umalis siya kasama si Alta. May kikitaing ilang kababata pero baka pupunta rin 'yon mamaya sa plaza," sagot niya.

Bumuntonghininga si Maia. "Sana nga--" Kumunot ang noo nito nang may nahagip ang tingin. "Si Islaw ba 'yon?"

Teissa looked at the direction Maia was looking at. "Oo, si Islaw--"

Naputol ang sinasabi niya nang makitang tila mayroong hinahabol ang alaga niyang kalabaw. Madilim ang bahaging iyon ng hacienda kaya nahirapan siyang makita. The guy ran faster until the solar light went on after detecting his movement.

Ganoon na lamang ang pag-awang ng mga labi ni Teissa nang mapagtantong si Armani ang lalakeng hinahabol ni Islaw. Dali-dali siyang tumakbo palapit sa direksyon nito saka siya pumagitna upang pigilan si Islaw sa tangkang pagsuwag kay Armani.

"Goodness, buddy!" si Armani. Habol-habol ang hininga habang nakakalso ang mga palad sa magkabilang tuhod.

"Islaw, ano ka ba naman? Bakit mo naman siya hinabol? Hindi mo na ba natatandaang siya ang nagligtas sa'yo?" pagkausap niya sa hayop na animo'y maiintindihan siya.

Islaw made some sounds. Napakamot naman ng ulo si Teissa bago siya humarap kay Armani.

"Ano ba kasing nangyari at bakit ka hinabol-"

Naputol ang sinasabi niya nang mapagtanto kung ano ang itsura ni Armani ngayon. His polo was unbuttoned and there were lipstick marks on her neck down to his toned chest. Pati ang pisngi ay may mantsa ng lipstick habang ang belt ay hindi naka-buckle.

MONTE COSTA SERIES #1: Shore Of Hearts [Published Under PSICOM Publishing Inc.]Where stories live. Discover now