Simula

85.8K 2.3K 871
                                    


Simula

Betrayal is like a well-thought gift. It rarely comes from people that we don't know.

Teissa learned that truth at a young age, when she paused outside a room and listened to what the two important people in her life were discussing.

"We can't tell her about it. Sasama lamang ang loob niya kung malalaman niya ang totoo."

"Pero kung huli niya na malaman at mahuli tayo sa akto? What would she feel anyway? She'll surely hate the both of us."

Teissa heard a heavy sigh. "Don't tell her yet. Ako na lang ang hahanap ng pagkakataon para ipagtapat sa kanya."

Hindi na napigilan ni Teissa ang mapahikbi kaya bago pa man malamang naririnig niya ang mga ito magmula pa sa umpisa ng pag-uusap ng mga ito ay tuluyan na siyang tumalikod.

She shoved her tears and held the hem of her white dress as she ran down the stairs. Nanlalabo ang kanyang paningin dahil sa makapal na luha kaya nang makababa ay muntik na niyang mabunggo ang isa sa mga katulong sa Hacienda Mercado.

"Teissa? Bakit ka umiiyak?" nag-aalala nitong tanong.

Teissa sobbed as the maid cupped her wet cheeks to wipe her tears.

"Ate Clara, niloko nila ako. All this time, niloloko lang pala nila ako. Pinagmukha nila akong tanga..."

Kumunot ang noo ni Clara. "Naku, Teissa. Sigurado ka ba diyan? Baka naman nagkakamali ka lang?"

Muling umalog ang kanyang mga balikat. "Narinig ko sila, Ate Clara. Malinaw na malinaw lahat. Narinig ko lahat ng pagsisinungaling nila." Humihikbi niyang pinunasan ang kanyang pisngi. "Bakit gano'n, ate Clara? Alam naman nilang siya lang ang gusto kong makasama. Bakit kailangan nilang gawin sa'kin 'to? Bakit siya pa talaga? Ang dami namang iba r'yan na pwede nilang piliin."

Bumuntonghininga si Clara. Tila nagpipigil pa ito ng tawa na animo'y naguguluhan kung maaawa ba sa kanya o matatawa.

"Ay, naku! Matanda na kasi 'yon kaya pabayaan mo na. Bata ka pa naman, Teissa may mahahanap ka pang iba--"

"Hindi ho." She sobbed and took a step backwards. "Siya lang ho ang gusto ko kaya hindi ako papayag sa plano nila."

Tuluyan siyang kumalas sa hawak ni Clara at nagtatatakbo palabas ng mansyon. Inis na inis pa siya sa laylayan ng damit niya dahil ilang beses siyang muntik madapa. Bakit naman kasi niya naisipang isukat iyon kahit sinabihan na siyang bawal pa niya iyong isuot dahil nakareserba iyon para sa okasyon? Nagsisisi tuloy siya ngayon!

"Teissa! Bumalik ka rito! Wala ka na ring magagawa!" habol ni Clara sa kanya.

She wiped her tears with the back of her hand. No. She wouldn't allow this. Hindi siya papayag na matuloy ang binabalak ng mga ito. Pipigilan niya ang mga ito.

Kahit na mapalo pa siya ng kanyang Lolo sa puwet.

Hindi niya inintindi ang mga nakasalubong na trabahador sa hacienda. Gamit ang bisikleta niyang kulay pink ay mabilis siyang nagtungo sa katayan. Nang marating ang katayan ay narinig niya ang pamilyar na ingay.

Teissa did her best to push the wooden door open until she managed to get in. There she saw her most favorite creature in the world getting pulled by a rope and is about to be sentenced to death for a reason her innocent mind will never understand.

"Islaw!" Tumakbo siya palapit sa puting kalabaw saka ito pilit na niyapos sa leeg. "Nandito na ko. Nandito na ko."

The workers grunted, knowing so well how stubborn Teissa can get when it comes to her 'pet'.

Well, they can't blame her? She loves Islaw more than the chickens and the piggies! Higit din doon sa matapang na baka na palagi siyang hinahabol tuwing nagsusuot siya ng pula!

"Teissa, umalis ka r'yan. Kailangan nang katayin ang kalabaw. Anong oras na," dinig niyang sabi ni Mang Ekong.

She looked at him with sharp eyes, mimicking her ate Tammy's way of looking at her every time she's pissing her off.

"Hindi pwede, Mang Ekong." Tumingkayad siya nang mas mayakap ang leeg ng puting kalabaw. "Hindi ako papayag... po! Hindi ako papayag po!"

Napakamot na ng ulo si Mang Ekong. "Pare-pareho lang tayong pagagalitan ng lolo mo niyan, Teissa."

Teissa shook her head, refusing to let go. Nang maalala ang nabasa sa libro ng kasaysayan ay umakyat siya sa tablang mesa at tiningnan ang mga trabahador.

"Hindi po ba kayo naaawa? Tingnan ninyo, oh? He's going to cry na! Carabaos have feelings, too! Saka islaw is a national treasure!"

Nagsalubong nang husto ang kilay ng mga trabahador.

"Ano raw? Paano naging national treasure? Itong batang 'to talaga."

Teissa clenched her fists and looked at them. "National treasure po si Islaw kasi pambansang hayop siya. Bawal siya katayin at gawing handa sa fiesta! Sabi ni doktor Jose Rizal, ang..."

She chewed her bottom lip as she tried to remember the saying. Nang hindi niya talaga naalala ay lakas-loob pa rin siyang humugot ng hininga't nagpatuloy sa madiplomasyang pakikipagkasundo.

"Ang hindi marunong magmahal sa sariling alaga ay hindi makararating sa paroroonan!" She lifted a finger. "'Yon!"

Napailing na lamang sina Mang Ekong, tila nai-stress na nang husto sa kanyang mga pinagsasabi. Ang iba naman ay bumungisngis ng tawa nang hindi na nakapagpigil.

"Halika na nga ritong bata ka, mapapagalitan tayo sa mga kalokohan mo," problemadong sabi ni Mang Ekong saka pilit na iniabot ang kamay kay Teissa.

She took a step back and shook her head. No, she woldn't back down. Si Doctor Jose Rizal hindi naman tumakbo no'ng binaril, bakit siya susuko? She has her reasons to fight for Islaw, kaya hindi siya matatakot sa pamalo ng kanyang Lolo!

Bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang Tito Melchor. Kasama nito ang ate Tammy niya at isang hindi niya kilalang lalake.

MONTE COSTA SERIES #1: Shore Of Hearts [Published Under PSICOM Publishing Inc.]Where stories live. Discover now