Kabanata 17

30.5K 1.2K 191
                                    

Kabanata 17


"TEISSA, nagawa mo na ba 'yong project sa klase ni Prof Jel?" tanong ni Meg kay Teissa, isa sa mga kaklase niya sa majority ng subjects at bago rin niyang kaibigan sa university.

Sandaling ibinaba ni Teissa ang highlighter na ginagamit niya para sa kanyang reviewer. "Malapit na. Baka bukas tapos ko na."

Meg let out a dramatic sigh before she removed her thick eyeglasses to wipe it. "Mabuti ka pa." Isinuot nitong muli ang salamin. "Wala pa akong nasisimulan, girl!"

"Naku, sa Byernes na ang deadline," paalala niya.

Ngumuso ito. "Pwede ba akong magpatulong sa'yo mamaya after ng last class? Kahit doon na lang sa cafe sa labas natin gawin, please ililibre na lang kita ng kahit anong gusto mo."

"Hindi na, Meg. Ano, magpapaalam na lang ako para matulungan kita."

Kumunot ang noo ni Meg. "Magpapaalam? Akala ko mag-isa mo lang sa condo mo?"

She swallowed the pool of saliva in her mouth. Hindi niya sinasabi sa kahit kanino ang marital status niya kahit na tinimbrehan na siya ng abogado na rehistrado na ang kasal nila ni Andres. 

Not that she's ashamed or something. Ayaw lamang niyang mayroong umusisa ng personal na buhay niya. Siguro dahil hindi naman talaga siya gaanong palakwento ng mga bagay-bagay patungkol sa sarili niya. Si Maia lang naman talaga ang nakakaalam ng lahat-lahat pagdating sa kanya, maliban lamang doon sa pagkakagusto niya kay Armani.

"Uhm, magpapaalam pa rin ako kasi b-baka mag-alala sila." She forced a smile. "Saka kasi . . . may sundo ako."

"Ah." Meg smiled. "Sige-sige tapos sabihan mo ako kung papayag, ha? Sabihin mo na lang bobo kasi ako at kakatayin ako ng tatay kong matador kapag bumagsak ako ngayong sem." Tumawa ito. Maging si Teissa ay natawa rin nang mahina.

"Ikaw talaga, Meg." 

"Totoo naman. Kakatayin talaga ako no'n, Teissa kaya pakiusapan mo na sila. Hindi naman tayo magtatagal. Baka imbes na sa art gallery sa Paris ako mapadpad, maging per kilo ako sa amin."

She shook her head while laughing softly. Aksidente naman siyang napatingin sa gawi ng kaklase niyang si Juvan. Nang makita kung saan nakatutok ang mga mata nito ay kaagad napaayos ng upo si Teissa. 

She fixed her button-down top and straightened her back. Biglang nagbalik sa isip niya ang ginawa ni Dayne na pamimwersa sa kanya noon. Bigla tuloy siyang pinagpawisan ng malagkit habang ang dibdib niya ay malakas ang pagtibok.

Great. That's another reason to stay away from Juvan. 

Meg became busy chitchatting with another classmate of them. Bumalik naman si Teissa sa ginagawa hanggang sa natapos ang vacant period nila.

Pagkatapos ng huling klase ay nagdesisyon na siyang sabihin kay Andres ang paghingi ng tulong ni Meg. She was hesitant at first. Baka kasi isipin nitong nakikipag-date siya. Sabi pa naman ni Maia ay maraming lalakeng TH. Kahit wala siyang ginagawa ay baka paghinalaan siya. 

Her phone vibrated after receiving a response from Andres.

Andres: Until what time will you be working with your friend, baby?

She pursed her lips and tried her best not to get too affected by the endearment he used. Inipit niya ang payong niya sa kili-kili saka siya nagtipa ng reply.

Teissa: Hanggang seven kung okay lang.

It didn't take long before Andres sent her a reply.

Andres: Alright, baby.

MONTE COSTA SERIES #1: Shore Of Hearts [Published Under PSICOM Publishing Inc.]Where stories live. Discover now