CHAPTER 24: Ngiti

536 10 0
                                    


Deyline Vestalisa POV

"Gising ka na ba Deyline?" Minulat ko ng dahan-dahan ang mga mata ko. "Oo. Ang ingay mo naman." Sabi ko kay Verlo. "Muntik ka na ngang mamatay nagawa mo pang mag-biro." Sabi nito.

Hinawakan ko ang mukha nito.

"Ang dami mong sugat. Ok ka lang ba?" Tanong ko. "Oo. Ikaw ang gamot ko eh." Grabe itong lalaking ito. Napangiti agad ako.

"Deyline!" Napatinggin kami sa pintuan. At nandito ang nanay ko. "Maiwan ko po muna kayo." Tumango ang nanay ko.

Lumapit naman saakin ang nanak ko at umupo sa gilid ng hospital bed ko.

"Kawawa ka naman anak ko." Umiyak sa harapan ko ang nanay ko. "Hindi ako patay para iyakan mo. Bakit ka ba umiiyak." Sabi ko dito. "Siyempre iiyak ako! Dapat hindi ka nandito, ano!" Sabi nito. "Nag dala ako ng mga pagkain. Ito ang kainin mo ok? Hindi ako nag titiwala sa mga pagkain dito sa hospital." Inilapag ni mama ang mga tupperwares sa lamesa.

"Nandito din ang mga damit mo, shampoo, sabon, toothbrush at toothpaste. Pati ang plato at tinidor mo nandito. Kaya hindi mo na kailangan lumabas pa. Kumpleto na ang maletang iyan-"

"Thank you ma." Napatigil ito sa ginagawa niya dahil hindi siya makapaniwalang sinabi ko ang salitang iyon. "Thank you sa lahat." Sabi ko ulit. "Oh Diyos ko, anak ko. Nanay mo ako. Ito ang gawain ng isang ina." Hinawakan niya ang mukha ko.

"Kahit na sabihan mo ako ng masasakit na mga salita. Kahit na sabihin mong hindi mo na ako mahal at hindi mo na ako ina. Anak pa rin kita. Kahit mamatay ako. Anak at anak parin kita Theora." Sabi nito at tumulo na ang mga luha niya. "Mauna na akong mamatay, mawala na lahat ng kayamanan na mayroon ako, mawala na ang kompanya ko. Pero wag lang ikaw anak ko. Kasi nag iisa ka lang Theora." Hinug ako ni mama at tumulo na ang luha ko. "Mahal na mahal kita anak ko." Sabi nito. "I love you din ma." Sabi ko at lalong umiyak ng malakas si mama. "Oh Diyos ko. Napatawad mo na ako anak." Umiyak lalo si mama.

"Mag pahinga ka muna. May kukunin lang ako sa baba ok?" Tumango ako at lumabas na si mama.

Pumasok naman si Verlo.

"Mukhang masaya ang mood ng mama mo pag labas niya. At luhaan din ang mga mata mo. Umiyak ka nanaman ba?" Tanong nito saakin at hinawakan ang mukha ko. "Hindi, tumawa kaya ako." Tinanggal agad niya ang kamay niya sa mukha ko. "Pilosopo." Sabi nito.

"NASAN NA ANG DAUGHTER IN LAW NAMIN?!?" Diyos ko po. "Mom?? Dad?? What are you doing here!?" Tumawa nalang ako. "Diyos ko, my dear. Are you ok na ba now? I bought you some herbal tea. Para mas mabilis kang gumaling my dear." Sabi ni Mrs. Gold. "Ok lang po ako tita at tito." Sabi ko naman. "I'm so sorry Deyline. But nag pumilit yang tita mo na pumunta dito dahil nag aalala na siya saiyo." Sabi ni tito. "No problem po tito. Mas ok na po na naka punta na po dito si tita para malaman niyang ok lang po ako." Tumawa naman si tito. "Oh siya. Maiwan muna namin kayo. Mukhang madami ka pang bisitang darating." Tumango ako kay tito. "Pagaling ng mabilis my dear!" Sabi ni tita.

Pag kalabas at pag kalabas palang nila tito at tita. Pumasok na agad sila Kiel at ang mga kaibigan ko.

"DEYLINEEEEEE!!!!" Niyakap agad ako ng mga kaibigan ko. "Oi. Dahan dahan lang-" Pinutol ng mga kaibigan ko si Verlo. "Magaling na si Deyline, kaya di nanamin kailangang mag dahan dahan noh!" Sabi ni Keziah.

"Kamusta ka na?" Tanong ni Kiel saakin. "Jusko. Ok na nga ako eh." Sabi ko. "Good. Kasi kung hindi mapapatay ko itong lalaking ito." Tumitig si Kiel kay Verlo. Tumawa nalang kaming lahat.

__

After 3 years...

"Hi ma'am. Etoh na po lahat ng pinapagawa niyo saakin." Ibinigay saakin ng secretary ko ang mga folder.

"Ok good. Yung model. Nandito na ba? Gusto kong makita." Tumango ang secretary ko at pinapasok ang dalawang model.

"H-helo po." Napangiti ako. "G-good afternoon po ma'am Deyline." Sabi ng dalawang model namin. "No need to be shy. Call me ate Deyline since you two are still in senior high school. So you guys are both stem students right?" Tanong ko. "Yes po." Sabay na sagot nila. "Hmm. I see. Same university?" Tanong ko ulit. "Yes po." Sagot na ulit. "Ok good." Tininggnan ko ang isang babae na naka suot ng salamin.

"I think it's better if wag ka na mag suot ng salamin. Mag kakaroon kayo ng sarili niyong personal assistant. Personal phones and many more. Ang tuitions ninyo at ang monthly expenses ninyo ay sagot ko at ng kompanya. I heard na parehong may sakit ang tatay ninyo? Am i right?" Tanong ko at tumango sila. "Well. Mag kakaroon sila ng sariling doctor at papagalingin ko ang mga tatay ninyo." Nginitian ko sila.

Lumuhod naman sila sa harap ko at nag pasalamat. "Thank you po so much!" Sabi ng dalawa. Pinatayo ko naman sila. "Mga iha, hindi niyo na kailangan lumuhod sa harapan ko." Ngumiti ako. "So bukas mag s-start na kayo. Nakaayos na rin ang schedules ninyo for the whole year. Kailangan niyo paring mag aral. You two can take a rest first." Ngumiti ako. "And this." Kinuha ko sa drawer ko ang dalawang envelope. "Umuwi kayo at alagaan niyo ng mabuti ang mga tatay ninyo." Sabi ko at ibinigay sakanila ang envelope. "Nako po, ang laki po nito." Sabi nila. "Psh. It's ok. Don't be late tommorow ok?" Tumango sila at nag paalam na kami sa isa't isa.

__

7 pm

"Ang o.a ah. May pa special dinner ka pa tonight." Hinampas ko sa braso si Verlo. "Of course naman. It's our 3rd year anniversary." Sabi nito. Umupo nalang kaming dalawa at nag order na.

"Ang ganda dito ah. May pa fairy lights ka pa. At may pa roses-"

"HOY BROWNOUT VERLO!!"

Sumigaw ako pero biglang nag bukas agad ang mga ilaw.

"Ano-"

Nakita ko ang mga kaibigan ko, ang mama ko, si manang, at ang parents ni Verlo.

Napatayo ako at napatakip ako ng bibig ko.

Nakita ko naman na lumuhod sa harapan ko si Verlo.

"Deyline Vestalisa. The loge of my life. We've been together for 3 years already. At napatunayan natin sa isa't isa na kaya na natin. Kaya na nating mag karoon ng mga ank, at kaya na nating mag pakasal." Sabi nito at naluha ako. "Deyline Theora Vestalisa. Will you accept me to be your husband for the rest of our lives?" Inopen niya ang pulang maliit na box. At tumapat saakin ang isang diamond ring.

"Parang tanga naman toh!" Tumawa si Verlo. "Of course. Yes!" Sinuot ni Verlo ang ring sa daliri ko.

"Wooooohh!!!" Nag sigawan ang mga tao dito sa restaurant.

Hinalikan ko naman si Verlo. At hinawakan sa mukha.

"Iyang ngiti mo ang pinakamagandang ngiti na makikita ko na buong buhay ko." Ngumiti si Verlo. "At ikaw naman ang magiging ina ng mga anak ko. Paniguradong magaganda at maga-gwapo ang magiging mga anak natin." Ngumiti ito.

Kung ako ang tatanungin mo. Totoo ang tadhana. Just wait for it. Don't rush it.

Deyline Vestalisa: Ceo's Unknown DaughterWhere stories live. Discover now