CHAPTER 21: Missing

403 13 2
                                    


Deyline Vestalisa POV

Nag ready na akong pumasok sa trabaho ko.

Dahil next week. Ila-launch na namin ang tatlo naming store sa Manila. Kaya kailangan ko ng mag trabaho ng mabuti para maganda din kakalabasan ng grand opening namin.

"Good morning ma'am." Bati ng security guard saakin at ngumiti ako sakaniya.

Tumakbo papunta saakin ang secretary ko. "Ma'am-" Pinutol ko ito. "Nakalimutan mo nanamang bumili ng mga tela ano?" Tumango ito. "Sige na, bumalik ka na sa desk mo. Ako nalang ang bibili, may kukunin din kasi ako sa bahay." Sabi ko dito. "Salamat po ma'am." Nag pasalamat ito at bumalik na sa desk niya.

Bumalik ako sa parking lot ng company at sumakay na sa kotse ko.

Pag karating ko sa shop pumili na agad ako ng tela.

"Theora?" Tuminggin ako sa taong tumawag ng second name ko. "Theora, anak. Nandito ka rin pala?" Hahawakan na sana ako ng babaeng ito pero umiwas ako. "Oo." Pumunta na agad ako ng cashier para makaalis na agad ako dito. "Wag kang mag madali Theora. Gusto mo bang kumain kasama ako?" Tuminggin ako kay mama. "Busy ako." Sabi ko dito. "Iha, wala ka namang trabaho? Paano ka magiging busy?" Sinabi niya ito saakin at tuminggin ako sakaniya.

"Bumalik ka na sa company ko. Baka gumaya ka sa tatay mo."

Parang sinaksak ako ng kutsilyo sa likod ng sampung beses.

"Paano ka na makakabuo ng mansion kung wala kang pera?" Tumitig ako sakaniya. "Puro ka nalang ba pera?" Hindi ito makasalita sa sinabi ko. "Wala ka na bang ibang alam na salita kundi pera?" Sabi ko dito. "Theora-" Pinutol ko ang sasabihin nito. "Kaya mo ba iniwan at hinayaang magka-sakit si papa dahil sa pera?" Sabi ko. "Dahil nakahanap ka na ng lalaking may madaming pera kaya mo kami iniwan?" Napaatras ito sa sinabi ko. "Kaya kung wala ka ng ibang sasabihin pa kundi pera. Aalis na ako sa harapan mo. Baka masaktan pa kita." Binayaran ko na ang mga telang napili ko. "Paki deliver nalang yan." Tumango ang sales lady at umalis na ako ng store.

Biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello? Who is this?" Nag salita na ako pero wala paring nag sasalita sa kabilang linya. "Hello? I said who is this?" Nag salita ulit ako. "I have no time for this." Binaba ko na ang tawag at pumasok na ako sa kotse ko.

Verlo Gold POV

Masaya akong nakangiting pumasok sa office ko.

Tinanggal ko agad ang ngiti ng may pumasok sa office ko.

"Don't you know how to knock?" Sabi ko sa secretary. "Sorry po sir. Akala ko po mamaya pa po kayong hapon papasok." Hindi nalang ako nag salita at binalik ang tinggin ko sa computer ko. "Why are you here?" Tanong ko sa secretary ko.

"Meron po kayo 2 meetings later sir." Sabi nito at ibinigay saakin ang folder. "Ok. Papunta na ako sa 1st meeting ko. Pakisabi sakanila." Tumayo na ako at inayos ang neck tie ko.

"After ng 2 meetings ko. Pakitawagan si Deyline. And reserve us a dinner at Kayis Restaurant." Tumango ang secretary ko. "May importante akong sasabihin sakaniya." Umalis na ako sa office ko at pumunta na sa meeting room.

__

Pag katapos ng dalawang meetings ko. Bumalik ako sa office ko. 6:23 pm na. Susunduin ko na si Deyline.

*Knock* *knock*

"Come in." Pumasok ang secretary ko. "What is it?" Tanong ko sakaniya. "Ms. Deyline Vestalisa is not in her office sir. I already called her, but she's not answering sir." Tuminggin ako sa secretary ko habang inaayos ang suot ko. Kinuha ko ang perfume ko. "Then call her again." Sabi ko at nag pabango. "I already did sir. 30 times already sir." Napatigil ako sa ginagawa ko.

Kinuha ko agad ang susi ng kotse ko at nag madaling pumunta sa bahay niya.

Bahala na kung mabangga. Buhay ng mahal ko ang nakataya dito.
__

Nakarating agad ako sa bahay ni Deyline.

"Iho? Bakit pagod na pagod ka ata?" Tanong ni manang saakin. "Nandito po ba si Deyline?" Tanong ko. "Wala pa nga eh. Dapat kanina pang 5 pm uuwi yun, siguro nag overtime nanaman." Ngumiti si manang saakin.

Dali dali naman akong tumakbo papalabas ng bahay ni Deyline.

"Verlo! Kumain ka muna iho!" Hindi ko na pinansin ang sinabi ni manang at dali dali nalang akong umalis.

Pumasok agad ako sa kotse ko at hindi ko na alam kung saan na ako pupunta.

"Nasan ka Deyline?"

"NASAN KA DEYLINE!!??"

Hindi ko na nakontrol ang sarili ko sinuntok ko ng malakas ang manibela ko.

Biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello?"

"Are you looking for your bb girl~" Hailey.

"Nasaan si Deyline!?" Sigaw ko. "Daddy chill~ Hindi ko pa naman ginagalaw ang baby mo." Tumawa ito. "Nababaliw ka na ba? Ano ba ang kailangan mo!?" Sigaw ko ulit. "Hmm... Madami eh. Pero siguro ikaw." Tumawa nanaman ito. "Ibalik mo si Deyline ng buhay at walang galos sa buong katawan. At makukuha mo ang gusto mo." Sabi ko. "Ang bilis naman niyan! Pero sige- But! Gusto ko muna mag tagu-taguan." Sabi nito. "Wala akong panahon para makipag laro sayo Hailey." Sabi ko. "Oh i know you have a lot of time. Especially kapag buhay ni Deyline ang nakasalalay. Am i right?" Tumawa nanaman ito. "Ano ba ang gusto mo Hailey?" Tanong ko rito. "Gusto kong, hanapin mo muna kami bago mo makuha si Deyline." Sabi nito. "Hanapin mo kami daddy Verlo~" Tumawa muna ito bago binaba ang tawag.

Tinawagan ko ang mga kaibigan ni Deyline.

Lahat sila ay nagulat at umiyak. Sinabi ko na rin sakanila na itrack ang number ni Hailey at ginawa naman agad nila iyon.

Hahanapin kita Deyline. Mamatay na kung mamatay. Basta namatay ako dahil sayo.

Pinaandar ko na ang kotse ko at pinaandar ito ng mabilis.

Deyline Vestalisa: Ceo's Unknown DaughterWhere stories live. Discover now