CHAPTER 4: Plano

876 24 0
                                    

Dahil sa dami kong ginawa ngayong araw. Naisipan ko munang pumunta ng coffee shop para bumili ng pagkain.

Pumunta na ako ng elevator para bumaba papuntang sa coffee shop na malapit lang sa hotel.

.

Nag order na ako ng kape ko at iniintay ko nalang ito.

"Look who's here..."

Tuminggin ako sa itsura ng nag salita.
Pero binalik ko nalang ang tinggin ko sa cellphone ko.

"Nandito pala ang anak ng mamamatay tao." Nag si-sitingginan na ang mga tao saamin.

"Kamusta ang buhay mo?

Hindi ba dapat ikaw yung ikulong?"

"Ikaw? Kailan ka mag papatahi ng bibig? Laki ng butas eh." Sabi ko at nagulat siya. "Gulat ka? Sorry ah. Straight forward kasi akong tao." Dagdag ko.

"Eh yung nanay mo? Hindi ka pa rin ba mahal? Ni hindi ka nga pinag tanggol." Tumawa siya. "So funny! Blessing talaga ang nanay mo sayo ano? Siyempre! Sino bang kakampi sa anak ng mamamatay tao?" Tumawa ulit siya.

"Hindi siya blessing sa buhay ko." Natahimik siya.

Nag si-sitingginan parin ang mga tao saamin at nag bubulungan. Rinig ko naman ang bulungan sa likod ko.

'baliw ba yung naka itim? Kailangan ata mag patinggin.' bulong nito sa kasama niya.

"Tuminggin ka sa paligid mo. Pag masdan mo." Dumating ang mainit na coffee ko sa table ko.

Tumayo ako.

"Ikaw ang nag mumuhkang anak ng mamamatay tao saating dalawa dito." Nainis siya. At sasampalin na sana niya ako. Pero tumigil siya dahil nakita niyang may nakatutok na mga camera sakaniya.

"Oh my god... Si Rianna nag pipigil na sampalin ako?" Ngumisi ako.

Hanggang sa may naisip akong magandang idea.

Nag kunwari ako na itatapon ko ang mainit na kape ko sakaniya.

"AAAHH! LOOK! SHE'S HURTING ME!!" Sigaw nito. At tumawa ang mga tao sakaniya. Minulat niya ang mga mata niya at satinggin ko naiiyak na siya sa ginawa kong kahihiyan sakaniya.

"Hindi ka pa rin talaga nag babago Rianna." Tumawa ako at kinuha ko ang wallet ko. "Nag hahanap parin ng paraan para hindi ka mag muhkang masama." Sabi ko at umalis sa harapan niya.

Pero tumigil ako.

"Masaya bang mapahiya sa madaming tao?

Kulang pa yan."

Nginisian ko siya at pumunta na ako ng exit.

"Ipost niyo po yan sa fb!" Sigaw ko sa mga tao at nginitian sila.

Lumabas na ako ng coffee shop.

Bumalik ako sa Pilipinas para ituloy ang buhay ko.

Pero meron parin talagang mga taong sisira sa buhay ko.

Hayst... Ano ba ang meron ako na wala sila? Nakakaawa naman sila.

.

Pauwi na ako.

Medyo madilim dilim sa dinadaanan ko ngayon.

Naka close na kasi yung daan doon.
Kailangan ko pa tuloy dito dumaan.

Ang sakit din ng lieg-

Aray!

Lumabas agad ako ng kotse ko at sinigawan yung lalaki.

Deyline Vestalisa: Ceo's Unknown DaughterWhere stories live. Discover now