CHAPTER 18: Lunch

337 10 1
                                    


Hailey Montreval POV

"What?!" Sumigaw ang bestfriend ko sa kabilang linya. "You're really turning to a monster Hailey." Sabi nito. "I'm just trying to help Verlo, b*tch." Sabi ko sa kabilang linya. "But isang independent woman ang kalaban mo Hailey, i think you should stop na." Sabi nito. "Why would i stop Yasha? Alam ko lahat ng plano ni Verlo." Sabi ko kay Yasha. "Hailey, you're trying to destroy yourself. Stop now or Verlo will kill you." Inis nito saakin. "Hindi ako kayang patayin ni Verlo." Sabi ko. "Eh paano kung nalaman niya lahat ng sekreto mo? Tiyak na hindi mag dadalawang isip si Verlo na patayin ka. Verlo is such a powerful person, you're trying to kill yourself Hailey." Sigaw nito. "Edi wag sabihin ang sekreto. Hindi niya maiisip iyon Yasha." Sabi ko dito. "Talaga? Kaya niyang mag hire ng tauhan para imbistigahan ka Hailey." Sabi nito at sinindihan ko naman ang sigarilyo ko. "Edi kukunin ko muna ang buhay ng mahal niya." Nagtaka si Yasha. "Diane is already dead b*tch." Sabi nito. "No, not Diane. The new one. " Sabi ko. "Who?" Tanong niya.

"Deyline Vestalisa." Pinatay ko ang tawag.

Tininggnan ko ang picture ni Deyline at sinunog ito gamit ang lighter ko.

Deyline Vestalisa POV

Biglang may kumatok sa pintuan ng office ko.

"Come in."

Nagulat nalang ako na pumasok si Verlo.

"Nandito ka pa pala? Akala ko umuwi ka na." Sabi ko. "Umuwi naman ako. Pero bumalik ako kasi sabi daw di ka pa kumakain ng lunch." Sabi nito. "Sino nag sabi?" Tanong ko. "Secretary mo. Nasa labas." Tinabi ko ang lahat ng papeles na nasa desk ko. "Anong dala mo?" Tanong ko. "Lutong bahay foods." Sagot nito. "Arte ng pag sasalita mo." Tinarayan ko ito at tumayo ako at kinuha ang ibang pagkain na dala niya.

Lahat ng pagkain mainit init pa. "In-order mo ba ito?" Tanong ko. "No. Tinulungan ako ni Mama." Napatango ako. Nag labas din ng pinggan at utensils si Verlo mula sa isang bag. "Here." Binigay niya saakin ang plato at utensils. Pinaupo ko siya

"Ang weird mo ah." Napatinggin ito saakin. "Pabait ka ng pabait. Anong nakain mo?" Tanong ko. "Wala. Just-" Napatigil ito. "Nevermind." Tinuloy nalang niya ang pagkain niya. "Anong just? Nagayuma ka ata." Sabi ko. "Ginayuma mo." Singit naman nito. ",Hoy, di ako marunong mang-gayuma noh." Sabi ko. "Hindi nga." Tuminggin ito saakin at ngumisi. "Alam mo, sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin. Pero wag kang ngi-ngisi saakin, hayop ka." Sabi ko dito at tinarayan siya. "Di naman ako araw araw ngumi-ngisi. Minsan lang naman eh." Sabi niya. "Ngumisi ka na sa ibang tao, wag lang saakin." Sabi ko. "Bakit, anong gagawin mo?" Tanong niya saakin.

Tuminggin ako sakaniya na parang mag bubuga na ako ng apoy mula sa bibig ko.

"Susunugin ko yang bibig mo." Sabi ko dito. "Talaga? Paanong sunog?" Sinusubukan talaga ako nitong lalaking ito. Tumayo ako at lumapit kay Verlo.

Hinawakan ko ang mukha nito at tinapat ang tinidor sa mukha nito. Na halos mag kalapit na ang mukha naming dalawa.

"Ms. Vestalisa, hanap po kayo-" Napatinggin kaming dalawa ni Verlo sa pintuan at nakita namin ang secretary ko na gulat na gulat sa nakikita niya ngayon.

"A-ay pasensya na po- naabala ko po ata kayo." Sinarado na ng secretary ko ang pintuan.

Inayos ko naman ang sarili ko at bumalik ako sa upuan ko.

"That is very unprofessional Ms. Vestalisa." Sabi nito saakin at tuminggin saakin.

"I like it." Ngumisi ito at binalik ang tinggin sa pag kain niya.

May pa i like it ka pa diyan. Tanggalan kaya kita ng ngipin. Kairita.

"Manahimik ka nga. Bilisan mo na kumain. Ayaw ko makita yang pag mu-mukha mo." Sabi ko. "Grabe ka naman Ms. Vestalisa. Parang ako pa ang may kasalanan?" Sabi niya. "Oo ikaw. May paano paano ka pa diyan. Tanggalan kita ng ngipin." Sabi ko. "Wag naman. Edi hindi mo na ako makikitang ngumiti." Sabi niya. "Kailan ka pa ngumiti? Never pa kitang nakikitang ngumiti, ano." Sabi ko.

"Makikita mo rin. Makikita mo sa kasal natin." Napatigil ako at tuminggin sa kaniya.

Naka ngisi lang siya na parang bata na naka tanggap ng isang perasong candy.

"Tatanggalan talaga kita ng ngipin. Humanda ka saakin."

Deyline Vestalisa: Ceo's Unknown DaughterWhere stories live. Discover now