CHAPTER 15: Back to work

331 9 0
                                    

Deyline Vestalisa POV

Balik trabaho na naman. Kailangan ko mag trabaho ng maigi, para maging matagumpay yung project namin namin ni Verlo para sa kompanya ko.

"Good morning everyone." Bumati ako sa mga employers ko. Binati rin naman nila ako pabalik. "Nag breakfast na ba kayo guys?" Umupo na ako at kinuha ko ang mga files na hawak ng secretary ko.

May meeting kasi kami ngayon.

"May naisip na ba kayong mga babaeng model?" Tanong ko sa kanila. "Meron po ma'am." Iniabot ko yung mga pictures. "Sino ito?" Tanong ko sakanila. "Hailey Montreval po ma'am." Tumango ako. "Siya po yung isa sa s mga babaeng nag audition po." Dagdag nito. "Ok sige. Mamaya kakausapin ko siya. Ihanda niyo na yung mga damit na ipapasuot sa kaniya." Utos ko. "So, dito na mag tatapos ang meeting natin. Mag lunch muna kayo. Bye."

Tumayo na ako sa upuan ko at dumereto na ako sa office ko.

Verlo Gold POV

"Sir, natanggap na po si Hailey Montreval para maging model ng company ni Ms. Vestalisa." Huminga ako ng malalim at kinokontrol ang galit ko.

"Papuntahin niyo siya dito. Ako ang kakausap sakaniya." Sinunod naman ang utos ko at tinawagan na si Hailey.

kahit kailan talaga. Hindi ako tatantanan ng babaeng iyon.

_

"Na miss mo ba ako bubby?" Biglang kumulo ang dugo ko ng narinig ko ang boses na iyon.

"Hindi ka pa ba tapos?" Tininggnan ko siya. "Bakit? tinutulungan kaya kita." Ngumiti siya saakin. "Wag kang lalapit saakin. Ayukong mahawakan ng higad." Tumayo ako sa kinauupuan ko. "Mag kano gusto mo?" Tanong ko sakaniya. "Wala. Hindi naman ako nandito para perahan ka bubby. Nandito ako kasi gusto nga kita tulungan sa plano mo diba? Mapabagsak yung taong pumatay sa fiance mo." Ngumisi siya. "Nag bago na ba isip mo bubby?" Umiwas ako ng tinggin sakaniya. "Mahal mo na ba si Deyline?" Ramdam ko na ngisi siya ng ngisi.

"Umalis ka na." Maikli kong sabi sakaniya. "Ok ok, fine. Kung ayaw mo na itulot yung plano mo, edi ako nalang ang mag tutuloy." She winked at me before she goes out of my office.

This is bad. This is really bad.

"Tawagan ko na ba si Deyline sir?" Tanong ng secretary ko. "No, just always check her if she's fine." Tumayo ako at kinuha ang susi ng kotse ko.

May pupuntahan akong taong makakatulong sa problema ko.

_

"Oh, napadalaw ka." Pinapasok niya ako at pinaupo sa sofa niya.

"May ipapagawa ka ba?" Tinanong niya ako at binigyan ng isang basong mainit na kami. Classic Black coffee.

"Meron." Napataas siya ng kilay. "Name, address, at background." Binigyan niya ako ng isang pilas ng papel. "Wag kang sasablay." Tuminggin ako sakaniya. "Ako pa ba? Kailan pa ako sumablay?" Ngumisi siya at tumawa.

Kinuha niya ang papel at tininggnan ito. "Hmm. Sige. Itetext nalang kita." Tumayo ako. "Nga pala Verlo. Malaking halaga ibabayad mo saakin ah, mahirap pakisamahan itong taong toh." Sabi niya saakin. "Oo naman." Tumango siya saakin. "Mauna na ako." Lumabas na ako ng bahay niya at sumakay na sa kotse ko pabalik sa kompanya.

Deyline Vestalisa: Ceo's Unknown DaughterWhere stories live. Discover now