CHAPTER 12: 2 am

338 13 0
                                    

Verlo Gold POV

"Ate Deyline~" Nag sigawan ang mga bata papunta kay Deyline.

Hinug ng mga bata si Deyline, na para na nilang pangalawang nanay si Deyline.

"Mayron ka po bang mga dalang laruan para saamin ate Deyline?" Tanong ng isang bata. "Ako pa ba? Oo naman!" Sagot ni Deyline at binuhat niya yung isa bata.

Pumunta na si Deyline doon sa mga box kasama ang mga bata at pumili na ang mga bata ng mga iba't ibang laruan.

"Sabi na eh." Napatinggin ako sa nag salita sa gilid ko. "Muhkang... Hindi ka sumusunod sa usapan nating dalawa." Humarap ako sa kaniya. "Tama ba ang, sinabi ko kaninang madaling araw?" Napangisi siya saakin. "Paano kung nalaman ni Deyline lahat ng plano mo?" Parang nag bubuga ng apoy ang mga mata niya saakin. "Sa huli. Ikaw parin ang matatalo." Lumapit siya saakin. "Ikaw parin yung matatalo,

Sa ating dalawa." Ngumiti siya saakin at umalis sa harap ko papunta kay Deyline.

Wala namang mali sa ginagawa ko.

Meron nga ba?

Deyline Vestalisa POV

"Saan ka galing?" Tanong ko kay Kaliel. "Uminom lang ako. Pagod ka na ba?" Kinuha niya yung box na hawak-hawak ko. "Hindi pa naman. Kakaumpisa palang naman natin eh." Sabi ko. "Tutulong narin ako." Kumuha rin ng box si Verlo. "Para ba ito sa mga bata?" Tanong niya saakin. "Oo. Lahat ng box na nandito sa mga bata lahat." Sabi ko. "Ok sige." Umalis na sa harap namin si Verlo na muhkang galit.

"Anong nangyari don? Bakit parang galit?" Tanong ko kay Kaliel. "Ewan ko. Baka bad trip lang." Sabi ni Kaliel at umalis narin sa harap ko na parang ayaw na niya tanungin ko pa siya ulit.

Binaliwala ko nalang ang lahat ng iyon at nag umpisa narin mag bigay at asikasuhin ang mga bata.

"Hoy friend." Lumapit saakin si Alecis. "May problema ba sa dalawa?" Tanong niya saakin. "Sinong dalawa?" Tanong ko pabalik. "Si Kaliel at si Verlo. Muhkang nag away kanina eh." Sagot niya. "Saan? At kailan?" Tanong ko ulit. "Ngayon-ngayon lang dzai. Kanina nakita kong nag u-usap sila, tapos parehong galit na galit yung mga mata nila sa isa't isa." Napakunot ako ng noo. "Hindi ko naman nakita silang nag away dito eh." Sabi ko kay Alecis. "Hindi nga. Pero kaming lahat, oo." Tuminggin ako sa mga kaibigan ko at napaiwas sila ng tinggin. "Ikaw ba ang pinag aawayan nila?" Dineretso na niya ako ng tanong. "Imposible. Si Verlo? Eh hindi naman ako magugustuhan niyan. Baka nga may girlfriend na iyon woi. At tsaka wala pa akong tiwala diyan sa lalaking yan." Sabi ko sakaniya habang nag aayos ng mga laruan. "Talaga? Eh tinggnan mo nga yung dalawa oh." Napatinggin kami ni Alecis sa dalawang muhkang bata na nag aagawan sa isang laruan. "Pati ba naman laruan pag aagawan nila." Umalis na sa harapan ko si Alecis at bumalik na sa sarili niyang ginagawa.

Wala na akong choice at lumapit nalang ako sa dalawa na nag aagawan sa isang barbie doll.

"Ano ba ang ginagawa niyo?" Tanong ko sa kanilang dalawa at napa-tigil sila sa ginagawa nila. "W-wala lang-" Napatigil si Kaliel. "Ano kasi. Uhm... Nagustuhan ko lang yung barbie." Tumawa silang dalawa. "Grabe ka naman Verlo. Di mo naman sinabi saakin na gusto mo pala ng barbie. Edi sana binigay ko na sayo kanina oa itong barbie." Tumawa silang dalawa na parang sira. "Ok lang ba kayo?" Tanong ko sakanila. "Oo naman! Sinong hindi ok?" Tumawa silang dalawa. "Ok? Maiiwan ko na kayo ah." Umalis na ako sa harap nila.

Verlo Gold POV

2 am.

Hindi ako makatulog. Nandoon na si Deyline sa kama. Lumabas lang ako ng kwarto para mag pahinggin.

"Lalaki ka ba talaga?" Napatinggin ako sa likod ko. "Kasi pinag lalaruan mo lang si Deyline." Nag sasalita si Kaliel sa harap ko. "Kilala kita Verlo. Ginagawa mo ang lahat ng ito dahil sa pinsan kong namatay."

Puro ka nga talaga pasabog Kaliel.

"Edi wag kang paharang-harang sa mga plano ko kay Deyline." Umalis ako sa harap niya.

"Huwag humarang sa mga plano mo? Bakit? Bakit ko titigilang humarang sa mga plano mo kung mahal mo rin si Deyline?" Napatigil ako sa pag lalakad ko. "Wag na tayong mag lokohan dito Verlo. Dahil sa huli, ikaw ang, matatalo." Lumapit ako sakaniya. "Kung ayaw mong masaktan, umalis ka sa harap ko at wag kang haharang harang sa mga plano ko." Napangisi siya sa sinabi ko. "Ginagawa mo ba itong lahat para sa pinsan ko? Na namatay din dahil sa kapabayaan mo." Hindi ko na napigilan ang mga kamao ko at dumapo na ito sa muhka niya.

Nasuntok ko siya.

"Wala akong kasalanan Kaliel." Matigas na sabi ko sa muhka niya. "Ok lang. Suntukin mo lang ako kung gusto mo. Pero isa lang ang masasabi ko sayo Verlo." Humarap siya saakin at pinunasan ang dugo sa mga labi niya.

"Layuan mo si Deyline." Sabi niya saakin. "Hindi mo magawa-gawa diba? Kasi galit ka sakaniya. Pero mahal mo na siya." Sabi niya. "Niloloko mo lang sarili mo Verlo." Tumawa siya. "Gaganti sa isang tao na wala namang kasalanan?" Dagdag niya.

"Wag na wag mong kakalimutan. Yung gabing namatay ang fiance mo. Yun din ang gabi na nakipag hiwalay ka sakaniya. Kaya walang kwenta itong mga plano mo kay Deyline. Dahil kasalanan mo rin kung bakit namatay si Diane." Gusto ko siya sapakin ng malakas. Pero hindi ko man magawa-gawa.

"Layuan mo na si Deyline. Dahil muhka ka ng tanga Verlo." Sabi niya.

"Tanga sa mga sarili mong plano." Umalis siya sa harapan ko at naiwan ako ditong luhaan.

Deyline Vestalisa: Ceo's Unknown DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon