CHAPTER 8: Charity

598 15 0
                                    

May biglang kumatok sa pintuan ng office ko.

"Come in."

"Ma'am. May pinadala pong letter si Mr. Gold." Inilapag ng secretary ko ang isang envelope na kulay ginto.

Lumabas na ang secretary ko at inopen ko naman na yung envelope.

~

Good morning Ms. Vestalisa. Did you eat breakfast yet? If not, come and join me.

-Gold

Nakalagay naman sa baba ang address ng isang coffee shop.

Coffee shop? Eh hindi nga ako umiino ng kape.

Tinapon ko naman agad ang sulat kasama na din ang envelope at kinuha ang bag ko.

Dumeretso na agad ako sa kotse ko at pumunta na sa address na binigay saakin ni Mr. Gold.

-

Pumasok na ako sa coffee shop at nainis agad ako sa amoy ng loob nito.

Kape.

Hinanap ko na si Mr. Gold at nakita ko ito sa dulo na naka shades.

Tumigil ako sa harap ni Mr. Gold at pinag masdan siya.

Natutulog ba siya o ano?

Kumatok ako sa table.

"Sorry, nag dadasal lang." Umayos siya ng upo at pina-upo din naman niya ako.

Nilagay ko na ang bag ko sa table at nag cross arms habang naka cross legs. Iniintay siyang mag salita.

May nilapag siyang isang folder na laman ng mga papel. Inopen ko ito. At nag umpisa na siyang mag salita.

"Simula bukas sasamahan mo ako. Dadalhin kita sa mga factory kung saan gagawin lahat ng designs mo at ng mga staff's mo." Tumango ako. "Pipirmahan ko ba ito?" Tinanong ko siya. "Kung gusto mo. Nag dadalawang isip ka pa yata." Tsk. "Ikaw ang nag sabi niyan." Kinuha ko na ang ballpen ko sa bag.

Pinirmahan ko ito at ibinalik sa kaniya.

Ngumiti siya.

"Salamat sa, pag titiwala Ms. Vestalisa." Kairita. "Masiyado pang maaga para mag pa salamat ka, Mr. Gold." Tumayo na ako at kinuha ang bag ko sa lamesa. "Kung wala ka ng iba pang sasabihin aalis na ako." Tumayo din siya. "Hatid na kita." Kairitaaaa. "May kotse ako Mr. Gold. Hindi mo na ako kailangang ihatid pa. I-send mo nalang saakin kung anong oras ako pupunta sa factory. Yun lang." Umalis na ako sa harapan niya at pumunta na sa loob ng kotse ko at bumalik ulit papuntang company.

Verlo Gold POV

May tinawagan ako sa cellphone ko. "Hello sir?" Sagot sa kabilang linya. "Tuloy ang plano." Binaba ko ang tawag at pumunta na sa kotse ko.

-
"Hello love." Inilagay ko ang mga bulaklak sa puntod ni Diane. "Kung sinasabi mong mali ang mga gagawin ko. Para ito sayo. Ang tamang hustisiya para sayo." Nag paalam na ako sakaniya dahil nag uumpisa ng umulan.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko habang nag da-drive ako.

"Why are you doing this?" Narinig ko ang boses ng nanay ko. "Hindi naman kita pinalaki ng ganiyan. Rebelde? Masama ang mag rebelde Verlo." Dagdag niya. "Ma-" "Wag kang mag rebelde. Verlo. Makakasira ka ng madaming buhay sa gagawin mo. Wag kang uuwi ng bahay ng ganiyang ugali." At binaba na niya agad ang tawag.

Pasensya na ma. Ang plano ay plano.

Deyline Vestalisa POV

"So pupunta ka sa mga probinsiya-probinsiya simula bukas?" Tanong ni Jewel saakin. Nasa coffee shop kasi kami dahil nag patulong siyang bumili ng dress para sa event na gaganapin kasama ang boyfriend niya.

"Oo. May charity kasi ako, remember?" Sabi ko sakaniya. "Ay oo nga pala! Muntik ko na makalimutan yun! Palagi mong kasama si Diane." Sabi niya na malungkot na tono. "Oo, kaya may charity ako dahil sakaniya eh." Si Diane kasi ay sobrang bait na babae. Tumutulong sa mahihirap, sa mga bata na nakatira nalang sa tabi ng kalsada.

"Gusto mo bang samahan ka namin?" Alok saakin ni Jewel. "Wag na. Ok lang. Kasama ko naman yung mga staff's ko sa company. At tsaka madami kayong gagawin ng 3 days diba?" Sabi ko at tumango siya. "Ay wait! Si Mr. Gold baka masamahan ka! Diba mag partner naman kayo? Tawagan ko lang." Nanlaki naman ang mga mata ko at hahablutin sana ang cellphone ni Jewel kaso huli na.

"Hello Mr. Gold? Alam mo na bang mayroong Charity si Deyline?" Sabi naman ni Jewel sa kabilang linya. "Ahh... So pwede mo siyang samahan para sa charity work niya?" Napatigil ako at sinubukang hablutin ang cellphone ni Jewel. "Ooh... 3 days lang naman kayo doon-" Napatigil ako. "So pwede ka Mr. Gold? That's nice! Well, bukas ng 4 am aalis na sila Deyline, sa harap ng company ni Deyline bukas ng 4 am, darating na ang mga bus. Kaya kung gusto niyo sumabay Mr. Gold sa bus. Pumunta kayo ng company bukas ng 3:30 am." Kinurot ko si Jewel pero parang wala lang sakaniya iyon. "Ok Mr. Gold. Thank you!" Binaba na ni Jewel ang cellphone niya.

"Ayan! May kasama ka na! Hindi kasi safe sa mga lugar na hindi mo naman kabisado kaya dapat may kasama ka." Sabi niya saakin. "Kasama ko nga mga staff's ko." Sabi ko naman sakaniya. "Eh gusto ko kasama si Mr. Gold eh. Pake mo ba! Tsk!" Tuminggin naman siya sa relo niya. "Omg. Mali-late na pala ako. Una na ako ah!" Hinug na namin ang isa't isa at umalis na nga siya.

Ano kaya mangyayari bukas? Kinakabahan ako na naiinis.

Deyline Vestalisa: Ceo's Unknown DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon