Chapter 14

138 5 2
                                    

KYLE'S POV

Siguradong hindi makaka-focus tong si Yumi sa exam at for sure mananalo ako. Haha. Tactics tactics lang. Sa observations ko,mukang may ADHD tong si Yumi e. Mabilis ma-distract. Sa pogi kong to,who can't resist? >:)

Mukang problemado si Yumi. Nalimutan na siguro lahat ng inaral niya. HAHAHA. Ang cute niya talaga. Hindi ko alam kung kelan nagsimula tong trip ko pero siya lang yung friend ko sa room na medyo marami ng alam sakin. Tsaka kailangan ko lang siya ngayon. Not in a sweet way pero..basta,malalaman niyo rin kung bakit naisip ko tong deal na to.

First exam namin ngayon ay Analytic Geom. Sus,sisiw naman to oh. Kaya nung makatapos ako sa paper ko,hinagilap agad ng mata ko si Yumi. Seryosong-seryoso sa pagsasagot ah.

Lumingon siya sakin. Sabay nag-smile ako para ipakitang tapos na ko. Kumindat na din ako para mas nakaka-distract. HAHAHA. Patay ka sakin ngayon Mayumi Suarez! >:))

'Mr. Ayala,are you done with the exam?',tanong sakin ni Ms. Cruz.

'Yes,Ma'am.'

Lumingon lahat ng kaklase ko sakin. Ano ba yan. Hindi na ba sila nasanay sakin? Tss. Pinasa ko na yung papel ko. Tumayo na ko at papalabas ng room. Dumaan talaga ko sa harap ni Yumi. Tumingin siya sakin. HAHAHA. Kitang-kita sa kanya ang gulat. 

Dalawang exam pa ang nakalipas at ayun,confident akong nagsasagot. Ang dali naman kasi. Susss. Matatalo ko talaga tong si Suarez kahit pigain niya pa brain cells niya,akin siya this Christmas. >:D

YUMI'S POV

'Hoy Ayala!',tawag ko kay impaktitong Kyle. Leche,ang halimaw magsagot. Tapos agad? Wala ng bukas? Pssh. Hindi ako kinakabahan. For sure may mali to. Carelessness lang ang kakampi ko ngayon,kaya please,sumapi ka kay Kyle.

'Oh? Suko na ba?',ang yabang talaga.

'Hindi no! May kodigo ka no? Bat ang bilis mo magsagot!?'

'Ganon talaga pag magaling na matalino pa. Sabi ko naman sayo talo ka na eh.'

'Hindi pa tapos ang exams week,okay? Assuming nito.'

'O tara magmeryenda. Para mag-cool down naman yang dugo mo.'

'Hindi na kailangan! Giniginaw na nga ko sa sobrang hangin mo e. Kanina pa,hindi ba obvious?'

'Sus,ang sweet mo Yumi. Tara na kahit ihatid na lang kita sa inyo.', ang kulit,hindi ba pwedeng sa inyo mo na lang ako ihatid? Joke lang syempre.

'Um,okay. Sige tara na.'

Hinatid niya nga ko sa may amin. Hindi ko na sya pinapasok. Masyadong napapadami ang mga lalaking nagpupunta sa bahay namin ng hindi sinasadya. Ayoko ng madagdagan pa. Hindi naman ako sociable eh. Hindi ko alam kung ngayon ba e Yumi's Year at kung bakit parang magnet ako ngayon ng mga lalaking weirdo.

Nasa kwarto na ko. Biglang may nagtext. Pagbasa ko: Asungot

She is Love <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon