Chapter 29

104 2 0
                                    

At dahil sabi ko mag-a-update ako..

---

YUMI'S POV

"Ate Chloe,tingin mo gagana tong plano natin?",tanong ko.

"Wala na rin naman tayong choice. Sabi niyo wala na rin kayong naiisip di ba?",sagot ni Ate Chloe.

"Okay. Sabagay.",napabuntong-hininga na lang ako. Kung ano mang mangyayari ngayon,bahala na. Gagawin ko lang naman ito dahil una,gusto kong malinis ang pangalan ko. Alam ko namang wala akong kasalanan eh at pangalawa,para kausapin na ko ni Kyle. Alam ko naman na hindi pa malalim ang relasyon namin dahil  

hindi pa naman kami ganon katagal pero..

"Hoy Yumi,sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin mamaya ah.  

Kaya mo yan girl!!". Tumango na lang ako kay Ate Chloe.

Pagkatapos namin maihanda lahat ng kelangan para sa plano pumunta na kami sa mall. Isa kasi yung bagong mall ng Ayala na ngayon ang opening at sabi ni Chloe,the best time daw ito para makabawi ako at malinis ang pangalan ko dahil maraming darating na bisita na majority ay present din nung Art Fair.

Pumunta na kami sa room kung saan makikita yung mga namamahala sa pagpapatugtog a mga announcement. Pinalayas ni Ate Chloe ang mga empleyado muna don saka kaming tatlo nag-usap-usap ulit.

"Hoy Enzo,ayusin mo yang gagawin mo ha! Tandaan mo kung anong nakasalalay dito!"

"Oo Ate.",sabi ni Enzo.

"Ate ikaw Yumi..wala diyan ka lang. Sige ihahanda ko na tong mga mic at speaker."

Kinakabahan ako. Lumingon ako sa room na yun. Marami din ditong tv na nagpapakita ng mga nakikita sa cctv camera. Nahagip ng mata ko si Kyle kahit sobrang daming tao. Lalo akong kinabahan sa plano namin. Sana mag-work. *crosses fingers*

After 10 minutes...

"What are we going to do here idiot?",boses ni Jess yun. Naririnig ko sa labas. Hoo. Inhale. Exhale.

"Gusto ko lang mapag-isa tayo may sasabihin ako.",narinig kong sabi ni Enzo.

"Whatever. Makiki-ride na lang ako sa kalokohang to.",narinig kong sabi ni Jess bago bumukas ang pinto at pumasok silang dalawa ni Enzo.

"OH. YUMI?",gulat na sabi ni Jess ng makita niya ko.

She is Love <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon