Chapter 19

202 4 0
                                    

Kausap ni Kyle si Sam. Nasa mbox. :D

---

ENZO'S POV

Habang nasa sasakyan kami ni Yumi,nagkwento lang sya ng kwento tungkol kay Kyle at sa pustahan nila. Ang cute niya panoorin. Biglang magpa-pout tapos biglang tatawa. Haha. Binuksan ko muna yung radio nung wala ng maikwento si Yumi.

*insert Hey Soul sister here* Watching you is the only drug I need.

Yes,sumasakto lang ang kanta. Sa isip ko lang yan syempre.

'Anong nakakatawa Enzo? Nag -aadik ka ba?',tanong ni Yumi.

'Ha? Oo nga. Adik nga sa'yo di ba? gusto mo yatang inuulit-ulit eh. Yiie.'. Ayan. Nahampas tuloy ako. Pero tawa pa rin ako ng tawa.

'Aww,sira ulo ka naman eh!',sigaw ni Yumi.

'Sus,gutom lang yan! Tara libre ko.',sabi ko.

'Ano bang magagawa ko eh dito sa kotse mo nakasakay di ba? Tsaka wala ka bang pakelam kung baka busog pa ko pero tama ka gutom nga ko. Sige,salamat boss ah! Pera mo naman yan eh tsaka bayad mo na to sakin dahil hindi mo agad sinabi na ikaw pala ang boss ko! O bakit tayo tumigil?',tanong ni Yumi after ng mahaba niyang speech.

'Nandito na po kasi tayo sa Jollibee. Ingay mo kasi eh.'

Bumababa na kami at sabay pumasok sa Jollibee saka umorder. Kahit ano lang daw yung sa kanya. Humanap na siya ng upuan. Haha. Ang saya ko. Date to kahit hindi official na date. May official bang date? Pag ba dalwa lang kayo date agad? Ewan. Ang gulo. Nagbayad na ko. Pinuntahan ko na siya.

'Para kang bata,alam mo yun?',sabi ni Yumi.

'Oh bakit na naman? Lahat naman tayo wala pa sa legal age ah.'

'I mean,of all places. Jollibee pa? Haha. Wag mo sabihing umorder ka ng Happy Meal!'

'HAHAHA. Wala ka bang childhood Yumi? Ang Happy Meal sa Mcdonalds yun. Dito Kiddie Meal. Eto nga oh may free toy!'

'Wowwww! Ang cute! Sakin na lang yung si Jollibee. Bat ang cute?'

'Ako pa daw ang parang bata!',sabi ko.

'Whatever. Tara na lang kumain. Teka kuha lang akong gravy.' Tumayo na siya at naglakad nang biglang muntik na siyang madulas. Pinigilan ko na lang ang tawa ko.

'Hoy Enzo,anong nakakatawa?'

'E kasi ang lampa mo naman!',sabi ko.

'Shh. Madulas eh. Basa kaya yung sahig. Sorry ha! Bakit ba?'

'Oh nag-explain pa. Ang akin lang naman eh,tatawid ka na lang sa isip ko,nahulog ka pa sa puso ko!',oha! Bago yan mga kapatid.Pero baka narinig niyo na XD

She is Love <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon