Chapter 10

185 6 4
                                    

YUMI'S POV

Nakakapagod ang araw na ito. 

At ang mga sumunod pang araw. Walang hanggang assignments. Tapos dumadating na ang mga projects na hindi ko alam kung anong koneksyon sa aking future. Sa trabaho naman,hindi ko na lang pinapansin ang concern ni Enzo. Medyo nakakapagod din kasi parang wala talaga ko sa mood these past few days. Kumbaga e,kung gusto mo yung ginagawa mo e gaganahan ka.

Si Kyle naman,ayun natataasan pa rin ako sa ibang quiz pero yung iba e sa mabuting palad e ako ang top. Haaay.

'Yumi. Yumi.'

'Ow Enzo? Ano nga ulit yun?'

'Ayy hindi ka naman nakikinig eh!'

'Sorry.'

'Ano bang nangyayari sayo Yumi?'

'Sakin? Wala? Bakit?'

'Um,parang..malungkot ka eh.'

'Ako malungkot?',tumawa na lang ako.

'Yumi..'

'Ano? Hindi ako malungkot okay? Stressed lang ako sa school!'

'Hindi nga?'

'Pakelam mo ba?' Ooops.

'Sabagay..ano nga bang pakelam ko?',tumayo si Enzo saka niligpit ang mga kinainan namin.

Aww,ano naman nasabi ko?? Haaay,bakit ba natatanga na naman ako? Ako lang tong masyadong nag-iisip eh at naapaektuhan kahit hindi naman dapat.

'Enzo..sorry.' 

'Hmm,tara mag-ice cream after work.',sabay smile niya. Aww,namiss ko to. Bakit kasi nagpapakabobo na naman ako e sobrang bait ni Enzo.

'Sige ba!'

Excited na excited ako matapos sa work kasi nga namiss ko talaga si Enzo na parang bestfriend ko na din. Dumiretso kami sa 7-eleven.

' Alam mo na ang gusto ko!'

'Haha. Nahulaan ko nga eh.'

Inabot na niya sakin ang ice cream. Wowww ang sarap!!! HUHU. Nakakaiyak sa sarap. Super namiss ko ang ice cream na to.

ENZO'S POV

'Thank you Enzo!',sabi ni Yumi. Ang cute niya pag masaya siya. Namiss ko talaga siya.

'Yumi,namiss kita.',sabi ko. AW,sht. Ano kaya iisipin niya? Napatitig lang siya sakin.

'Ako din,namiss kita.',sabay smile niya. Nagb-blush ba siya?

'Haha. Ihatid na kita ah.'

She is Love <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon